Rita's POV
MAGKAHAWAK kami ng kamay ni Ken habang papasok ng Gallery nito. Sinalubong kami ng assistant nito na si Carlito.. May ilang mga buyers sa loob kaya medyo nahiya ako dahil mukhang mga malalaking tao ang mga ito.
"Good Morning po Sir Ken! Ms. Rita!" bati ni Carlito..
"Kanina pa ba yung mga buyers?" tanong ni Ken..
"Hindi naman Sir. Kakarating lang din nila.."
Humarap si Ken sa akin..
"Saan mo gusto mag antay? Sa office ko ? Or you can go naman sa loob at tumingin ng mga artworks ko. Huwag mo lang gagamitin yang Camera mo.." nakangiting sabi nito ..
"Hmm.. Titingin na lang ako ng artworks mo habang kausap mo yung mga buyers.." sagot ko dito at sabay na kaming pumasok sa pinaka exhibit area..
Napangiti ako sa mga artworks ni Ken... Ang husay husay talaga niya pagdating sa paghahalo ng mga kulay.. Mababakas mo yung dugo't pawis na inaalay ni Ken para mabuo ang bawat obra..
Nang malibot ko ito at tumungo ako kung saan yung area ni Carlito..
"Ms. Rita? Gusto niyo po ba ng coffee ? Juice?"
"Naku. Hindi na. Aantayin ko na lang si Ken dito.." sabi ko sabay upo sa sofa..
"Congrats nga po pala Ms. Rita! Balita ko ikakasal na kayo ni Sir Ken."
"Salamat! Oo nga eh.. Excited na nga ako eh.."
"Ilang taon na din Ms. Rita na hindi nakakagawa ng maaayos na obra si Sir Ken dahil sa hiwalayam niyo. Pero ngayon po, ang bilis bilis na po niyang nakakatapos ng paintings! Inspired na kasi ulet!"
"Ganoon ba? Ganda ko ba?" biro ko dito at nagtawanan kami..
"Anong meron? Bakit mukhang may pinagtatawanan kayo?"
"Na maganda ako. Ayun lang naman yung pinagtatawanan namin!"
"Hindi dapat pinagtatawanan iyon. Maganda ka naman talaga. Sa lahat ng aspeto." sabi ni Ken at kinikilig akong inirapan ito..
"Oh, paano ba yan Carlito, mauna na kami ni Rita. May pupuntahan pa kami.."
"Okay Sir. Ako na pong bahala dito."
Pagdating namin ng mall ay umang tinungo namin ay National Bookstore.. Tulad ng dati. Dito talaga ang unang punta namin.. Siguro ay bibili ng bagong paint brush or pintura itong si Ken.
"Dating gawi?" tanong nito sa akin at tumango ako..
"Madami ng brand ang mga paint brush. Madami na ding brand ang mga pintura. Sa loob ng anim na taon Rita, ang dami ng nadagdag, nawala.. Grabe.."
"Isa lang ang nanatili." sambit ko at napatingin si Ken.
"Yung dedikasyon ng pintor na makabuo ng magandang obra.." sagot ko dito at mabilis niyang hinalikan ang kamay ko..
"Hoooy! Nasa mall tayo Ginoo!" sambit ko dito..
"Okay lang yan Binibini!" tumatawang sabi nito at hinigit ko na siya para makapunta na sa area kung nasaan ang mga pintura..
BINABASA MO ANG
Withered Roses
FanfictionHindi ako rosas na titingnan mo lang para sa panandaliang kasiyahan at iiwan mo lang na tuyot , iiipit sa libro at kakalimutan...