Rita's POV
NANLALAMIG at namamawis ang mga kamay ko habang naghihintay kami ni Ken dito sa loob ng kotse niya.. Hindi pa kasi kami tinatawag ng crew na mag aasists sa amin papasok sa isang studio dito sa Huaaw Entertainment. Kinakabahan ako. Totoo yan. Pero everytime na hinahawakan ni Ken ang mga kamay ko ay unti-unting nawawala ang kaba ko..
"Rita. Okay ka pa ba?" tanong nito sa akin.
"Oo . Kinakabahan lang talaga ako."
"Pwede naman tayong mag back out! Baka mahimatay ka pa dun mamaya eh.." sabi nito at inirapan ko siya.
"Ang ganda ganda ko today tapos mahihimatay lang ako? Sayang naman tong ganda ko!" banat ko dito at natawa ito.
"Sigurado ka ba?"
"Oo, okay lang ako.. Basta wag mo akonng iwan sa studio mamaya!"
"Nakausap ko na yung mag iinterview, pinayagan nila akong sumama sayo sa mismong interview.. Knowing na pasahero din naman ako ng barko na iyon.." ngumiti si Rita sa akin at inihilig nito ang ulo niya sa balikat ko..
Napadilat ako ng may marinig akong pagkatok sa bintana ng kotse ni Ken. Mabilis kong tinapik si Ken. Nakatulog pala kaming dalawa sa kakahintay.. Binaba ko ang bintana para kausapin ang kumakatok..
"Sorry po. Nakatulog kami."
"Okay lang po Ma'am, nakailang tawag na po kasi ako. Nagtataka na po ako kung bakit walang sumasagot.. Kaya pinuntahan ko na lang kayo.. Kayo na po ang next na iinterviewin Ma'am.."
"Okay sige, susunod na kami.." nakangiting sabi ko dito. Mabilis kong kinuha ang salamin sa bag ko at chineck ko ang mukha ko. Okay pa naman.. Maganda parin ako kaya nagmadali na akong bumaba, ganoon din si Ken. Magkasama kaming pumasok sa loob ng studio..
"Ms. Rita, Sir Ken.. Dito po tayo sa sofa.." sabi ng isang crew na tumawag sa amin kanina.. Medyo nakakaramdam na ako ng kaba habang nakatingin ako sa mga ilaw na nakatutok sa amin.. Ilang sandali lang ay dumating na ang mag iinterview..
"Good Morning Ms. Rita and Sir Ken.." bati ni Ms. Leslie.. Isang sikat na reporter ito dito sa Pilipinas.
"Good Morning po.."
"So let's start the interview.. It's all about the tragedy of Majestic travel.. February 20, 2020.. Isang masaya sanang paglalakbay ng ating kauna-unahang Cruise ship.. Okay .. Makakasama natin ang dalawa sa naging pasahero at survivors ng Majestic Travel Tragedy.. Ms. Rita and Mr. Ken.. So guys, maaari niyo bang ikwento kung paano kayo nakasama sa barkong iyon.. Let's start with Ken.."
"It was not a plan. One day, may buyer ako ng artworks ko, I'm a painter kasi.. He gave that ticket. Noong binasa ko ang ticket, nagtataka pa ako kung bakit ako binigyan noon. Nag dodoubt pa nga ako kung legit ba iyon. So noong na check ko na legit naman.. Pinagbigyan ko. Sabi ko once in a lifetime experience lang ito. Ako kasi, wala sa pangarap ko ang makasakay sa isang cruise ship.. Too expensive for a vacation trip.. Hindi ako iyon. I don't waste money for that kind of vacation.. Pero dahil free naman so I grab the opportunity.. Pagsampa ko pa lang ng barko, I felt so proud pa nga knowing na Barko iyon ng Philippines.. At isa ako sa sakay ng unang pag-alis nito.. "
"Oo nga naman! Kung ako din iyon, igagrab ko na ang opportunity na makasakay sa ganoon kamahal na barko diba?! So how about you Ms. Rita.."
Napahawak ako sa kamay ni Ken bago ako nagsalita..
"Ako naman. I was there because of work. Kinuha ako ng isang agency to take pictures, videos about that trip.. I felt so lucky din kasi merong free accommodation, lahat libre. Diba, may work na nga ako, nakalibre pa ng bakasyon.. At first, masaya eh. I love taking pictures.. Lahat sila masaya, maingay, nagtatawanan.. Akala ko nga, trabaho lang talaga ang pinunta ko doon pero hindi lang pala iyon.. Sinong mag-aakala na doon pa sa barkong iyon kami muling magkikita ni Ken." tinuro ko ito at nagulat ang nag iinterview..
"We're separated for 6 years. And sa barkong iyon lang kami ulet nagkita. He's my ex boyfriend that time na nasa barko kami.. Medyo hindi maayos ang paghiniwalay namin eh kaya everytime na nagkikita kami sa barko ay medyo nagkakaroon ng clash between us. Pero kasabay ng mabilis na pagsayaw ng mga alon ay ang mabilis din na pag aayos namin ni Ken. Nagkaroon kami ng time to talk. Yes, merong trahedyang nangyari, a lot of people died——" medyo nanginginig na ang boses ko. Hudyat lang na papaiyak na ako.. Hinawakan ni Ken ang likuran ko..
"Maririnig mo ang iyak at sigawan ng mga tao.. Sigaw ng pagmamakaawa..To witness those painful tears , shout .. Hindi ko na alam kung pati pa ba kami ay makakaligtas.. Sobrang bilis ng mga nangyari.. We thank God na kasama kami sa nakaligtas sa barkong iyon.. Ito. Pangalawang buhay na namin. And God let us to survive , to continue our life. Meron pa kaming purpose sa mundong ito. Alam kong meron pa.. He allow us to continue our love story. He really is. Kaya sa pagkakataong ito na ibinigay ng Panginoon sa amin, hindi na namin sasayangin pa.. And know, we're engaged and soon, I'll be his Wife na.."
"Wow. God is so great. Sinong mag aakala na sa isang tragedy na nangyari, meron parin palang uusbong na pagmamahalan.."
"At sa mga kapwa namin Pilipino na nawalan ng mahal sa buhay dahil sa tragedy, Alam kong nasa mabuting kalagayan na silang lahat.. Yakap yakap ang ating Panginoon.. Araw-araw akong nagdadasal para sa kanila. Sa mga pamilyang naiwan, Hindi madali . Pero alam kong dadating din yung time na mahihilom lahat ng sugat sa mga puso nila ngayon.. Continue to live your life. Hanggat may liwanag na sumisilay, magpapatuloy ang buhay.."
Matapos ang buong interview ay para akong nabawasan ng bigat sa dibdib.. Yakap yakap ako ni Ken habang nakatayo kami dito sa harap ng kotse niya..
"I'm so proud of you. You did it. Ang tapang tapang mo.." naiiyak na sabi ni Ken.
"Tumatapang ako Ken. Nang dahil sayo.."
Nandidito kami ngayon sa loob ng ice cream shop. Nakatingin ako kay Ken habang papalapit ito sa akin.. Dala dala niya ang apat na flavor ng ice cream na inorder namin..
"Ayan na!!" naeexcite na sabi ko..
"Siguraduhin mo lang na kasya pa sayo yung yung wedding gown mo sa araw ng kasal natin hah!" pang aasar nito kaya nakurot ko siya sa braso.
"Ngayon na lang ako mag iice-cream!! Basag trip hah!"
"Joke lang. Hahaha. Sige na, baka matunaw oh.." Natakam akong isubo ang Vanilla flavor.. Nilagyan ko ito ng chocolate syrup sa ibabaw..
"Ice cream parin pala talaga ang nakakapagpakalma sayo.." nakangiting sabi nito..
"Hindi ah!" mabilis na sagot ko.
"Hah?"
"Ikaw at ang mga labi mo na ang nakakapagpakalma sa akin.." bulong ko dito at mabilis kong hinalikan ang lips nito..
❤️
BINABASA MO ANG
Withered Roses
FanfictionHindi ako rosas na titingnan mo lang para sa panandaliang kasiyahan at iiwan mo lang na tuyot , iiipit sa libro at kakalimutan...