Visit

461 38 6
                                    

Ken's POV


Nakangiti ako habang nakatingin sa papatapos na obra ko. Inilapag ko ang brotsa sa table at isinandal ang likod ko sa upuan.. Napatingin ako sa pinto ng kumatok si Carlito..





"Bakit?"







"Nandito po si Ms. Samantha. Gusto daw po kayong makausap.." nagtataka akong nakatingin kay Carlito.. Bakit ba nandidito na naman yung makulit na buyer na yun! Tss






"Hi Kenny!!" napatayo ako ng sumilip ito sa pinto ng studio kug saan ako nag pi-paint. Hindi ako nagpapasok ng ibang tao dito dahil sobrang private ng mga pinipinta ko..






"Excuse me Ms. Samantha. Hindi ka allowed to go inside. Wait for me sa labas.. May aayusin lang ako.." sabi ko dito pero makulit talaga itong pumasok kaya naglakad na ako papalapit dito..






"I said you are not allowed to go here.." inis na sabi ko ko pero nakangiti lang itong nakatitig sa akin..






"I'm sorry. Masyado lang kitang namiss. Yang mukha na yan! Nag alala ako sayo hah! Sa nangyari sayo sa Majestic!" napatingin ako kay Carlito at sumisenyas na babalik na ito sa area niya kaya tumango ako. Ako ng bahala sa babaeng ito..










"Kung yung tungkol sa Majestic ang pinunta mo dito, I'm sorry but wala akong ikukwento.." sagot ko dito..






"Hindi naman about dun eh. Kakamustahin lang naman kita!" maarteng sabi nito at lumapit siya sa akin at hinawakan nito ang tenga ko. Mabilis kong inalis ang mga daliri nito at humarap dito..





"Mawalang galang na pero madami pa akong gagawin. Makakalabas kana." seryosong sabi ko dito . Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan sa labi.. Bago ko pa man siya maitulak ay nakita ko na si Rita na nakatingin sa amin mula sa pinto.. Malakas kong tinulak si Samantha at sinundan si Rita na papalabas na ng Gallery ko.








"Rita! Sandali!!" sigaw ko dito at mabuti naman ay naabutan ko ito. Hinawakan ko ang kamay nito pero agad nitong binawi..










"Kaya ba ayaw mo akong papuntahin sa Gallery mo dahil may kalingkisan ka dito???!" inis na sigaw nito at napailing ako..





"Ofcourse not!!!" sagot ko dito..








"Kenny!" napalingon kami ni Rita ng sumigaw na naman si Samantha sa likod..








"Bumalik ka na dun! Mahirap mabitin ang babae. Bubuga ng apoy." inis na sabi ni Rita at tuluyan na itong naglakad palayo..










"You! Umalis ka ng gallery ko!" sigaw ko kay Samantha.








"Why? Sino siya?"













"Siya ang Fiancée ko! Kaya umalis ka na dahil nakakasira ka ng relasyon.." inis na sabi ko dito at tuluyan na akong pumasok sa Gallery at sinarado ang pinto. Hinanap ko ang phone ko at tinawagan si Rita pero nirereject niya lang ang mga tawag ko..









"Huwag na huwag mong papapasukin si Samantha sa Gallery ko. Banned na din siyang bumili ng mga artworks ko." inis na sabi ko kay Carlito at tumango naman ito bilang pag sang ayon..







Nawalan na ako ng ganang tapusin itong artwork ko at nagpaalam na muna ako kay Carlito na uuwi na. Kinakabahan ako na baka wala na akong datnang Rita sa bahay dahil sa nangyari kanina. Nakailang tawag na ako kay Rita pero ayaw talaga niyang sagutin. I texted her a lot of times pero hindi siya nagrereply..







Withered RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon