Unan

452 34 1
                                    

Ken's POV

NAGISING ako ng maramdaman kong parang mahahati yung ulo ko dahil sa sakit.. Pagdilat ko, saglit akong napatingin sa malaking tv screen sa harap ko.. Habang antok pa at iniisip kung paano ako nakabalik ng Cabin ay kinapa ko sa gilid ng kama ko ang isang unan para yakapin.. Napatayo ako ng hindi unan ang nakapa ko kundi parang braso..



Rita??? Anong ginagawa niya dito??? Tumayo ako at kinuha ang unan na hinigaan ko kanina at itinakip sa alaga kong ang aga agang sumasaludo.. Inalog alog ko ang kama para magising si Rita dahil madami siyang dapat ipaliwanag sa akin ngayon.. Nang magising siya ay inis niya lang akong tiningnan. Halatang antok pa siya..





"What are you doing here??!" inis na tanong ko dito. Seryoso itong nakatingin sa akin at ng magbaba ang tingin niya sa unan na hawak ko ay umayos siya ng upo at dinuro ako..





"Hoy! Subukan mo lang akong hampasin ng unan, ilalaglag talaga kita sa dagat!!! Tsaka, dapat nga magpasalamat ka dahil hinatid kita dito sa Cabin mo! Lasing ka kaya kagabi!!"





"Bakit mo naman ako hinatid? Sana iniwan mo na lang ako sa Bar! Naging utang na loob ko pa ngayon yung paghatid mo? So umamin ka, ginapang mo ba ako kagabi?"





"Hoy Ken Chan!!! Bakit naman kita gagapangin? Hindi ako ahas no! Tsaka ang Oa mo! Baka nga kanina ka pa gising diyan at ako ang pinagpapantasyahan mo! Hmp.. Sana nga hindi na lang kita tinulungan makabalik ng Cabin mo! Ako pa napasama? Bwisit!!" sigaw nito at akmang bababa na ito sa kama ay humarang ako..





"Stay. Anong nangyari sa noo mo?" tanong ko sa kanya ng mapansin kong namumula ito..





"Manhid ka ba? Tumingin ka kaya sa salamin para makita mong namumula din yung noo mo!" mabilis akong tumungo sa CR para tingnan ang noo ko. Namumula nga!





"Anong nagyari sa noo ko? Pati sayo? Don't tell me nagbatuhan tayo ng bote ng alak at ang noo natin ang target?"  natawa ito .





"Basta!! Hindi naman tayo umabot sa point na nagbatuhan ng bote. Don't worry. Kalma lang naman ako. Hmm. Ikaw? Suka ka ng suka! Iinom-inom tapos hindi naman pala kaya! At ang pulgas mong pinsan, iniwan ka niya sa akin. Pero okay lang.. Alam ko naman na mas mahalaga ang pagiging kapitan niya kaysa sayo na pinsan niya! Haha.. Okay.. Babalik na ako sa Cabin ko. Pasensya na ! Dito ako nakatulog.."






Hinarang ko muli si Rita..





"Stay. Magpapahatid ako ng breakfast dito sa Cabin ko. Dito kana kumain." sabi ko sabay lapit sa telepono para omorder.. Napatingin ako kay Rita na bumalik sa paghiga at nakatingin naman ito ngayon sa asul na dagat na kitang kita dito sa loob ng Cabin ko..






"Received mo na lang yung order. Maliligo lang ako.." sabi ko kay Rita at tuluyan na akong pumasok ng banyo..


















Rita's POV






INIP akong nakaupo dito sa kama ni Ken habang hinihintay siyang lumabas .. Charrot. Habang hinihintay ko ang niorder nitong breakfast.. Dapat ay maliligo muna ako kaso mas nanaig yung gutom ko kaya aantayin ko na lang yung pagkain. Sayang din yun! Libre! Pucha, libre nga ba? Naku! Baka ako pa pagbayarin nito !!! Nang may kumatok mula sa labas ay mabilis kong binuksan ito at sakto, pagkain nga ito.. Pinalapag ko ang tray ng pagkain sa pabilog na lamesa dito sa loob.. Lumabas naman agad yung nagdala at hindi nanghingi ng bayad sa akin.. Ngayon ay aantayin ko na lang si Ken na matapos maligo para makakain na kami..





Withered RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon