Chapter 1

0 0 0
                                    

AWTYW - Pamangkin



Nagulat naman ako at napabitaw sa mais na hawak ko dahil sa biglaang pagsigaw sa likod ko.


Sandaling napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sobrang bilis ng tibok na ito. Geez! Do they have to startled me like that?


Unti-unti naman akong napalingon, only to find a guy standing not far from me with a smirk on his face.


"S-Sino ka?" I asked the guy.


Mahina naman siyang tumawa kaya medyo kinalibutan ako. "Ang totoong tanong ay, anong ginagawa mo?" Nakangisi pa rin siya.


"Umm.. I-I w-was.." hindi matuloy-tuloy ang aking sinasabi sa hindi malaman na dahilan.


Sandaling kumunot ang noo niya sa akin hanggang sa mapatingin siya sa lupa. Bigla naman nanlaki ang mga mata niya rito.


"Hala, Miss! Ikaw ba nagpitas nito?" Gulat niyang sinabi at biglang nilapitan ako at saka kinuha ang mais na nahulog.


Medyo gulat naman ako sa kanyang sinabi at biglaang paglapit sa akin.


"B-Bakit?" Nauutal kong sinabi at medyo lumayo sa kanya.


Napakamot naman siya sa kanyang batok bago magbuntong hininga. "Hindi pa harvesting ngayon. Bakit pinitas mo na?" Nakakunot na ang noo niya sa akin.


Napakagat naman ako sa labi ko. I didn't know, okay! Kasalanan ito ng cravings ko. Urgh! Why did I came here in the first place?


"First time mo?" Bigla niyang sinabi kaya bigla akong nagtaka.


"Huh?"


Napabuntong hininga naman siya sa akin. "Dito. Bago ka lang ba rito?" Tanong ulit niya.


"Excuse me?" Nakakunot noo kong sinabi.


"Dadaan?" He said and moved a little away from me.


"Huh!" I said in disbelief.


"Huwag kang mag-alala, Miss. Ganyan din ako noong bagong lipat ako rito. Medyo nahirapan ako sa mga trabaho, pero heto ako, okay na." Sabay ngiti niya na naging dahilan ng paglabas ng dimple niya sa kanan na pisngi.


Mas lalo naman kumunot ang noo ko. Wait, wait, wait.. A-Akala, Akala ba niyang trabahador din ako rito? Is that what he is implying?


"Hmm.. Hula ko, taga Maynila ka, 'no?" He said while his hand was on his chin.


"What made you say that?" Tanong ko sa kanya.


A while ago, he thought I was one of Grandpa's workers. Tapos ngayon, paano naman niyang nalaman na taga Maynila ako? Do I look like a half-probinsyana and city girl here?


"Base sa pananalita at itsura mo. Mukhang hindi ka pa nga pumiga ng basahan," he said while looking at me from top to bottom.


Wow! This guy! This guy that I don't know has the guts to say those things to me? I don't even know if I should feel complimented or offended!


"Naiintindihan ko naman ang paglipat niyo rito. Mahirap ang buhay Maynila lalo na't medyo butas ang bulsa natin." Sabay mahina niyang tawa kaya biglang lumitaw na naman ang dimple niya.


"Bakit? Have you ever been in Manila?" Patago na akong umirap.


"Oo, pero dahil sa hirap, lumipat din kami rito. Teka.. anong araw ngayon?" Biglaan niyang tanong sa kanyang sarili.


A Way To Your World Where stories live. Discover now