Ken's POVNagmamadali akong pumasok ng bahay. Sinalubong ako ni Tita Alice.. Umiiyak ito..
"Tita, nasaan po si Rita??"
"Nawawala siya iho. Nadatnan ko na lang na nakabukas yung pinto ! Nagluluto kasi ako tapos paglabas ko ay wala na si Rita dito sa sofa.." Niyakap ko si Tita Alice habang kinakabahan..
"Ako na pong mag hahanap sa kanya Tita. Mas kabisado ko po yung Subdivision na ito.. Panagako, hahanapin ko po si Rita.."
Mabilis akong sumakay sa kotse ko.. Palingon lingon ako sa paligid at nagbabakasakaling hindi pa nakakalayo si Rita.. Umiiyak na ako at kinakabahan ng mapatingin sa orasan. 11pm na ..
Napapalo ako sa manibela ng hindi ko parin nahananap si Rita..
"Mahal, nasaan ka na ba?" bulong ko sa isip ko..
"Ang daya naman Rita eh. Sa pangalawang pagkakataon, nilisan mo na naman yung bahay ko. Magpakita ka na Mahal please.."
Nagsimula ko na namang paandarin ang sasakyan ko .. Nang mapadaan ako sa playground dito sa loob ng subdivision ay mabuhayan ako ng loob ng makita ko si Rita na nakaupo sa isang swing.. Mula sa malayo ay nakikita ko ang lungkot sa mga mata nito.. Iyak ito ng iyak at lalo akong nasasaktang nakikita siyang ganyan..
"Rita.." umiiyak na tawag ko dito at dahan dahan siyang lumingon sa akin.. Mabilis itong tumakbo palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit..
"Rita.. bakit ka umalis ng bahay.. Pinag alala mo si Mommy mo.. Pati na ako! Umuwi na tayo hah.."
"Ken.."
Napatingin ako sa kanya mg marinig kong magsalita siya..
"A-anong sabi mo? Nagsasalita kana?"
"Bakit? Ano bang nangyari?" nagtatakang tanong nito. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap kay Rita. Salamat sa Diyos, nagsasalita na ulet ito..
Nagtatakang nakatingin si Rita sa akin at sa Mommy niya habang naghihintay kami kay Doc Lopez.. Minabuti kasi naming dalhin siya agad kinabukasan dito sa hospital para ipa-check si Rita..
"Teka, naguguluhan ako.. Bakit mukhang okay kayo ni Mommy?" tanong ni Rita at natawa si Tita Alice..Hinawakan ko ang kamay nito at pinisil iyon.
"Aray naman Ken Chan!!"
"Hindi nga ako nanaginip!" sabi ko dito.
"Diba dapat ikaw yung hampasin ko dahil ikaw tong nag aakalang nanaginip!!" inis na sabi nito..
Sabay sabay kaming napatingin kay Doc Lopez ng pumasok ito sa office niya..
"Pasensya na at late ako.. I received a call from Ken at galing pa akong Taguig kaya medyo late.. So hows your feeling right now Rita?" tanong ni Doc.
Ngumiti si Rita bago nagsalita.
"I'm feeling inlove doc!" sagot nito sabay pisil sa kamay ko at napailing si Doc.
BINABASA MO ANG
Withered Roses
FanfictionHindi ako rosas na titingnan mo lang para sa panandaliang kasiyahan at iiwan mo lang na tuyot , iiipit sa libro at kakalimutan...