Chapter 27

0 0 0
                                    

AWTYW - Owner



Nagtataka at naguguluhan ako sa direksyon na tinatahak namin ngayon. This is the road the way to Aleng Nita's house, specifically his aunt. Bakit dito kami pupunta? Maybe his family is there? Or that's where they are really staying now?


"This is the way to Aleng Nita's, right?" I asked even if I know it was.


He nodded.


"How are they?" I asked, once again.


"They're fine."


Tumango naman ako sa kanya. Ang tipid.


"S-Si Lea?" Dagdag kong tanong.


"She misses you. Always," kalmado niyang sagot.


Napakagat naman ako sa aking labi. I miss her, too. All of them, to be exact. I missed how everything that was just like before.


"E, ikaw?"


Parang nagulat naman siya sa aking sinabi, para bang hindi niya inaasahan na lalabas sa bibig ko iyon. Weird. Masama bang magtanong kung siya ba ay ayos kasama ang kanyang pamilya rito?


Hindi na niya nagawang makasagot nang makarating na kami sa harap ng bahay nila Aleng Nita. Hininto niya ang sasakyan at sinabing hintayin ko ito pagkatapos ay lumabas na siya. Kahit na malakas ang buhos ng ulan, nakikita ko pa rin ang munting pagbago ng bahay nila. Compared before, it somehow got bigger, but not over the top big. There were a few changes and improvements, but it still look the same. Ang dating kawayan na nakikita ko ay napalitan na ito ng mga hardwood. But one thing for sure is that the flowers in front of their house still looks beautifully to look at.


"Tara.." aniya at sinilong na ako sa payong pagkabukas ng kanyang pinto.


Napapitlag naman ako nang maramdaman ko ang mainit niyang kamay sa braso ko habang marahan na hinila ako palapit sa kanya. Shocked was plastered on my face as this heart of mine beaten so fast. Nang tignan ko siya ay nakasalubong lamang ang kanyang kilay at seryoso lang nakatingin sa aming daan. Napalunok na lamang ako. Walang malisya, Florence. Walang malisya.


As we got in front of their door, my heart got more beating rapidly than before. Ibang klaseng kaba rin ang aking nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit ganito. I am thrilled and curious what his family look or how they are like, but I just can't help mixed those emotions with a bit of bitterness. Something inside me feel like tearing apart upon seeing what it'll be on the other side of this door. Maybe I wasn't really ready to face it, to face this. Pero hindi ibig sabihin nito ay hindi ko tanggap o tatanggaping ang sitwasyon na ito.


Nang binuksan niya ang pinto nila, agad nilibot ng aking mga mata ang loob ng bahay nila. Gaya sa labas ay may munting pagbabago rin ito, nadagdagan ng mga muwebles pero ang mga ayos ng ibang gamit ay ganito pa rin.


"Drexel, naparito ka?" I heard Aleng Nita's voice.


"Hay nakung bata ka, magpalit ka na ng damit mo at basang-basa ang iyong likod at braso," dagdag pa niya.


Napatingin naman ako sa damit ni Drexel at saka ko lamang napansin ang pagkabasa ng kanyang damit. Bumabakat na rin ang katawan niya rito na naging dahilan na pagkita ko sa magandang hubog ng kanyang katawan. Ugh. That tone muscles on his back. Geez. Seriously, Flo? Ang lamig na nga, iyan pa ang napuna mo?


Though, never mind that. Kaya pala hindi gaano ako nabasa sa ulan ay dahil halos ibalandra na niya ang katawan niya sa labas ng payong para lamang hindi ako tamaan ng tubig.


A Way To Your World Where stories live. Discover now