Rita's POV
Matapos kongg mag ayos ng mukha ay mabilis kong kinuha ang sling bag ko para tumungo sa Restaurant. Mag tatake-out lang ako ng dinner at sa Cabin na ako kakain.. Nawalan ako ng gana sa pakikipag usap ko kay Ken. Siguro nga. Kasalanan ko. Oo. Ako na lang. Kasalanan ko na. Sige na. Napabuntong hininga ako ng nararamdaman ko na namang maluluha ako..
Pagbukas ko ng pinto ay isang nakatayong Ken ang bumungad. May dala itong dalawang paper bag.
"Hindi tambayan ang harap ng Cabin ko." inis na sabi ko dito.
"Saan ka pupunta?" seryosong tanong nito..
"Kakain!" inis na sabi ko sabay tabig sa kamay niyang nakaharang sa pinto ng Cabin ko.
"Dinalhan na kita ng Dinner. Wag ka ng bumili." kunot noo ko siyang tiningnan. Yung kaninang seryosong pagsasalita nito, napalitan ng maamong aura..
"Ay? May part time ka sa Grab food? Delivery boy ka na din? Hindi ako nagpadeliver." inis na sabi ko dito
"Dali na. Kunin mo na.." pakiusap nito sa akin habang inaabot ang take out..
"Bakit mo ako dinalhan ng dinner?" matapang na tanong ko dito..
"Gusto kong sabay tayong magdinner.." sagot nito. Ngayon ay napasandal na ako sa pinto at nakatingin sa papaer bag na hawak ito..
"At bakit?? Magpapasubo ka akin? Nanay mo ako? Umalis ka sa harap ko at bumalik ka na sa Cabin mo!"
"Hindi at OO.." naguluhan ako sa sinagot nito..
"Ano?"
"Hindi ikaw ang nanay ko. At OO, magpapasubo ako sayo.." nakangising sabi nito.. Teka bakit parang——
"Hoy Ken Chan!!"
"Dali na kasi! Nagugutom na ako Rita! Sabay na tayong kumain!" sabi nito at mabilis siyang pumasok sa loob ng Cabin ko..
"A-anong kakainin natin?" nauutal na tanong ko.
"Kung ayaw mo nitong beef steak, pwede din naman yang naiisip mo..." nakangiting sabi nito at pinaghahagis ko sa kanya yung mga unan..
"Tara na kasi!! Ilalabas ko na!! Gutom ka na ba?!" natatawa paring sabi nito..
"Kung hindi ka talaga titigil sa pagsasalita, ibabato ko sayo tong alarm clock! Solid to!!" sigaw ko dito sabay lapit sa kanya para kunin yung take out na dala niya.. Ako na ang naglabas nito sa lagayan at inilapag sa lamesa..
Habang kumakain kami, pansin kong tumahimik nga si Ken.. Focus lang ito sa kinakain niya.. Masarap nga ang beef steak na dala nito..
"Masarap yung beef steak.." sabi ko dito habang pinapapak ang natitirang ulam..
Naiinis ako dahil hindi nagsasalita si Ken!!!
"Hindi ka talaga iimik? Pasalamat ka nga pinapasok pa kita dito eh!!! "
"Ayoko lang mabato ng alarm clock.." nakangiting sabi nito.
BINABASA MO ANG
Withered Roses
FanfictionHindi ako rosas na titingnan mo lang para sa panandaliang kasiyahan at iiwan mo lang na tuyot , iiipit sa libro at kakalimutan...