Ken's POV
"Lo? Oy! Lo! Baka naman may ma-i-share ka sa akin diyan? Bakit di ka kumain ng sinigang na bangus hah? Akala ko ba favorite?"
"Iho, saan ako dito matutulog? Sa kanan o kaliwa?"
"Lo! Huwag niyong ibahin yung tinatanong ko! Bakit nga kasi?"
"Dahil hindi ako kumakain ng luto niya."
"Ni Lola Min? Paano kayo nagkakilala?"
"Apo, hina-highblood ako sa mga tanong mo. Matutulog na ako at bukas na bukas ay sasama ako sa gallery mo hah!"
"Lo! Mag kwento ka na! Ex mo ba si Lola Min?"
"Siraulo ka talagang bata ka! Ex ka diyan? Ano kami? Millennial? "
"Lo kasi!!!" natatawa na ako.
"Min is my first love.."
"OHMYGHAAAD"
"Okay na? Pwede na ako matulog?"
"So yun na yun? Walang kwento? Hindi pwede!!"
"Ken! Isa! Galing ako sa biyahe. Matutulog na ako.." sabi nito sabay higa at tumagilid ito.. Napakamot ako sa ulo ko.. So may past nga sila ni Lola Min. Si Lola Min pala ang inspirasyon ni Lolo sa pagpipinta?
Lumabas ako ng kwarto at tinawagan ko si Rita..
"Mahal, baba ka sa kusina, gawa tayo baby.." seryosong sabi ko dito at natawa ako sa sagot nito.
"GAGO." lutong ng mura nito sa kabilang linya at natatawa parin ako habang pababa sa hagdan.. Kumuha ako ng wine sa ref at naglabas ng dalawang wine glass..
"Siraulo to! Anong pinagsasabi mo! Marinig ka ni Lola tsaka ni Lolo ! " bungad ni Rita ng papalapit ito sa akin dito sa kusina.. Niyakap niya ako at isinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ko..
"Mag ex sila!" halos sabay naming sabi ni Rita at natawa kami..
"Ang galing nga eh!!! Ang liit ng mundo!" sabi nito..
"First love siya ni Lolo."
"Ang hirap ng pinagdaanan ni Lola Ken. Nagkwento siya sa akin. Nag iyakan nga kami sa kwarto kanina. Ayun si Lola, nakatulog na.."
"Patingin nga ng mata mo. Kaya pala namumula. Iniyakan mo na naman ako.." natawa ako ng hinampas niya ang braso ko.
"Hindi ikaw ang iniyakan ko! Yung pinagdaanan ni Lola! Feeling ka!"
"Maswerte parin pala tayo Rita.." sabi ko dito at ngayon ay hinigpitan ko ang yakap kay Rita..
Naramdaman kong humigpit din ang yakap nito sa akin..."Hindi ko alam ang gagawin ko kung patuloy kitang iniwasan.. Mahal na mahal kita Ken. Sobra.."
"Mahal na mahal din kita Rita." medyo nagiging emosyonal na sabi ko... Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap dito..
BINABASA MO ANG
Withered Roses
FanfictionHindi ako rosas na titingnan mo lang para sa panandaliang kasiyahan at iiwan mo lang na tuyot , iiipit sa libro at kakalimutan...