Ken's POV
Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Pagsilip ko sa labas, madilim na. Gabi na pala.. Nagmadali akong pumasok ng CR bago lumabas ng Cabin. Gutom na ako.. At dahil libre ang lahat ng meal dito ay nagpasya na akong bumaba para pumunta sa malaking buffet restaurant..
Sa dami at sarap ng kinain ko, papangarapin ko na yatang mag stay dito kahit ilang buwan pa.. Wala naman akong mamimiss sa lupa eh..
Sandali akong bumaik ng cabin dahil naiwan ko ang phone ko.. Paglabas ko, may crew na nagbigay sa akin ng isang access card papunta sa event dito sa cruise ship.. Sa pinaka taas na parte ng barko ito magaganap..
"Sir, would you life to join the one night contest? Actually simple lang ng mechanics! Lahat ng manonood yung boboto kung sino yung mananalo.."
"I'm sorry pero wala akong talent.."
"Ay, hindi po kayo kakanta, hindi din kayo sasayaw.. Mas lalong hindi po kayo aacting.."
Kinuha ko yung papel na binibigay niya at binasa ito..
Grand prize : Php 100,000 pesos
Mamimigay sila ng ganyang premyo para sa walang kwentang contest? Mababaliw na ba ang may ari ng cruise ship na ito? Tss..
Inip akong naghihintay na tawagin ang pangalan ko sa stage.. Nakaupo ako sa gilid ng stage at inuubos ang tequila.. Hays. Ewan. Bakit ba ako naging mapagpatol sa mga contest contest na ito.. Gipit na nga siguro ako!
Minabuti ko munang tumungo ng CR. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan..
Rita's POV
"Go Rita!! You can do it!!!" tili ni Tonyo at natatawa akong tumayo sa stage.. Syempre!!! One hundred thousand din yung premyo! Para saan pa't aalahanin ko ngayong gabi yung kwento ng nakaraan kong hugot kung magkakapera ako diba??? Hello! Isang gabi lang naman tong tulaan na ito.. Nagsenyas ako kay Tonyo na picturan ako habang nagtutula dito sa harap..
"Hi dear! Anong name mo?" tanong ng host at napangiti ako..
"Hi! Ako si Ligaya!" pag iba ko ng pangalan..
"Okay Ligaya.. Ibibigay ko na sayo ang microphone.. Isang rules lang ang dapat sundin.. WALANG IIYAK.. at kung may katiting na luha ang bumagsak sa mga mata mo, talo ka.."
"Iiyak? Ako? Matagal ng ubos ang luha ko!!"
"Yes naman! Ang tapang!!! Sa lahat ng mga single dito, magsisimula na ang contest na siguradong makakarelate kayo!!! Basta, babala!!! Walang iiyak!! Ito na ang pangmalakasang hugutan mula sa ating unang contender.. Please welcome .. LIGAYA!!"
"Ang pamagat po ng aking tula ay PAINthing.." Mariin akong pumikit at inaalala ang tamis at tabang. Tamis ng aming unang pagkikita at tabang ng aming paghihiwalay
"Bubuhayin natin ang larawan
Sandata lang ang aking memorya
Ipikit ang mata at ipipinta ko ang imahe ng aming puno't dulo
Sa tinagal-tagal.. Ngayon..
Ngayon ko napiling mag pinta..Una, kukulayan ko ng bughaw ang langit tulad ng bughaw na kulay mo sa unang pagkikita natin sa Intramuros..
Magaling kang magpinta, alam mo ang mga kulay na ilalagay mo para mabuo ang isang obra!!
Ganun mo rin ako minahal, bughaw, puro at isang pagitan lang ang kulay..
Sunod kong ibubuhos ang kulay luntian para sa binuo nating pangarap, Luntian ng paglago, paglalim ng damdamin at pamumunga ng mga puno doon, doon ko natagpuan ang sarili ko sa loob ng luntian nating mundo, malaya, mapagmahal at mapag aruga..
Papatakan ko ng pula para sa mga gabing minarkahan mo ang aking leeg sa tindi ng iyong pagmamahal..
Pula para sa pinaka-espesyal na araw ng Pebrero!!!!!
Mahal kita! Narinig ko mula sa mga bibig mo.. Mahal din kita!!!
Ikalabing apat, mainit, matindi at nagbabagang mga halik.. ikaw!! ikaw ang pinakamapulang tao na nakilala ko sa loob ng nagliliyab nating mundo..
BINABASA MO ANG
Withered Roses
FanfictionHindi ako rosas na titingnan mo lang para sa panandaliang kasiyahan at iiwan mo lang na tuyot , iiipit sa libro at kakalimutan...