Paano

387 34 4
                                    

Rita's POV

Kung kanina ay ang ingay ingay namin ay kabaliktaran ngayon. Tanging mga tunog lang ng kutsara at tinidor na tumatama sa pinggan ang naririnig namin. Wala kaming idea ni Ken na magkakilala ang Lola ko at Lolo nito. Para akog tangang nagbibilang ng segundo at naghihintay na ni isa sa amin ay magsalita.. Minabuti ko na lang na ubusin agad ang pagkain.. Napatingin ako sa plato ni Lolo Jose. Wala akong makitang kahit na anong isda sa plato nito. Itlog na natira naming ulam kaninang umaga ang kinain nito.. Akala ko ba ay favorite niya ang sinigang na isda? Napatingin ako kay Ken ng hawakan niya ang isang kamay ko na nasa ilalim ng mesa. Napansin siguro niyang nagwoworry na ako..

Matapos naming kumain ay hindi k ona sinayang ang oras at nagsalita na ako..




"Naguguluhan na kasi ako. Sorry hah. So magkakilala po pala kayong dalawa? Lola Min ? Lolo Jose?" nakapameywang na sabi ko pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanilang dalawa.. Ibinaling na lang ni Lola Min ang focus niya sa pag aayos ng mga pinggan na pinagkainan namin..





"Saan ba ang kwarto ko apo?" tanong ni Lolo Jose kay Ken at ngayon ay sabay na silang tumungo sa itaas para samahan si Lolo Jose.. Naiwan kaming pareho ni Lola sa kusina.. Hindi ko na muna ito kinausap pa at tinulungan ko na lamang ito sa paghuhugas mg pinggan..









Matapos naming maghugas ay umakyat na ako sa kwarto dahil may naka schedule akong chikahan with Tonyo ngayon via Zoom. Nasa Zamabales kasi ang bruha at busy sa raket niya..






"Rita Girl! Haluuuu!"






"Baks!! Ano na? Ang sabi sa akin ni Ms. Gemma, ikaw ang magiging partner ko sa next project ng house of travel! So saang lugar ang next ganap? Excited na ako!!"






"Work talaga muna? Paano ang preparations ng kasal?"








"Hay naku Bakla! Nakaka stress. Lalo na ngayon. May problema kami ni Ken. Eh kasi itong Lola ko at Lolo ni Ken, mukhang magkakilala before tapos not in good terms.. Nakakaloka!!!"







"Ay? May past? What a small world!"







"Totoo yan! Haaays. Sige na Bakla!!! Text mo na lang sa akin yung details hah.. May dapat lang akong kausapin ngayon.."








"Owkeeey! Byeeee!!"







Napahilamos ako sa mukha ko at inaalala si Lola Min.. Pagtayo ko sa kama ay siya naman pagbukas ni Lola ng pinto ng kwarto namin..













"Alam ko madami kang tanong iha.." bungad nito at niyakap ko siya mula sa likod.







"La? Magkekwento ka ba? Kailangan yata naming malaman ni Ken ang kwento mo.." sabi ko dito. Hinawakan ni Lola ang mga kamay ko at umupo kami sa kama..













"Karelasyon ko si Jose noong kabataan ko."












"Ta-talaga po??? Natatandaan niyo pa siya La?"









"Maganda pa ang memorya ko iha. 68 years old na ako pero klaro pa lahat ng memorya ko noon.."









"Ready na po ako makinig La!"










Huminga si Lola ng malalim at seryoso itong tumingin sa akin.










"Karelasyon ko ito noong nasa kolehiyo palang kami. Hindi kami pareho ng kurso. Pero iisa lang kami ng building. Napakasaya ng buong taon ko sa kolehiyo. Hanggang makapag-tapos kami.. Siya ang unang taong minahal ko.. Akala ko nga noon ay wala ng makakahadlang sa kasiyahan namin dalawa. Hanggang sa dumami na ang mga taong nakikilala namin dahil magkaiba nga kami ng passion. Siya sa pagpipinta, ako sa pagkuha ng larawan.. Hanggang isang araw ay nakagawa ako ng kasalanan sa kanya..." napansin kong napadiin ang kapit ni Lola sa mga kamay ko..










"Napasobra ako sa barkada, nalasing ako at nakita ko na lang ang sarili kong nasa isang kwarto ng isang estranghero.. Hindi ko napatawad ang sarili ko noon. Hanggang sa napag alaman kong buntis ako.. Nakilala ko naman kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ko noon.. Handa siyang panagutan ako. Rita, natakot ako dahil ako mismo ang sumira sa pangarap namin ni Jose na sabay naming binuo. Sinira ko.. Nang malaman niya lahat iyon ay grabe ang galit nito sa akin. Iniwan niya ako.. Wala akong nagawa .. Kakasimula ko pa lang sa pagiging photographer noon kaya napilitan akong magpakasal sa Lolo mo iha. Huwag mong isipin na hindi ko minahal ang yumao mong Lolo. Naging mabait ito sa akin. At doon ay natutunan ko na siyang mahalin. Pero hindi tulad ng pagmamahal ko kay Jose. Alam ito lahat ng lolo mo, wala akong tinago sa kanya. At naiintindihan niya ako.. " naiiyak na din ako mg makita kong umiiyak si Lola..








"Rita. Napakaliit ng mundo. Hindi ko alam na magkikita muli kami.. Aaminin ko Rita, kahit na ako ang nagkasala sa aming dalawa, kahit nasaktan ko siya ay nasaktan din naman ako. Nagalit ako sa kanya kasi pinabayaan niya ako. Iniwan niya ako. Hinayaan niya ako. Ang sabi niya mahal niya ako. Nagkamali nga ako pero nabura na agad ako sa puso niya? Siguro nga. I hate him for not giving me a chance to explain everything. Binago ng mundo ang pareho naming buhay. Nagpatuloy ang buhay pero magkahiwalay naming sinuong ang pagsubok. Ako, nagkaroon ako ng bagong buhay kapiling ang Lolo mo and no regrets. I have your Mom and you. Maaga man ako iniwan ng Lolo mo, sa inyong dalawa na umikot ang mundo ko.. Wala akong pinagsisisihan.."








"La.. I love you. Napakatapang mo para harapin ang reyalidad.. Napakatapang mo.. Ang hirap. Naiisip ko pa lang kung ako ang nasa sitwasyon mo, hindi ko kakayanin.."








"Iha. Napakaswerte mo. Kasi ikakasal ka sa lalaking mahal na mahal mo.." Lalo akong napaiyak sa sinabi ni Lola.. Paano kaya kung hindi kami muli pinagtagpo ni Ken? Kung hindi kami nagkita sa barko? God is so so good talaga!!!







"La. Yung sa barko. Sa majestic travel. Doon kami muli nagkita ni Ken. We broke up 6 years ago at sa barko kami muli nagkita. Akala ko dahil matagal na ang 6 years ay hindi na kami magiging okay ni Ken. Akala ko napuno na talaga ng galit yung pareho naming puso. Pero iba talaga pag ang Diyos at tadhana na ang nagkumpas, pinapaliit nito ang mga mundo namin at muli kaming paglalapitin. Mahal ko pa siya eh. Hindi ko alam yung gagawin ko kung hindi ko makakasama si Ken sa pagtanda..Mahal na mahal ko siya.."






"Good decision iha. Sinunod mo muli ang puso mo.. Huwag mong tutularan ang Lola hah? Basta as long as your heart kept telling you to love, please.. don't stop.. Ang sarap sarap magmahal. Ang sarap sarap ding mahalin.."
Niyakap ko si Lola at bumulong ako dito..







"Single pa si Lolo Jose. Baka pwede pa.." biro ko dito at piningot ako sa tenga.. Natatawa ako..










"Iha! Ano ka ba! Lolo siya ng mapapangasawa mo! Masaya na akong nakikitang masaya ka iha. Kahit hindi man nangyari sa amin ni Jose ang pinangarap namin, kahit yung pangarap niyo lang ni Ken ang matupad, masaya na ako. For sure masaya na din si Jose.."











"Si Lolo Jose La ay kapatid ng totoong Lolo ni Ken. Maagang namatay ang Tatay ng Papa ni Ken kaya si Lolo Jose na ang tumayong Lolo sa kanya.. "







"Kaya pala ang dami nilang similarities ni Ken." sabi ni Lola at napaisip din ako..









"Tulad po ng ano?"










"Hindi mahilig si Ken sa Lomi diba iha? Mahilig din magpinta si Ken.."










"Opo!!! Oo nga! Ang weird!!" nakangiting sabi mo dito..













"Grabe. Ang liit talaga ng mundo.." sabi nito.


























"La, kailan kami magtatabi ni Ken sa kwarto?"

















"Joke lang Laaaaaaa!! Araaay ——" natatawang sabi ko dito habang kinukurot ako nito sa tagiliran.. HAHAHAHHAHAHA



















Dinaan ko na lang sa biro para naman kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ni Lola. Ayokong nakikita siyang malungkot. Nakikita ko iyon sa mga mata niya..















❤️

Withered RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon