Lolo

357 31 7
                                    

Ken's POV




MABILIS kong binuksan ang gate at sinalubong ng yakap si Lolo Jose. Hindi ito nagpasabi na ngayon ang dating niya kaya na-surprise talaga ako..





"Bakit po hindi niyo sinabing ngayon ang dating niyo? Sana ay nasundo namin kayo sa bus terminal! Bakit ba hindi niyo na lang ginamit yung kotse sa tarlac Lo? Sayo naman yun! sabi ko dito at kinuha ko ang dala niyang bag.




"Naku iho.. Hindi na ako nagpa-istorbo pa sa inyo. Tsaka, tinatamad akong magdrive kaya iniwan ko na lang yung kotse sa bahay..Hmmm.. siya ba si Rita?" tanong ni Lolo.




"Yes Lo. This is my fiancée! Rita Daniela!"





"Magandang gabi po Lolo Jose!" bati ni Rita at nagmano ito sa kanya..






"Bagay kayo iho hah! Napakagandang bata.." naaamaze na sabi ni Lolo kay Rita.. Napangiti ako sabay hapit sa beywang nito..





"Ako pa ba Lo? Sabi ko naman sayo.. Mabibigyan ko kayo ng mga apo.."






"Mga talaga??!" natatawang sabi ni Rita.







"Oo naman!"






"Nung kabataan ko ay ganyan din ako kasweet! Ang sarap sarap talagang magmahal.." sabi ni Lolo at nagkatinginan kami ni Rita.








"Lo. Pasok ho muna kaya tayo sa bahay? Nahamugan ka na yata !" sabi ko dito.







Pagpasok namin sa bahay ay dumiretso ito sa malaking painting na nakasabit sa dingding sa likod ng sofa..







"Binalak mo bang ibenta itong isang to iho? Ang price range ko diyan ay nasa 1.2-1.5 Million.." sabi ni Lolo at napangiti ako.






"Lo. Syempre hindi ko binalak na ipagbili yan. Tayong dalawa kaya ang gumawa niyan!"







"Painter ka din po Lolo Jose?" nagtatakang tanong ni Rita.





"Yes."






Napansin kong nagulat si Rita at nakangiti siyang tumingin sa akin.





"Ang galing naman Lo!!! Nagmana sa inyo si Ken?!"





"Mas magaling nga yan sa akin." sabi ni Lolo at nahiya akong tumingin kay Rita.






"Lo, pa humble?" biro ko dito at tinapik nito ang balikat ko..





"Saan ang kwarto ko iho?"








"Wait lang Lo. Sakto, maghahapunan na kami.. Tatawagin ko lang ang Lola ni Rita para makilala mo siya.. Pareho kasi kayong nag insist na tulungan kami sa wedding preparations.." tumungo ako sa kusina para tawagin si Lola Min..









"La! Punta po muna tayo sa sala, dumating na po kasi yung Lolo ko.."






"May bisita pala kayo iho.. Hindi niyo naman sinabi ?"




"Biglaan din kasi yung pagdating niya Lola. Hindi nga nagpasundo sa terminal ng bus.."











"Sige na iho, susunod na ako.. Isasalin ko lang lang yung ulam sa lagayan.."






"Sige po La!" Pagkabalik ko sa sala ay natawa ako kasi naka pogi pose si Lolo habang pinipicturan siya ni Rita gamit ang camera nito..






Withered RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon