Rita's POV
Naka-angkla ako kay Tonyo habang naglalakad kami palayo sa Barko.. Naghihintay na ang shuttle bus na sasakyan namin papunta sa tourist spot dito sa Singapore..
"Siya ba iyon? Yung ex mong bisexual? Eh ang gwapo naman pala talaga! Kaya hindi ka maka move on!! Eeeeh.. Pero sure ka ba talagang Paminta yan? Eh bakit di ko naman maamoy?" tanong nito sa akin.
"Paano mo maaamoy? Eh ang lakas lakas ng perfume na gamit mo! Grabe, naligo ka ba sa pabango??" iritang sabi ko dito at kumawala ako sa pag angkla..
"Girl, sumusunod siya sa atin oh! Isama na natin! Nakakaawa naman!"
"No! Malas yan! Lagi akong napapahamak ! Kita mo kanina, nahulog ako sa pool!"
"Gaga! Ako yung naghulog sayo! Dinamay damay mo pa siya. Kawawa naman. Mabuti mga sinagip ka niya eh!"
"Oo. sinagip niya ako para bwisitin!"
Pagsakay namin sa shuttle bus ay sa kabilang side si Ken umupo. Kami naman ni Tonyo, sa kabilang dulo.. Binaba ko ang shades ko para hindi halatang nakatingin ako sa kanya...
"Yung mukha niya, mukhang stress. Nagmatured na. Pero gwapo parin tulad ng dati. Yung katawan niya, medyo gumanda na ang hugis.. Yung mga kamay niya, pudpod parin ang mga kuko.. Malamang siguro ay pinapanatili nito na pudpod ang mga kuko dahil pintor siya. Iniiwasan niyang mapasukan ng pintura ang kuko niya.. Yung mga mata niya, nagbago na din. Yung mga titig . Titig ng inis, galit, minsan walang emosyon. Tanging iyon lang ang nababasa ko.. Ang ikinagulat ko ay ang paninigarilyo nito.. Malamang ay ilang taon na siyang may bisyo. Malayong malayo sa Ken na kilala ko.. Ang hindi nagbago ay ang mga labi nito. Labing mapupula..Labing mainit at —— Aray! Tonyo! Makasabunot naman to!" bumalik ako sa wisyo ng hatakin ni Tonyo yung buhok ko at tinuro si Ken na may inaalalayang babae na pababa ng shuttle..
"Eh ano namang pakialam ko?"
"Oy. Nagseselos siya!"
"Pwede ba! Kahit ilang babae pa yung tulungan niya diyan, wala akong pakialam."
"Sus. Magpapatulong nga ako sa kanya pagbaba. Parang pinulikat yata ang paa ko eh.." sabi nito at nauna na siyang maglakad palapit sa pinto ng shuttle bus..
Nasapian ba tong si Ken? Crew ba siya ng Majestic para tulungan ang lahat na bumaba ng shuttle bus? Tsss
Nang ako na ang pababa ng shuttle bus ay naglakad na ito kasunod ng mga ilang pasahero.. Bwisit na to! Hindi manlang ako tinulungan!!! Grr..
Habang naglalakad silang lahat, chance ko na para macapture ang unang pagbaba ng mga Pinoy na sakay ng Majestic Cruise sa Singapore.. Nakangiti ako mg makitang maganda ang mga kuha ko.. Isa pang click ay biglang lumingon si Ken kaya nakuhaan ito sa camera.. Napahinto ako sa paglalakad at tiningnan ito..
"Bida bida talaga kahit kailan.." bulong ko at nagsimula na akong maglakad para sumunod sa kanila..
"Nakangiti ako habang kinacapture ang Merlion.. First time ko kasi dito sa Singapore. Nawala ang ngiti ko ng rumehistro sa isip ko ang isang masaya ngunit ngayon ay mapait ng ala-ala..
flashback*
Magkahawak kami ng kamay ni Ken habang naglalakad sa likod ng Mall of Asia. Nakatingin kami sa asul na dagat...
BINABASA MO ANG
Withered Roses
FanfictionHindi ako rosas na titingnan mo lang para sa panandaliang kasiyahan at iiwan mo lang na tuyot , iiipit sa libro at kakalimutan...