Rita's POV
"Ang ganda ng decorations!!" tili ko habang papunta kami sa sala..
"Hello! May artistic ka kayang friend! Thanks to me!" pagmamayabang na sabi ni Joyce..
"Thanks sa artistic kong Friend.." napipilitang sabi ko dito sabay ismid.
"Nasaan na ba si Lola mo? Paano natin magagawa yung plano kung matutulog lang siya? Si Lolo Jose? Nasaan?"
"Palabas na si Lola. Si Lolo naman, kasama ni Ken sa baba. Tatawagan ko na lang si Ken. Siya na bahala kay Lolo."
"Hoy Rita! Sana kasi may bachelorette party na lang si Ken. Tapos ako yung nasa loob ng kahon na malaki .." sabi ni Tonyo at inirapan ko ito..
"Tapos hindi bubuksan yung box. Kasi ipapadala sa ibang bansa.." sabi ko dito at natawa sila Joyce at Chikay..
"Ikaw? Wala talagang pa-bridal shower? Ayaw makiuso? Skxkdkdkkkkdkk—-"
"Bunganga mo Tonyo! Marinig ka nila Lola hah! "
"Okay. Quiet na.. Hmmmp.." Kinalabit ko si Tonyo ng makita ko si Lolang papunta na sa pwesto namin.. Mabilis akong lumapit dito at inakay ito paupo sa sofa..
"La, any moment magsisimula na yung party.." sabi ko dito..
"Oh, tara dito at maupo ka! Sino bang host ng party mo?"
"Ako! Hindi na ako kumuha ng host. Tipid tipid.."
"Sus! Kuripot!" pang aasar nito.
"Mommy oh! Si Lola!" pagsusumbong ko sa Mommy ko at tinawanan lang ako?
Iniwan ko muna sila Lola doon at lumabas ako ng terrace para tawagan si Ken..
"Ken! Start na natin yung party? Papuntahin mo na si Lolo Jose dito.."
"Sige, papunta na kami.."
Ilang minuto lang ay dumating na sila Daddy, Lolo Jose at Ken dito sa sala.. Pinaupo narin namin sila Lolo Jose sa sofa. Katabi nito si Daddy sa kabilang sofa .. At dahil kumpleto na ang lahat ay inabot na ni Ken ang kamay ko papunta sa gitna..
"Uumpisahan natin ang celebration na ito sa pamamagitan ng isang dasal.." panimula ko dito..
Nang magsitayuan ang lahat ay nagsimula na akong magdasal... Naging emosyonal ako sa bawat pagbigkas ko ng mga salita habang nagdadasal ako dahil sa sobrang saya ko.. Ang saya saya lang talaga ng puso at isip ko ngayon..
Naramdaman ko ang kamay ni Ken na hinahagod ang likod ko. Paraan niya para mapatahan ako.. Mabilis kong pinunasan ang mga luha , luha ng saya..
"Okay! Let's move on sa ating pangalawang part!! Hmm. Ready kana ba?" tanong ko kay Ken at ngumiti ito. Itinaas niya ang hawak niyang mic .. Bakas ang gulat sa mga mata nila Mommy at Lola.. Ganoon din sila Lolo Jose at Daddy.. Todo palakpak naman ang barkada.. Napaka supportive naman !
Sinenyasan ko si Damian para umpisahan na ang tugtog. Si Damian kasi ang bahala sa music namin ngayon. Bakas ang gulat sa mukha ni Lola ng lumapit si Ken sa kanya at isinama siya sa gitna.. Alam kong hindi naman Kj si Lola kaya pinagbigyan nito si Ken.. Hawak hawak ni Ken ang isang kamay ni Lola at isinayaw sayaw niya ito habang feel na feel nito ang pagkanta ng alam kong isa sa paboritong kanta ni Lola Min..
BINABASA MO ANG
Withered Roses
FanfictionHindi ako rosas na titingnan mo lang para sa panandaliang kasiyahan at iiwan mo lang na tuyot , iiipit sa libro at kakalimutan...