Rita's POV
Kahit hirap ako ay pinilit kong matulog. Ayoko namang gumising na mukhang zombie sa kakaiyak sa kanya.. Dapat paggising ko, maganda parin ako.. Mahirap na! Baka wala ng magkagusto sa akin kung mukha akong kawawang sisiw.
Nakatingin ako sa malaking salamin sa banyo.. Pinagpag ko ang laylayan ng dress ko at pinilit ngumiti.. Lumabas ako ng Cabin at dumiretso ng Restaurant para mag breakfast.. Natawa ako ng dahan dahang lumapit si Tonyo sa akin at may dala itong kape at inilapag sa harap ng table ko..
"Bati na tayo?" tanong nito..
"Oo na!!"
"Tampururot ka naman!!!"
"Bakit ba! Ikaw kasi! Iniwan-iwan mo ako. dun! Pero okay na yun. Hayaan na natin. Okay na.."
"Kamusta kayo nung Fafa mo?" Si Fafa Ken! Eeeey. Nagkakaayos na ba kayo? Muling ibalik? Ayiiiee.."
"Tonyo.. Anim na taon na ang lumipas.. Hindi naman ako yung tadhana para ipilit pa yung sa aming dalawa ni Ken. Basta. Nag usap na kami. Madami akong narealize. Basta ngayon, nandito ako for work!"
"Or baka hoping na mag work ulet yung love niyo ni Fafa Ken? Ayieeee!!" Inirapan ko lang ito at nagpatuloy na sa pagkain..
"Rita. Fafa mo gising na. Ayun oh!" sabi ni Tonyo at nginunguso si Ken.. Pinanlakihan ko ng mata si Tonyo.. Baka mapansin siya ni Ken na ngumunguso-nguso..
Pasimpleng tiningnan ko si Ken na ngayon ay nakaupo na sa kabilang dulo at kumakain na rin..
"Pwede magtanong? Chismosa kasi ako.." paalam ni Tonyo at natawa ako..
"Ano?"
"Straight ka ba?" muntik akong mabulunan sa iniinom kong kape dahil sa tanong ni Tonyo..
"Mukha ba akong bakla? Tomboy? Girl ako Tonyo..." natatawang tanong ko dito..
"Sa bagay.. May mga girl naman na nagmamahal talaga sa mga gays or bisexual.. Pero ang tapang mo rin no? Nag risk ka magmahal ng bisexual kahit na walang kasiguraduhan na sayo lang ang loyalty niya.."
"Mahal ko siya kasi Mahal ko siya regardless kung anong gender identity niya.. Sabi nga diba, Love knows no gender.. Bago naging kami, Alam ko na kung ano talaga siya. Inaral ko ang mga possible na maging issues. Halos lahat yata ng libro at link sa internet tungkol sa mga Bisexual ay inaral ko.. Handa ako. Handa dapat ako. Pero hind pala sapat ang mga libro, titik ng mga ito at kwentong naeexperience ng ibang tao.. Balewala pala lahat ng iyon kung nasa mismong sitwasyon kana. Mahirap!! pero hindi ako nagsising Minahal ko yan.."
"So Mahal mo pa?"
"Hindi nawala. Napagod pero hindi nawala."
"Nasabi mo na ba yan sa kanya?" umiling ako.
"Ano ka ba! Hindi na kailangan. For sure, okay na yan si Ken kung anong meron sa buhay niya ngayon. Huwag na nating gambalain.. Magaling na painter yan.. Hindi ka ba nanonood ng News?"
BINABASA MO ANG
Withered Roses
FanfictionHindi ako rosas na titingnan mo lang para sa panandaliang kasiyahan at iiwan mo lang na tuyot , iiipit sa libro at kakalimutan...