Ken's POV
Kakagising ko lang ng makarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng bahay.. Napatingin ako sa orasan, 6am palang ay may bisita na kami? Pagbaba ko ay mabilis kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang isang matandang babae. Chinita ito at tisay. May mga suot din na mamahaling alahas. Nagtataka akong nakatingin dito.
"Magandang umaga ho. Sino pong hanap nila?"
"Dito ba ang bahay ni Ken —Chan?" tanong nito.
"Ako ho yun. Bakit ho?"
"Ikaw ang papakasalan ng apo ko? Ang pagkakasabi kasi sa akin ay gwapo daw. Ikaw na yun?" napalunok ako ng laway sa sinabi nito at nahiya akong tiningnan ito.
"Ikaw ho ba ang Lola ni Rita?"
"Oo at wala ng iba pa."
"Pa-pasok ho kayo. Tulungan ko na po kayo sa bag niyo.." sabi ko dito at kinuha ko ang dala nitong bag.. Pagpasok nito sa bahay namin ay nilibot niya ng tingin ang bahay ko..
"Dito mo balak ibahay ang apo ko?" masungit na sabi nito..
"Sa ngayon po, opo. Pero may mga plans na rin kami ni Rita na bumili ng bagong bahay in case na—-"
"Teka nga, hindi pa kayo kasal ay binahay mo na ang apo ko———"
"Lolaaaaaaa!!" sabay kaming napatingin kay Rita na ngayon ay patakbong yumakap sa lola niya. Halatang miss na miss na niya ito..
"Iha, hindi mo naman nasabi na dito ka na nakatira sa mapapangasawa mo! Pinaamin ko pa ang Mommy mo !"
"Lola, okay lang naman po iyon! Tsaka nagmamahalan po kami ni Ken." sabi nito at lumapit si Rita sa akin at hinawakan ang kamay ko..
"Naku! Makukurot talaga kita sa singit bata ka!! Saan ba ang magiging kwarto ko dito?" tanong nito..
"Tara po La, samahan ko po kayo sa taas.." sabi ko at mukhang nagdadalawang isip pa itong sumunod sa akin. Kung hindi ito hinila ni Rita ay hindi ito maglalakad.. Nakakatakot naman pala tong Lola ni Rita. Malayong malayo sa Lolo ko.. Mabuti pa iyon, mabait.
Pagpasok namin sa guest room ay nilibot nito ang tingin sa kwarto.. May queen size bed naman dito..
"Rita. Dito tayo matutulog hah! Magkasama tayo dapat sa kwarto." masungit na sabi ng Lola niya at nagkatinginan kami ni Rita..
"Ahhh. Opo. Sige La." mabilis na sabi ni Rita at pinanlakihan niya ako ng mata na para bang sinasabing "hayaan mo na.. request ng Lola eh.."
Nakasimangot akong lumabas ng kwarto nila. Mamimiss ko si Ritang makatabi!!!
Kumuha ako ng fresh juice sa ref at nilagyan ang baso.. Napaupo ako at ininom ito.. Napansin kong sumunod pala si Rita sa akin dito sa kusina.. Mabilis itong yumakap sa likod ko..
"Hayaan mo na si Lola. Mahal na mahal kasi ako nun! Tsaka namiss ko din siya.."
"Ano ka ba! Okay lang naman!"
BINABASA MO ANG
Withered Roses
FanfictionHindi ako rosas na titingnan mo lang para sa panandaliang kasiyahan at iiwan mo lang na tuyot , iiipit sa libro at kakalimutan...