Ken's POV
MAAGA akong gumising dahil sa lakas ng tunog mula sa pag alarm ng cellphone ko. Oo. Tinodo ko talaga ang volume para magising ako.. dahil kung wala akong alarm ay siguradong tatamarin akong bumangon.. Napatingin ako sa malaking kalendaro sa harap ko.. February 14,2020..
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at dumapo na naman sa aking ala-ala ang mga dahilan kung bakit ito ang pinaka ayaw kong araw sa buong taon.. Six years ago...
Sino ba kasi ang nag isip na kailangan ng Valentines day? Isipin mo na hindi yan holiday or kaya naman double pay pero kung makaasta ang mga tao ay ito ang pinakamahalagang araw sa kalendaryo? OO, aminado ako na bitter ako para sa pagkakataong ito..
Nakakapikon, paggising mo palang mabibingi ka na sa mga kanta nila Ariel Rivera, Celine Dion at ang walang kamatayang kanta ni Martina Mcbride na My Valentine!!
And even if the sun refused to shine
Even if romance ran out of rhyme
You would still have my heart until the end of time..Hindi mo tinapos ang kanta at may diin pa sa linyan iyan. Ganyan mo ako sinaktan..
Ang galing diba? Wow! Kalokohan yan! Yung mga kantang iyan?? !! Inisip ko na lang na paraan ito ng mga negosyante para may pagkaperahan ng mabenta yang musikang ganyan..
Sinubukan kong lumabas ng bahay, matapos mabingi sa mga tugtugin sa radyo ay naglipana ang mga tagabenta ng kung ano-ano.. Mga bulaklak, stuffed toys.. Chocolates.. Parang lahat ng lalaki required magbitbit ng regalo?? Aba! Epidemya nga siguro? Tsss..
Pakiexplain nga yung batang si kupido, yung anghel? Sinong nanay niya? ikaw kilala mo ba? Pakisabi sa kanya pabaya siyang ina!!!
Pinabayaan niyang gumala ang isang bata para lang mamana ng puso ng kung sino-sino eh mukhang hindi pa nga niya kayang magdasal at mangumpisal.. Pinapabayaan lang siyang magdesisyon kung sinong iibigin ng mga tao??
Ang galing galing, nakakapikon!!!!!Teka Sandali! Pepreno nga muna ako.. Bakit ba ako umabot sa ganito? Kaunting pagbalik sa anim na taon..
Nasaan nga ba ako Six years ago??
Anibersayo namin noon.. Pero hindi tulad ng ibang monthsary, ang pang labing dalawa ang pinakamatindi!!! Pagkatapos ng matabang na almusal, sinangag at itlog, bigla siyang tumayo at sinabing Ayoko na.. Tiningnan ko naman yung pinggan niyang simot naman.. Nagtataka akong tumingin sa mukha niya.. Tulad ng pinggan, siya ay simot sa pag-asa at saya.. Matapos iyon ay mabilis siyang nag impake, dala lang ang ilang damit, pantalon at ang pagsasama namin ng isang taon..
Tinuldukan lang ng salitang Ayoko na..
Wala akong magawa kundi matulala dahil sa sakit ng unang alak na gumuhit sa aking lalamunan..
Bago ang umagang iyon ay mugto na ang mga mata.. Iyon ang una at huli naming paghihiwalay.. Marahil ay sinadya niyang hintayin ang bukang liwayway para maaalala ko siya sa pagsikat ng umaga..
Binilangan ko siya.. Isa.. dalawa.. tatlong segundo, babalik yan...
Apat.. Lima.. anim.. pito..
Magbibilang pa para magpasundo..
Lumipas ang bukas, makalawa, isang buwan .. ilang taon , walang lumabas kahit anino..
BINABASA MO ANG
Withered Roses
FanfictionHindi ako rosas na titingnan mo lang para sa panandaliang kasiyahan at iiwan mo lang na tuyot , iiipit sa libro at kakalimutan...