Hala

421 36 11
                                    

Rita's POV



Nagising ako ng makarinig ako ng malalakas na sigawan mula sa labas ng Cabin ko.. Ginising ko si Ken natutulog sa sofa..






"Ken! Bakit sila nagsisigawan? Anong meron??" kinakabahan tanong ko dito. Napatayo si Ken at lumapit sa pinto para pakinggan iyon. Nagulat kami ng makarinig kami ng sunod-sunod na kalabog sa pinto..







"Shit!!" rinig kong sabi ni Ken at mabilis itong lumapit sa akin..





"Bakit? Anong nakita mo pagsilip mo??" natatarantang tanong ko dito..









"Pinasok ang Barko natin ng mga pirata.. Madami silang dalang baril.." kinakabahan na ding sabi ni Ken.. Hinawakan ni Ken ang kamay ko at tumungo kami sa malaking glass door at tagos na nito ang pinaka gilid ng barko.. Matatanaw na dito ang naglalakihang mga alon..







"Anong gagawin natin dito? Don't tell me tatalon tayo dito??" naiiyak na sabi ko..








"Isuot mo tong life vest.. Bilisan mo. Bago pa nila masira yung pinto ng Cabin mo!!" natatarantang sabi ni Ken.. Mabilis kong sinuot ito at ganoon din si Ken.







"Tatalon tayo?" muli kong tanong sa kanya..






"Hindi pa. Kailangan muna nating makalabas dito .. Diyan sa gilid.. Tara.." sumunod ako kay Ken at kapit na kapit ako sa bakal ng barko baka kasi mahulog ako ng di oras..



Napapikit ako ng makarinig na naman ako ng mga nagsisigawan na mga tao.. Nang makadating kami malapit sa malaking parang tambutso sa itaas ng barko ay lumapit kami sa emergency boat na nakasabit dito.. Mukhang hindi pa natutunton ng mga Pirata ang bahaging ito ng barko..






"Ken! Rita!" napalingon kami kay Captain Timothy.. Tinulungan nito si Ken na ibaba ang bangka..






"Nasa loob ng restaurant yung mga pirata. Mukhang pagkain ang pinunta nila dito.. Pero madami na silang pinatay na mga inosente.." pagsabi palang ni Timothy ng salitang pinatay ay mas kumabog pa lalo ang dibdib ko.. Napakapit ako sa braso ni Ken..






"Ken.. Mamatay na ba tayo?" umiiyak na tanong ko dito..





"No. Don't say that. Makakatakas tayo sa kanila..Pangako yan. Maliligtas ka.."











Nang maibaba na namin ang bangka ay mabilis kaming gamamit ng lubid na hagdan pababa..






"Ken, si Tonyo!" sigaw ko dito ng makita kong kumakaway ito sa itaas..






"Bumaba ka na! Bilisan mo!" sigaw ni Ken dito at ganoon nga ang ginawa nito.. Mabilis siyang bumaba .. Niyakap ko ito ng mahigpit at pareho kaming umiiyak..




Papalayo na ang bangka namin sakay ang sampung tao. Natatanaw na namin ang abandunadong barko na ngayon ay puno ng mga patay na Pinoy.. Iyak ako ng iyak habang nakatanaw sa barko..





Wala namang ibang inisip ang mga sakay ng barkong iyon ay mag saya at mag enjoy. Pero bakit nangyayari ito??









Kinuha ko ang Camera kong nakasabit parin sa leeg ko at pinicturan sa huling pagkakataon ang malaking Barko ng Majestic..























Ken's POV


Awang awa ako habang nakatingin kay Rita na nakaupo sa sofa.. Ilang buwan na ba ang lumipas? Dalawa? Tatlo? Tama. Talong buwan na siyang tulala. Masyado siyang na trauma sa nangyari at kahit ako din naman ay nahirapan din. Masyadong mabigat ang naging dala namin dahil sa trahedyang iyon ng Majestic.. Pagsagip sa amin ng mga rescue team ay ganyan na siya. Tulala habang nakakapit sa kamay ko noon..




Patuloy parin ang therapy kay Rita. Ako naman, dumaan din sa madaming counseling. Sa sampung nakaligtas sa barko, tanging si Rita lang ang nagkaroon ng malalang trauma..




Kahit na sinabi ng mga magulang ni Rita na sila na lang ang mag aalaga kay Rita ay pinilit ko talagang ako na lang ang mag aalaga sa kanya.. Laking pasalamat ko at pumayag sila.. Once a week, binibisita siya ng Mommy niya.. Okay naman yung response ni Rita eh. Nakakalakad ito. Nakakaupo. Madalas lang tulala.. Nagpasya akong samahan at alalayan ito sa panahong alam kong nahihirapan siya..








Napansin kong 8am na pala. Kakatapos ko lang pakainin si Rita. Lumapit ako sa kanya sa sofa at niyakap ito..







"Dadating si Mommy mo mamaya! Alam kong miss na miss mo na siya.. Oy! Ngingiti na yan!" sabi ko dito at sinandal ko ang ulo ko sa balikat nito..







"Miss na kaya kita!!! Alam mo bang excited na ako sa muli nating pagjojogging! Tsaka diba sabi mo, tutulungan mo ako sa paggawa ng mga ads para sa bago kong restaurant?"






"Tingnan mo yung polo ko? Bagay diba? Oy! Gwapong gwapo naman siya sa akin!" muli kong hirit at napabuntong hininga ako.. Muli ko siyang niyakap ng mahigpit.. Napatingin ako sa pinto ng marinig kong may nagdoorbell..












"Good Morning po Tita Alice.." bati ko sa Mommy ni Rita ..





"Sige na iho. Baka mahuli ka sa meeting mo! Ako ng bahala kay Rita.. " nakangiting sabi ni Tita Alice..







Pagdating ko sa Art Gallery ay agad akong sinalubong ni Carlito na may hawak hawak na painting..








"Sir Ken, for delivery na tong isang to.. Tsaka yun mga payment nito, nakapasok na din."
Tumango ako at humarap sa desktop ko. Minomonitor ko yung bilang ng arts na nabenta ko sa loob ng tatlong buwan.. Nadako ang tingin ko sa isang email.. Next week pwede ko na palang makita ang interior ng bagong gawa kong restaurant..



Magtatanghali na ng magpasya akong tumayo sa art studio ko at nakangiting nakatingin sa malapit ko ng matapos na painting.. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Tita Alice para kamustahin si Rita..








"Good Afternoon po Tita. Kamusta na po si Rita? Nakakain na po ba kayong dalawa Tita?"







"Oo iho. Salamat at nag abala ka pang magluto hah! Oo nga pala, nagulat ako kay Rita ng hindi na ito nagpasubo kanina.. Kinuha niya yung kutsara at tinidor at siya na lang yung mag isang kumain.. Pero mga 30 seconds lang yun at tulala na naman ito.."






"Ta-talaga po? Everyday nga pong napapansin kong malapit ng makarecover si Rita. Alam ko Tita malapit na po.. May awa po ang Diyos Tita.."







"Oo. Alam ko iho.. Babalik na din yung mga ngiti ng anak ko iho. Alam ko.." nararamdaman kong nagiging emosyonal si Tita Alice sa kabilang linya.. Lahat kami ng nagmamahal kay Rita ay umaasang magiging maayos din siya..










"Sir Ken, nabasa niyo po yung napakadaming email galing sa media? Kailan ho ba kayo magpapa interview tungkol sa nangyari sa Majestic tragedy?"





"Ayoko. Hindi pa ako handa. Ayokong balikan iyon. Lalo na't ganoon pa ang sitwasyon ni Rita.."






"Naiintindihan ko ho kayo Sir Ken. Pasensya na at natanong ko.. Kamusta na po ba si Ms. Rita?"







"Tulala parin. Miss ko na nga ang kakulitan niya eh.."





"Kung nakikita lang ni Ms. Rita yung mga artworks mo ngayon Sir, for sure mapapaproud siya.." napangiti ako sa sinasabi ni Carlito.. Umaasa ako na dadating din yung panahon na makikita ni Rita lahat ng mga artworks kong ito dito sa Gallery..













Kunot noo kong sinagot ang tawag ni Tita Alice sa phone ko..


























"Hello po—-"















"Ken! Umuwi ka na. Si Rita kasi——"



















🥺

Withered RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon