AWTYW - Feelings
I've spent hours thinking about what Manang Cynthia have told me. Like, there was a part of me disagreeing with it and at the same time, I couldn't think of another reasonable explanation for my feelings.
Hays. Hindi na ako nakatulog, e. Nalaman ko pa nga na pumasok si Rantz sa kwarto ko just to check on me, pero nagtulog-tulogan ako para hindi niya ako tanungin kung bakit pa ako gising. Wala rin naman akong maisasagot sa kanya. And I just can't say that, "I'm awake because I'm thinking if I like Drexel or not!"
But it was just too bizarre! I really don't know. Bakit ko nga ba siya magugustuhan? Yeah, he does have the looks and the body, but is that an enough reason to say I like him? Napagulo na lamang ako sa aking buhok. Ugh! I don't know! I guess, I need to find out what are my feelings for Drexel.
Kinaumagahan, pagkita ko sa aking salamin, napakalaki ng eye bags ko. Oh, geez. This is what I get for staying up all night just by thinking of him. I guess, I'll just have to put some concealer on it. Pagkatapos kong gawin ang ritual ko, bumaba na ako at pumunta ng dining area.
"Good morning, Manang Cynthia," pagbati ko at sabay nito ang pag hikab ko.
"Oh, napuyat ka ata?" Tanong ni Manang Cynthia at nilagay ang fried rice sa lamesa.
"Hindi po." Only a little.
"Si Rantz po?" Tanong ko nang makitang isang plato lang ang nakalapag sa lamesa.
"Tulog pa, Flo, puyat at pagod siya. Anong oras na rin naman siyang nakauwi kagabi," ani Manang Cynthia.
I know, Manang Cynthia, gising pa ako sa mga oras na 'yon.
Tumango na lamang ako. Aalis na sana si Manang Cynthia nang pigilan ko siya.
"Manang Cynthia, tawagin niyo po ang ibang maids," I said and sat down at my usual place.
Nagtaka naman siya dahil sa sinabi ko.
"Bakit?"
Ngumiti naman ako ng tipid. "Para may kasabay po ako."
Ngumiti naman si Manang Cynthia at umalis na para tawagin ang ibang kasambahay. After breakfast, umakyat ako sa taas para puntahin si Rantz sa kanyang kwarto. As soon as I got there, naabutan ko siyang mahimbing na natutulog sa kanyang kama. He was still even wearing his polo and pants from yesterday. Napailing-iling naman ako. He must be really tired to even bother changing his clothes. Kinuha ko naman ang kanyang kumot na nasa paanan niya at kinumutan siya. I kissed his forehead before leaving.
"Mang Toby, huwag mo na po akong sunduin. I'll just take a cab," sabi ko nang makarating na kami sa East University.
"Pero Ma'am Flo–"
Hindi ko na pinatapos si Mang Toby sa kanyang sasabihin dahil binuksan ko na ang pintuan ng kotse at saka lumabas na. I know it was rude but I really need to find out kung ano ba talagang nararamdaman ko kay Drexel. Hahanap ako ng tiyempo na makakasabay siya sa pagpara ng mga tricycle mamayang uwian. But I doubt that I won't get to see him, susulpot na lang lagi 'yon, e. And with that, I'll do things or say things that'll clarify my feelings. Malay ko ba kasi kung na a-attract lamang pala ako sa kanya tapos ganito ako maka-react.
Bawat lesson na dini-discussed ng professor namin, walang pumasok sa isip ko kung hindi itong katabi ko. Kada tumitingin ako sa kanya, magugulat na lang ako na nakatingin na rin pala siya sa akin kaya agad-agad akong nag-iiwas ng tingin. Ugh! Seriously, if I really do fail in this subject, I'll surely bury Drexel alive! Pagkatapos ng lesson ng professor namin ni-dismissed na rin niya kami kaya agad-agad akong umalis ng room kahit nagpapahintay pa itong si Ada sa akin.
YOU ARE READING
A Way To Your World
Teen FictionFlorence Rodriguez wishes nothing but the best for the family. Sabik siya atensyon ng kanyang magulang kaya kahit anong pagawa nila ay susunduin niya. Paano kung may dumating na isang lalaki sa buhay niya, at binigay nito ang atensyon na pagkukulang...