AWTYW - Hadlang
"That dress looks so good!" Masayang tinignan ni Ada ang damit na nakasuot sa mannequin.
"Then, buy it," naiiling kong sinabi sa kanya.
Sumimangot naman sa akin si Ada.
"I will." Sabay pasok niya sa loob ng boutique.
After the shopping sensation of Ada, I decided to go to the salon.
"Are you sure you want to cut your hair?" Nagtatakang tanong ni Ada.
"Yeah, mahaba na rin at gusto ko rin siyang ipa-straight," sabi ko sa kanya at saka umupo na sa may upuan.
Sinimulan na nilang ayusin ang aking buhok.
"Ako ang nanghihinayang, Flo. Ang ganda ng natural curls ng buhok mo tapos gusto mong ipa-straight. Okay pa ang pagupit, e. Is this what really people do when they're moving on?" Pasukong sinabi ni Ada at umupo na lamang at saka nagbasa ng magazine.
Napahinto naman ako sa salitang narinig ko. Moving on? Naging ba kami? Well, kung sa bagay... its been months since I've been avoiding him. Matapos kasi noong gabing tinanong niya sa akin kung iniiwasan ko ba siya, siya na rin mismo ang umiwas sa akin. But... I really don't know. I should be happy that he did me a favor for doing it. Kasi alam kong hindi na ako mahihirapan pa. But as he was doing it, a part of me got broken by it. But it's for the best, at least it's less of a pain for me... I think. At saka isa pa, malapit na rin naman ang semestral break kaya hindi na rin kami magkikita ng pansamantala.
Pagkatapos ng pag-ayos sa aking buhok, tinignan ko ito nang mabuti. Hindi naman siya ganoon ka-ikli, siguro mga two inches ang layo lamang nito sa aking balikat. It still have its natural brown color. Hindi kasi ako mahilig magpakulay ng buhok. But other than that, I think I like it. Mayamaya ay lumapit din sa akin si Ada para tignan ang nangyari sa aking buhok.
"Well.. for the record, maganda siya at bagay mo naman. But still, nakakapang hinayang pa rin ang dati mong buhok," naiiling na sinabi ni Ada at hinawakan ang dulo ng buhok ko.
'Di nagtagal ay umuwi na rin kami ni Ada dahil mukhang napagtanto niyang masyado na kaming gumala sa mall. At isa pa, gusto ko na munang magpahinga. Kapasok ko sa loob ng mansyon, nakita kong may kausap si Rantz sa kanyang phone. Nang makita niya ako, pinatay niya ito at saka nilagay sa kanyang bulsa.
"Who was that?" Referring to whom he was talking to.
Umiling lamang siya at unti-unting kumunot ang noo niya habang nakatingin sa aking buhok.
"Cut your hair?" Nagtatakang tanong niya.
Tumango na lamang ako sa kanya.
"Okay ba?" I asked him.
Lumapit naman siya sa akin at mariing tinignan ang aking buhok. "Everything suits you, Rence."
Napangiti naman ako sa sinabi niya at sinenyasan siya na aakyat muna ako sa taas, pero bago ako umakyat bumaling muna ako sa kanya.
"Uh.. did Mom and Dad called?" Tanong ko sa kanya.
"No," simple niyang sagot.
Marahan na lamang akong tumango at nagpatuloy na ako sa pag-akyat sa taas. Nasa Massachusetts pa rin sina Mom and Dad. Actually, umuwi naman sila but only for a few days, pagkatapos ay bumalik na ulit sila. I don't know what is going on but they were pretty busy on their business trip.
YOU ARE READING
A Way To Your World
Teen FictionFlorence Rodriguez wishes nothing but the best for the family. Sabik siya atensyon ng kanyang magulang kaya kahit anong pagawa nila ay susunduin niya. Paano kung may dumating na isang lalaki sa buhay niya, at binigay nito ang atensyon na pagkukulang...