Sissy

292 28 2
                                    

Rita's POV


Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Lola Min na kausap si Lolo Jose sa labas ng bahay. It's already 8am.. Nagtago ako sa gilid ng pinto at sinisilip ko lang sila.. Mukhang malalim ang pag uusap ng dalawa..







"Ay, palaka ka!!! Juskooo naman Ken!!! Bakit ka ba nanggugulat! Kakatapos ko pa lang mag kape hoy!"





"Bakit ka ba nandiyan? Anong sinisilip mo?"








"Si Lolo Jose at Lola Min, nag uusap kasi sila.. Tingnan mo!!" sabi ko kay Ken at pagsilip muli namin ay bumulaga ang dalawang matanda sa amin. Mabilis akong nagtago sa likod ni Ken..






"May hinahanap kayo mga apo?" tanong ni Lola at nagkatinginan kami ni Ken..






"Ah. Hmm.. Magpapaalam lang po sana kami ni Rita. Makikipag kita kasi kami sa mga kaibigan namin ngayon sa mall.. Hehe.." naiilang na sabi ni Ken.








"Okay. Basta may pasalubong kayo pagbalik.." sabi ni Lolo..








"Okay na kayo La?" matapang na tanong ko at nagkatinginan sila ni Lolo Jose at ngumiti..











"Kilala kita Rita. Alam ko kung anong tumatakbo sa isip mo at inuunahan na kita. We're okay now. Nakapag usap lang kami, kwentuhan.. We remained friends at pareho na kaming excited sa araw ng kasal niyo mga apo.."





Napahikbi ako at niyakap ko si Lola.. Okay na sila. Alam ko. Nararamdaman ko. Nag usap sila for us.. At sobrang saya ko..











"La.. Salamat.." humihikbing sabi ko dito..








"Ano ka ba! Para ka namang bata! Tahan na!" natatawang sabi ni Lola at mabilis kong pinunasan ang mga luha ko..





"I love you La! Lolo Jose! Salamat po!!"








"Kayong dalawa! Damihan niyo yung magiging apo namin hah!" banat ni Lolo at natawa na tuloy ako.. Hinila ako ni Ken palapit sa kanya at pinulupot nito ang kamay niya sa bewang ko..







"Opo Lo. Masusunod!" sabi ni Ken kinurot ko siya sa tagiliran.




















Inip kaming naghihintay sa barkada. Nandidito kami sa isang coffee shop sa sky garden ng isang mall..






"Order na ba tayo? Or hintayin natin sila?"






"Later na. Malapit na yung mga yun.."
















Malayo palang ay nakita ko na si Joyce—— with Damian?? Nagbalikan na sila? Sila na ulet?








"Hi Rita Girl!" nakangiting bati ni Joyce sa akin sabay beso. Nakangiti itong tumabi sa akin.. Ako naman, nagtatakang nakatingin sa kanya at kay Damian..








"Bakit kayo magkasama? OMG! Nagbalikan na kayo???"









"Ah.. Hmmmpp.. Oo.." kinikilig na pag amin nito at mabilis ko siyang niyakap..






"OMG! I'm so happy for you!!! At ikaw Damian! Huwag na huwag mo ng iiwan tong Joyce na ito hah! Kahit ipagtabuyan ka pa nito, wag mong iiwan hah!"








Withered RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon