Safe

400 37 2
                                    

Rita's POV


Nagusot ang mukha ko habang inuubos ang iniinom kong pineapple juice.. Kanina pa kasi tawa ng tawa si Timothy at Ken.. Halata ng lasing si Ken.. Ginawa ba namang juice yung Tequila!! Sunod-sunod ang order nito at sunod-sunod din ang pag inom..






"Diba! Naalala mo yun! Noong nasa province tayo nila Lola Gigi? Sa puno ng mangga! Kinagat ka ng antik! HAHAHAHAHA.." tumatawang sabi ni Ken kay Timothy.. Mukhang matagal na silang magkakilala nitong Kapitan na to ah..







"Magkakilala kayo?" tanong ko kay Timothy kasi alam kong sasagot ito ng tama dahil siya lang ang hindi pa lasing..






"Sa kasamaang palad, pinsan ko yang katabi mo na malapit ng mabaliw sa sobrang kalasingan.." sagot ni Timothy at natawa ako.







"Huh? Ako? Malapit ng mabaliw? Sila nga yung baliw na baliw sa akin.. Hahahaha.."











"Hoy! Lasing ka na Ken Chan!" sabi ko dito at nagulat ako ng hawakan niya ako sa beywang at sumandal ito sa balikat ko.. Inalog alog ko yung balikat ko para alisin ni Ken yung ulo niya pero tanging "Tsss" lang ang naririnig ko..






"Okay Ken, Rita.. Maiwan ko na kayo.. Tumawag na si Captain Bert, papalitan ko na pala siya.. Sige na guys!"






"Hoy! Captain! Huwag mo akong iwan sa lasing na to..." naiiyak na sabi ko pero hindi na ito lumingon pa dahil nagmamadali na nga..





Tinapik tapik ko yung pisngi ni Ken para dumilat ito kasi nakapikit na..




"Hoy! Ken!! Gising! Bumalik ka na ng Cabin mo!!"




"Ayoko pa!! Tsaka oorder pa ako.. Ikaw? Uminom ka din!!!" makulit na sabi nito sabay taas ng kamay para tawagin ang naglilibot na waiter..

Nang lumapit ang waiter ay nagsalita ako..





"Naku ho! Hindi na po. Lasing na tong kasama ko eh! Hindi na ho.. Pasensya na!!" nahihiyang sabi ko sa waiter..







"Kasama. Hindi naman tayo magkasama.." bulong nito sa akin habang isinasandal niya muli ang ulo niya sa balikat ko..







"Oo nga. Hindi tayo magkasama.. Eh bakit kung makasandal ka ng ulo mo, akala mo close tayo? Umusog ka nga dun. Babalik na ako ng Cabin ko.."





"Sama ako.." bulong nito at mabilis kong nasampal ng mahina yung pisngi nito..






"Anong sama? May sarili kang Cabin hoy!"
Ngumiti ito at napatitig ako sa mga mata niyang nakatingin na din pala sa akin..









"Dito na lang ako matutulog.." sabi nito at sumandal siya sa upuan..





"Ano? Dito ka matutulog? Gusto mo bang gapangin ng mga babaeng sayaw ng sayaw sa gitna? Ayan oh! Yang mga yan? Tss.. Bumalik ka na sa Cabin mo!" Yumuko si Ken sa table na para bang natutulog na.. Tinatapik ko siya pero ayaw niyang mag angat ng mukha..






"Oy! Bamalik ka na kasi sa Cabin mo!"





"Matutulog na ako. Huwag kang maingay!"
Inalog alog ko ito pero ayaw talaga niya mag angat ng ulo.. Napakamot ako sa ulo ko..





"Tara na! Ihahatid kita sa Cabin mo!! Tumayo ka na diyan!" wala paring imik ang loko-loko..





"Ken! Tumayo ka na sabi! Bahala ka! Iiwan kita dito!! Bahala kang gapangin ng mga kobra diyan sa tabi-tabi!!" naiinis na sabi ko dito..
Pagtalikod ko, sinipat ko muli si Ken na nakatulog na yata.. Napasabunot ako sa buhok ko at binalikan si Ken.. Pasalamat siya, hindi ko siya matiis!! Grrr..






Withered RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon