Rita's POV
"Ibang klase ka din eh no? Ano na bang trabaho mo? Babae ka na bang umaakyat ng barko para makipaglaro ng apoy sa mga seaman?"
Galit akong napatingin sa kanya..
"Ano? Tatayo ka lang diyan? Wala kang gagawin kasi totoo? Kasi totoo?" inis na sabi nito at mabilis akong lumapit sa kanya para sampalin sana siya pero pinigilan niya ang kamay ko..
"You can't do that. Hindi ko hahayaang dumapo ang kamay mo sa pisngi ko.. Sino ka para gawin iyon?" galit na sabi nito at pagalit niyang binagsak ang kamay ko.. Nagulat ako ng ibuhos niya sa ulo ko ang tirang alak na iniinom niya at tuluyan na siyang pumasok sa loob ng barko. Naiwan akong nagulat sa ginawa nito..
"A-anong nangyari sa kanya.. Hindi ko alam na kaya niyang gawin iyon.. Nabastos ako sa ginawa niya !!! Grrr.." bulong ko sa isip ko at nagmadali akong pumasok sa barko...
Pagpasok ko ng barko para hanapin siya ay hindi ko na siya makita.. Sa dami ng daanan ay nagkanda ligaw ligaw na yata ako.. Tinanggal ko ang scarf ko at pinunas ko sa ulo kong basa na ng alak..
Habang pabalik ako sa nilalakaran ko kanina ay may biglang hamablot sa akin sa gilid..
Nanlaki ang mata ko ng isandal ako ni Ken sa pader at galit itong nakatitig sa akin..
"Ganito mo ba balak i-celebrate ang Anniversary natin? Ay mali. Independence day pala.." medyo paos na sabi nito sabay titig sa mga labi ko.. Hindi ako makahinga dahil sa higpit ng pagkakasandal niya sa akin sa pader.
Nanlaki ang mata ko ng dumapo ang mainit na mga labi nito sa labi ko... Ilang segundo lang ay bumitaw na ito.. Mabilis niyang inayos ang damit niya at umalis habang hindi ako nililingon.. Hingal akong natuod sa kinatatayuan ko...
—
Nagising ako ng marinig ko ang sunod-sunod na pagkatok ni Tonyo..
"Rita! Wohooo!!"
"Ano na naman? Inaantok pa ako !" inis na sabi ko pagbukas ko ng pinto.
"Hoy ! 9am na girl!!! Puyat na puyat ah? Mukhang hindi ka nakatulog kagabi hah?"
Napatingin ako sa oras. 9am na nga pala..
"Sige na, maliligo lang ako tapos sa restaurant na tayo magkita.."
"Bilisan mo!" maarteng sabi nito at pinagsaraduhan ko siya ng pinto..
Matapos kong maligo ay kinuha ko ang itim kong co-ords para isuot ngayon.. kinuha ko din yung itim na slingbag at yung camera ko..
Bagong umaga na naman. Napatingin ako sa tirik ng araw.. Nakangiti akong pumunta sa restaurant para kumain ng breakfast.. Lintik na Tonyo yan, wala naman siya dito sa loob. Akala ko ba hihintayin niya ako kumain.. Minadali ko na ang pagkain para masimulan na ang trabaho..
BINABASA MO ANG
Withered Roses
FanfictionHindi ako rosas na titingnan mo lang para sa panandaliang kasiyahan at iiwan mo lang na tuyot , iiipit sa libro at kakalimutan...