AWTYW - Volunteered
"What?!"
Agad kong naitikom ang aking bibig dahil sa sobrang pagkabigla ko ay naisabi ko ito ng malakas. Sabay na napatingin sina Rantz sa akin, pero kumunot lamang ang noo ng aking kambal habang siya naman ay blankong tumingin at hinarap muli si Rantz.
"You were the one who volunteered," tumango-tangong sinabi ni Rantz.
Volunteered? Oh, shit! So, he really is the one who volunteered to help in the plantation. I didn't wanted to admit it at first because I didn't want to assume. Dahil bakit naman niya gagawin iyon, 'di ba? I just really can't see that he will just suddenly come to Grandpa and say that he wanted to help me. Like, what reason would it be for him to volunteer and help me here? At isa pa, paano naman niya nalaman na ako ang pansamantalang mamahala rito?
Hindi naman kumibo si Drexel, at si Rantz naman ay nagpaalam sa kanyang alis. "I'll just go out for a moment." Pagtapik niya sa balikat ng aking kambal.
Nagbalikat ulirat naman ako nang dahil sa kanyang sinabi. Bago ko pa man mapigilan si Rantz ay nakalabas na ito, which leaves us here... alone—with the chickens.
"Uh..." hindi ko malaman kung ano ang aking sasabihin sa kanya. Hell. Here goes this uncomfortable feeling I once felt before we were close.
"If Gray already explains the schedules and basics here, you can just follow up with what I am doing." Walang bakas na reaksyon ang kanyang mukha nang sabihin sa akin ito.
"O-Okay." Iyon lamang ang nasabi at saka sumunod na sa kanya.
"Sigurado akong kilala mo na si Mang Pedring," aniya.
Marahan naman akong tumango at ngumiti naman ng tipid si Mang Pedring sa akin. Siya ang nag-aalaga sa mga manok dito. Marami-rami rin ang sinabi niya sa akin na hindi naibanggit ni Rantz. Kahit na rito pa lamang kami sa mga manukan ay ang dami na rin niyang impormasyon na sinasabi sa akin. Hindi ko maitatanggi na bahagya akong humanga sa kanyang mga sinasabi, pero nangingibabaw pa rin ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko pa rin magawang maintindihan kung bakit siya ang nandito sa aking harapan.
"N-Nakolekta na ba ang mga itlog?" Hindi ko pa rin maiwasan ang mautal lalo na nang sandali siyang bumaling sa akin.
Snap out of it, Flo! Where the hell did all your confidence go?
"Hindi pa," maikli niyang sagot. "Papakainin na muna ang mga ito," dagdag niya at saktong dumating naman ang ibang mga kasama ni Mang Pedring dito bitbit ang sa tingin ko ay pagkain ng mga manok.
Other than this, there are four chicken coops bigger than the usual ones, kaya kahit apat hanggang anim na tauhan ay pwedeng pumasok dito at mag-alaga. Our barns are five or seven, containing all the different animals such as, cattles, sheeps, goats, pigs, etc. Kaya mukhang sa araw na ito ay dito muna kami mag fo-focus bago ang mismong planta.
"Ang ibang mga manok dito, Ma'am Flo, ay medyo mahirap kuhanan ng mga itlog, lalo na kung bago. Hindi tulad no'ng iba na kahit inuupuan ang mga ito ay ayos lamang. Paalala ko lamang ito dahil baka matuka kayo," Mang Pedring said.
Slowly, Mang Pedring and his other men fixed the feeder in front of the hens. Nakita ko naman na unti-unting kumuha ng chicken feeds si Drexel at ilalagay na sana ito sa kanilang lalagyan, pero hindi niya pa ito nagagawa nang pigilan ko siya.
"Wait," I said that causes for his brows to furrowed.
"Hindi ba't kukunin niyo rin naman ang mga itlog ng manok?" I said that made them confused but Drexel still slightly nodded his head.
YOU ARE READING
A Way To Your World
Teen FictionFlorence Rodriguez wishes nothing but the best for the family. Sabik siya atensyon ng kanyang magulang kaya kahit anong pagawa nila ay susunduin niya. Paano kung may dumating na isang lalaki sa buhay niya, at binigay nito ang atensyon na pagkukulang...