-Kabanata 2-

41 10 2
                                    

Nang umuwi kami kagabi ni ate ay hindi niya ako kinausap.Agad siyang nagmartya sa kwarto niya.Inaalo ko naman siya pero hindi niya ako pinapakinggan. Umirap lang siya at binalewala ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat na hindi niya ako senermunan o kakabahan dahil hindi naman ako nakatanggap ng sermon ay may pacold treatment si Ateng. Lumelevel up ah?

"Diba ngayon kayo mag eenrol nang ate Reanne mo?bakit parang di pa yun bumababa alas otso na," si mama yun.

Tiningnan ko ang hagdan naghihintay ng anino niya doon.Ngumuso ako patay badtrip talaga.

"Tatawagin ko nalang po" excuse ko at tumayo na sa hapag.Si lola tulog pa kaya kami lang nila mama ang kumakain.Tumango naman si mama at hinayaan ako.

"Ateng?"katok ko sa kwarto niya.Bukas naman kaya pumasok na ako.Nakita ko siyang nagaayos pero supladang binaling ang tingin sa akin.

"Te-"Umirap din ako. Aba ang suplada hindi naman bagay sa kanya.

"Ate Reanne. "Subok ko ulit.

"Tigilan mo ako Nica ah?"pananaway niya. Umupo ako sa kama niya habang siya ay patuloy na nagsusuklay.

"Kain na daw tayo sa baba sabi ni mama tyaka diba mageenroll tayo?" Nagtaasan kami ng kilay. Sumibol ang ngiti sa labi ko ng nagulat siya. Ayan sa pagtatampo mo nakalimutan mo dapat mo gawin ngayon.Napansin niya ang pagkabisto kaya umayos ulit siya. Tinabi niya ang suklay at tumayo.Nauna pa sa akin lumabas.

Magkaharap kami sa lamesa si mama at si papa naman ay may pinaguusapan kaya tahimik lang din kami nakinig sa kanila.Kumuha si Ateng ng bacon. Yung kanin ay malayo sa kanya kaya kinuha ko para mapalapit sa kanya. Tahimik niyang tinanggap hindi man lang ako sinulyapan. Patuloy ang cold treatment ni madam.

I chuckled and mind my own.

"Reanne ikaw na muna bahala sa kapatid mo at may ilalakad lang kami ng papa mo sa munisipyo" si mama.

Tahimik naman tumango si ate. Hinalikan kami ni mama sa kanya kanya namin pisngi bago umalis nila papa. Tapos na kami ng nagising si lola at naghahanda para umalis.

Ako:

Woy Reanne suplada mo ah?

Agad na nagring ang cellphone niya dahil sa text ko.Umirap lang siya hindi iyon pinansin dahil siguro alam na ako yung nagtetext. Natural magkatabi kami sa tricycle.

"Suplada naman ni Madam...diba manong" pagpaparinig ko. Hindi naintindihan ni manong driver yun

"Oo ka nalang manong," tumawa si manong at sumang ayon.Kinurot ako ni ate kaya napangisi ako.

"Papansin talaga."

"Gago mana sayo"

Umirap siya at tumawa. Bumaba kami sa gate ng Straza Community College. Nagpasalamat kami kay manong na naaliw sa inisan namin.

Umabanti si ateng naunang naglakad.Sumunod ako sa kanya at hinagwit siya sa braso. Suplada mood man ay hindi niya naman kinalas ang kamay ko sa braso niya.

"Di mo ba talaga sasabihin sa akin ang nangyari Veronica?" Umirap lang ako.

"Sinuntok ko nga Ateng"maktol ko dahil gigisahin pa yata ako sa hallway ng school.

"Bakit mo naman sinuntok?Noong huli mong uwi dito noon nakatanggap din yun ng suntok. Umuwi ka naman ngayon may suntok na naman," mahabang lantiya niyang inikutan ko ng mga mata. Pabida kasi kaya tuloy nalaman ni ate.

"Ayos lang yan ate lalaki naman yun tyaka pinagtanggol ko lang yung sarili ko."

Kumunot ang noo niya at napatigil pa kami.

Twisted(Elianza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon