-Kabanata 6-

30 6 0
                                    

Kinaumagahan hindi na ako pinatawag ni Vince I was just shock ng nalaman ko na lift na ang sanction ko. Lift nga ba o isang araw lang din yun?

Nagkayayaan sina Rowena na pumunta sa canteen kaya sumama na din ako. I like joining their group hindi naman ako na a-out of place at agad naka adjust.Sila yung palagi kong kasama these weeks.Laking pasalamat ko na din kay Rowena.

"So ano?payag kana?sa Garden De Elianza tayo nito na sabado ah?"masayang bungad ni Rowena.Pumayag na kasi akong sumali sa kanila.Nakafile na rin ako ng form.Kahit nga wala na daw sabi ni Rowena kasi siya rin naman yun mag aapprove na meet ko na din ang ibang members at masasabi ko lang ay ang gaganda nila despites sa iba't iba nilang pinapakitang aura.

"Girl see that? Mukhang mabait lang yan pero namimintas yan," bulong ni Pearl.Gusto ko din naman sila pero minsan hindi ako makarelate sa kanila kaya mas komporatable ako kay Rowena.Tumango nalang din ako sa kanya.

"Kita mo yan," sabay nguso niya sa papalapit na grupo.Member din sila ng organisation.Kumunot ang noo ko

"Mga competitive yan kaya hinay hinay sa pakikipag close," tumango naman si Michelle.Actually kung susumahin mas close sila Michelle at Pearl.Si Rowena naman seems to be oblivious sa nangyayari sa paligid.She was sipping on her ice tea while checking trends in social media.

"Trisha looks nice pero pagnalaman niyang threat ka sa landas niya panigurado..."kibit balikat siyang umiling. I know that they are concern of my being at bago lang ako sa lugar kaya buong puso kong tinanggap ang payo nila.Wala rin naman masama kung makikinig ka sa payo ng iba lalo na kung ikakabuti mo din naman ito.

"Wala ka na sanction ah?"bulong naman ito ni Michelle.Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya pero agad rin tumango.

"Siguro...bakit mo natanong?"

Ninguso niya lang ang pintuan ng canteen. Nakita kong pumasok si Vince parang may hinahanap.Hindi kami madalas magkita nila ate sa school.Siguro kapag full sched sila yun naman ang vacant ko.

Sinundan ko ng tingin si Vince.Pumila siya sa isang stall habang tinitingnan ang menu sa taas nito. Naka royal blue siyang pants at white uniform naman sa taas na may lugo sa bulsa. Yun ang uniform ng mga lalaki.Nakasabit rin ang ID niya sa napaka organisadong paraan. May narinig akong tili malapit sa kanyang pwesto may pasimpli rin kumukuha ng litrato niya.He can pass as a model by the way.

"Sayang no?hindi natin mapapayag si Vince na magmodel,"biglang naisatinig ni Rowena kaya bumaling ako sa kanya.

"Javellana yan anong makukuha niya pag pumasok siya?"si Pearl

"Si Gonzaga nga eh ginawang libangan lang," sinatinig naman ni Michelle

Habang naguusap sila ay nakatuon pa rin ang tingin ko kay Vince.Bumili siya ng dalawang large Ice tea at dalawang sandwich bago umalis ay mukhang nagpasalamat pa siya sa tindera.

"Iba si Gonzaga he loves the spotlight kaya ganoon while Vince ayaw niya ang suplado pa naman no'n" si Rowena yun.

Actually nagulat ako na magaling pala talaga kumilatis si Rowena.I simply thought kapag nagustuhan ka niya ay isasali ka niya agad but having a few background sa modelling makikita mo ang dedication niya sa pagkuha sa mga models.

Pagkahapon ay tinawag ako sa SSG office akala ko nga si Vince yun pero nagulat ako ng si ate ang nagpatawag.Buti nalang din at half sched lang ako ngayon kaya hindi hassle.

Ngumiti ako sa kanya pagkapasok ko.May ginagawa siyang files pero napaunlakan niya pa rin ako ng ngiti.

"Nica..." sabi niya

Lumapit ako sa kanya para matingnan rin ang files na ginagawa niya.

"Wala ka nang sched?sabay na tayo umuwi," tumango ako at pinagmasdan siyang natataranta.

Twisted(Elianza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon