Chapter 8

0 0 0
                                    

AWTYW - Sprain



Days have passed and it was already Friday. Nasa gymnasium kaming mga estudyante, may laro kasi kaming volleyball ngayon. I don't even know how to play volleyball, mabuti pa itong si Ada ay champion at hasang-hasa niya ito.


Nakaupo kami ngayon sa bleachers at nagsisigaw. 'Yong mga boys pa lamang ang mga naglalaro. Magka-team sila Rantz, Tyler and Drexel at sa kabilang team naman ay sila Ash at Caden. Saktong pareho kami ng schedule ng P.E ngayon. Ang iba kasi ay naiibang araw sa amin. Looking at them, magaling at marunong din silang maglaro. Rantz wasn't really a sporty person, pero marunong siyang maglaro. Unlike me.


Ang nag serve ng bola ngayon ay si Tyler, nagpa-flying kiss pa siya sa iba. At nang dumapo ang tingin sa akin, kumindat naman ito. Napakamot na lamang ako sa aking ulo at bahagyang nailang. Napabaling naman ako sa direksyon ni Drexel na tahimik at seryoso lamang ang itsura.


"Ada, I don't know anything about volleyball," medyo kinakabahan kong sinabi.


"I know, Flo. But this is just a game, don't take it seriously," aniya habang ang atensyon ay nakatingin pa rin sa mga naglalaro.


I sighed. Just a game. Which my grades are required if I failed in this game. P.E is still a subject, even though it's a minor. Sinong matutuwa kung may isang subject doon na tres sa card mo?


Mukhang nag-e-enjoy ang mga boys kaya panay ang tawa nila. But in the end, nanalo ang team nila Rantz kaya todo ang pagmamayabang ni Tyler doon. Ayaw ko na sanang bumaba, pero nang hinila ako ni Ada ay wala na akong nagawa at sumunod na lamang sa kanya.


"You saw my moves, Flo? It was so unique and–"


"You hardly even touched the ball." Sabay irap ni Rantz kay Tyler.


Nakasalubong kasi namin sila at mukhang mauupo muna sa bleachers para magpahinga bago pumunta sa mga gym lockers at mamalit.


"Hey, hey, asshole, my eyes are up here not on my twin sister and cousin's legs," malamig na sinabi ni Rantz kay Tyler.


Nagulat naman ako sa sinabi ni Rantz at napatingin sa aking shorts na medyo may pagkamaikli. Narinig ko rin naman kaagad ang pag-apila ni Tyler at ang pagsesermon din ni Ash sa kanya. Caden, on the other hand, laughed at them.


Magsasalita sana ako dahil baka mamaya nagkamali lamang si Rantz, pero nagulat na lamang ako nang humakbang sa harap ko si Drexel. He was towering over me, blocking my view and theirs.

"Pumwesto na kayo roon," he simply said and pointed at my other classmates who were already placing theirselves.


Napakagat naman ako sa aking labi at naglakad na papunta roon. I took a one last glance back at them, and saw him looking at me. Tyler was still defending himself about what Rantz had told him, while my twin brother just looked bored and wasn't convinced by his explanations.


Kinabahan naman na ako nang pumwesto na kami. Baka tumama ang bola sa mukha ko. I could really feel my palms sweating. Napatingin naman ako kay Ada na nag thumbs up lamang sa akin kaya isang tipid na ngiti lamang ang naibigay ko. Nadapo naman ang tingin ko sa mga bleachers, nandoon si Rantz nanonood kasama sila Ash at syempre si Drexel na titig na titig sa akin. Napalunok naman ako. I suddenly felt conscious.


Unang nag serve ang nasa kabilang team, which was Celestine. Natamaan naman ito ng ka-team ko at nang mapunta ang bola sa kabilang team, hindi naman nila ito natamaan kaya nagkaroon kami kaagad ng puntos. Sa ngayon, sa amin naman ang bola. Ni-serve naman ito ni Ada at naipalo naman ng ka-team ni Celestine. I was positioned as the middle blocker, pero nang makita kong malapit sa akin ang bola na naitama ng kabilang team, agad akong nakaramdam ng kaba. I didn't know what to do, pero napaisip din naman ako kaagad na imbes na tumama pa ito sa mukha ko, agad na lamang akong tumalon para maipalo ito. I successfully hit it, but my landing wasn't. All I heard were gasps of the students inside the gymnasium, as I felt the pain on my ankle.


A Way To Your World Where stories live. Discover now