Chapter 6

0 0 0
                                    

AWTYW - Marriage



Nagtaka naman ako sa sinabi niya. And slowly, I understood it nang mapatingin siya sa papulsuhan kong hawak niya. Wait, don't tell me.. kanina pa niya ako hawak?


I immediately felt a sudden twist inside my stomach because of that thought. I was about to tell him to let go of my hand when he already did.


Nang mapatingin naman ako sa pinto ng next class ko, napagtanto kong nandito na pala kami.


"Uhh.. thanks." Hindi ko nagawang tumingin sa kanya, pero nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko ang pag ngisi niya.


Without bidding goodbye, pumasok na ako sa loob ng room. Umupo na ako sa upuan ko tabi sa bintana at ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi naman ako tumakbo papunta rito o napagod para bumilis ang pagtibok nito. Ugh! Nagulat pa nga ako nang biglang may kumalbit sa akin.


"Ang gwapo at gentleman naman ng boyfriend mo," kinikilig niyang sinabi.


Boyfriend? Who? Wala naman akong boyfriend. Mabuti pa siya alam niyang meron ako, pero ako, wala. And besides, the only person who I was with that went here was Drexel. Oh, no way! Is she saying that Drexel's my boyfriend? I don't know why, but just because of that misunderstanding of him being my boyfriend suddenly made me blushed.


"H-He's not my boyfriend," mabilis kong sinabi.


Bigla naman siyang napatigil sa pagkakilig niya.


"Ay, ganoon? Akala ko kasi, sorry," she awkwardly said and left.


Napailing-iling na lamang ako sa kanyang sinabi at sandaling pinakalma ang sarili. After class, dumiretso na ako sa cafeteria. Marami-rami rin ang mga estudyante ngayon ang kumakain kaya mahirap humanap nang mauupuan, pero mabuti naman at nakahanap ako.


Nakaupo ako mag-isa sa table, kumakain ng sandwich habang nagbabasa. Ash still has class this period. He just ditched his 3rd subject yesterday because he said that it was only their "introduce yourself day". Rantz, on the other hand, texted me that I should eat first because their class was going to extend about 30 minutes. Hindi ko naman alam kung nasaan 'yong isa er.. at saka bakit naman siya makikisabay sa akin.


A few moments later, bigla naman may nagsalita kaya napaangat ako ng tingin dito.


"Excuse me, is this seat taken?" Nakangisi niyang sinabi habang hawak ang back rest ng upuan.


As I looked at him, napansin ko kaagad na matangkad siya, maputi ang kutis, medyo magulo ang kanyang buhok, he also has this cheeky smile plastered on his lips, hindi rin naman nakatakas ang pagkinang ng diamond earring niya sa kaliwang tainga. Overall, he looks handsome, but his aura was telling me something. Although, he looks somehow familiar to me.


I was about to tell him that the seat wasn't taken, when Drexel suddenly showed up while holding two trays.


"Sorry, Miss, ito na ang lunch na pinakuha mo," aniya at saka nilapag ang tray sa harap ko.


Binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin, pero hindi niya pinansin ito. Bumaling naman siya doon sa lalaki at ngumisi. 'Yan na lang kasi ang upuan na walang nakaupo, the other students were just taking the other chairs and putting it to their table were their groups are.


"Sorry, dude, dito ako nakaupo, e. Meron pa akong nakitang bakante banda roon, oh." Sabay turo niya sa medyo bandang dulo.


Napangisi na lamang din ito na parang naiintindihan ang kinilos ni Drexel. He glanced at me before winking at saka umalis. Bumaling naman sa akin si Drexel ng nakangiti na akala mo walang nangyari.


A Way To Your World Where stories live. Discover now