Rita's POV
Papunta na kami ng Macau kaya medyo naexcite ako sa kung anong meron doon. Napatingin ako sa text ni Tonyo pero hindi ko iyon nirereplyan. Nagtatampo parin kasi ako sa pag iwan niya sa akin sa Singapore kaya hindi ko masyadong nasulit ang pamamasyal.. Tumungo ako sa favorite spot ko sa barkong ito.. Dahil nasa ibang direksyon ang tutok ng araw ay magandang pumwesto doon ngayon dahil hindi mainit.. Paglabas ko doon ay bumungad sa akin ang naninigarilyo na namang si Ken.. May katawag ito sa phone niya.. Napalingon ito sa akin ng mapansin niyang may tao sa likod...
Hindi ito nagsalita. Binalik lang niya ang phone niya sa bulsa at naka focus ang tingin nito sa mga alon..
Umupo ako sa isang mahabang bench at naglabas din ng sigarilyo..
"Syeeet. Naiwan ko yung lighter sa Cabin.." bulong ko sa isip ko..
"Hoy! May lighter ka ba? Pahiram naman ako!" sigaw ko dito.. Kunot noo siyang napatingin sa akin at nagulat yata ng makitang may hawak akong sigarilyo..
"May lighter ako pero hindi ako nagpapahiram." masungit na sabi nito at tumayo para lumapit dito..
"Ang damot mo!" inis na sabi ko at mabilis kong tinapon ang sirgarilyong hindi ko naman na magagamit..
"Kailan ka pa natutong manigarilyo? Ayaw na ayaw mo nga yung amoy niyan." rinig kong sabi nito pero hindi parin siya lumilingon..
"Same question.. Hmm. Marunong ka na din palang manigarilyo.. Ang dami dami na nga talagang nagbago.." sabi ko dito at tumabi ako sa kanya at napatingin din sa along ng dagat..
"6 years Rita. Napakadami na. Sobrang dami." sagot nito at ngayon ay tumingin na ito sa akin..
"Proud ako sayo." biglang sabi ko sa kanya at seryoso itong tumingin sa akin.
Ngumiti akong tumingin kay Ken.
"Alam ko galit ka. Galit ka sa pag alis ko. Ako din naman eh. Galit sayo at sa sarili ko. Pero alam mo, hindi ko pinagsisisihan yung pag alis ko kasi.. Kasi nakita kitang umasenso. Halos gabi-gabi yata laman ng balita yung art gallery mo. Magaling kang magpinta. Alam ko iyon. Ituloy mo lang yan.. For sure, malayo pa ang mararating mo.."
"Bakit ganyan ka magsalita? Magpapakamatay ka na ba mamaya?" inirapan ko ito at nagpakawala ng malalim na hininga..
"Kamusta kayo?" matapang na tanong ko kay Ken..
"Naka base na siya sa Canada for 5 years now.. Doon na din siya nagpakasal at nag-asawa.." napalingon ako kay Ken dahil sa sinabi nito..
"Ka-kanino? Nag asawa na si Jeff? Bakit?"
"Anong bakit?"
"Bakit mo ni-let go yung soulmate mo, yung first and last crush mo.."
"Anong nararamdaman mo ngayon Rita na yung tao na dahilan kung bakit tayo nag-ayaw at maghiwalay ng sobrang tagal ay kasal na?" tanong nito sa akin..
"Huh? Wa-wala. Ano ba dapat ang mararamdaman ko.. Tsaka.. Kahit naman mag stay ako sayo that time, alam kong hindi ko mabibigay yung totoong kaligayahan na nararamdaman mo lang kay Jeff.."
BINABASA MO ANG
Withered Roses
FanfictionHindi ako rosas na titingnan mo lang para sa panandaliang kasiyahan at iiwan mo lang na tuyot , iiipit sa libro at kakalimutan...