Alone

481 36 6
                                    

Rita's POV




HINAGIS ko yung cellphone ko sa kama after ko replyan si Ken.. Napatingin ako sa salamin. Bakit hindi siya uuwi? Saan siya pupunta? Ako na naman ba yung iiwan niya??? Napasabunot ako sa buhok ko at muli kong kinuha ang phone..







"Okay. Sana makatulog ka ng maayos kung saan ka man mag sstay."




Binasa ko ng paulit-ulit yung reply ko. Tama ba yung reply ko? Parang dapat kong bawiin at gusto kong ireply ay ..










"Bakit hindi ka uuwi? Ayaw mo na ba akong makita? Saan ka matutulog? Iiwan mo ako dito ng mag isa?"










"Arghhh!!! Ken Chan! Sumasakit ulo ko dahil sayo!!! Hindi ka naman iniwan eh!!!" sigaw ko at napatakip ako ng unan sa mukha ko..







"So paano ako makakatulog nito?" bulong ko sa isip ko.. Bumaba ako sa kusina at maghanap ng pwedeng pampatulog.. Nagningning ang mata ko ng makakita ako ng beer in can sa ref..








"Allowed naman siguro ako uminom nito diba? Wala namang sinabi si Doc Lopez na mga bawal kong inumin or kainin.." bulong ko sa sarili.. Kumuha ako ng dalawang beer at ininit ko yung niluto kong grilled chicken na para sana sa dinner ni Ken..









Tumungo ako sa sofa at nilapag ko sa center table yung beer at pulutan ko.. Napatingin ako sa phone ko ng tumawag si Tonyo..









"Baklaaaaa! Kamusta??!!" sigaw ko..







"Ito! Still kicking!" tumatawang sabi nito.






"Balita ko kay Ken, sa House of Travel ka na talaga nag wowork? Kinuha ka nila? Nice! Di na siya freelancer!!" nakangiti kong sabi sa kanya..






"Ayan! Ayan ang tinawag ko!!! Hindi mo pa ba narereceived yung email ng House of Travel? Tungkol sa mga kuha mong pictures sa Majestics? Girl!!! Kukunin ka din nila as regular photographer nila!!!"






Nagulat ako sa binalita nito.. Mabilis kong kinuha ang laptop ko at chineck ang email..






"Shit! Meron nga Baklaaaaa!!!! 1 month ago na! Pwede pa ba to? Kasi alam mo namang ilang buwan akong tulaley.." sabi ko dito..





"Pinaliwanag ko naman na yung naging condition mo Rita eh."





"Really? Sige mag email back na lang ako sa kanila kung anong magiging decision ko. Kailangan pa muna naming pag usapan ito ni Ken."





"Oy! Balita ko ikakasal na kayo hah? Nandiyan ba si Ken ngayon? Pakisabi naman congratulations!!!"





"Wala siya. Di ako uuwian. Naiinis nga ako eh. Medyo nagkatampuhan kasi kami.."






"Sus. Pabebe ka kasi Rita!" natawa ako.







"Hoy! Mas pabebe siya!" sagot ko dito at nagtawanan kami ni Tonyo. Shocks! Nakakamiss naman kausap tong baklang to!







"Anong pinagkakaabalahan mo ngayon hah?" tanong nito.






"Ito. Umiinom ng mag isa."






"Lah. Kawawa ka naman. HAHAHAHAHH.." bwisit na to talaga.






"I will end this conversation na hah? Magsisimula na kasi yung movie na papanoorin ko!" paalam ko dito..







Withered RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon