Chapter 17

0 0 0
                                    

AWTYW - What Ifs



'Di ko matanggal ang ngiti sa aking labi kahit na nag di-discuss ang aming professor. But suddenly, thoughts came into my head. Talaga bang gusto rin niya ako o dahil naawa lang siya sa akin kanina? What about Olivia? What about Rantz? Anong mangyayari kapag nalaman niyang nakipaghalikan ako kay Drexel? Will he get mad or disappointed? Si Ash.. what would he feel? Pero hindi ko pa rin maintindihan si Drexel sa kanyang sinabing hindi dapat ganito, pero gusto niya raw ako. And most importantly my parents.. but I'm sure it's okay with them, right?


Pinilig ko na lamang ang aking ulo dahil sa mga naiisip. You should just enjoy the moment, Flo. I'll just have to deal with it one at a time.


Natapos na rin ang last subject ko nang bigla akong makatanggap ng mensahe.


Drexel:

Tapos na huling klase mo?


Bumilis naman bigla ang tibok ng puso ko. Kinuha niya kasi ang number ko kanina after no'ng... ano... 'yong scene kanina. It's funny, though. Sa tagal niya akong nakikita at nakakasama, ngayon lang daw siya talaga nagkaroon ng lakas ng loob na kunin ang number ko. Ganoon din daw siya noong gusto niya akong i-add sa Facebook, pero sa kasamaang palad ay ako ang unang nag-add sa kanya—accidentally.


Me:

Yeah, katatapos lang. Why?


I can't believe after what happened, here we are now, exchanging text messages. Pinatong ko muna sa taas ng desk ko ang aking phone dahil nililigpit ko pa ang iba kong gamit. Saktong natapos na ako, nang makatanggap na naman ako ng mensahe.


Drexel:

Nasa labas ako ng room mo.


Awtomatiko naman nanlaki ang mga mata ko at lalong lumakas ang pagtambol ng puso ko. What the hell? Kaya niya pang makipagkita sa akin after no'ng kiss kanina? Hindi ba siya nahihiya or anything? Dahil ako, hindi ko talaga alam kung paano ko siya haharapin. Would it be like the usual? 'Yong pagsusungit ko sa kanya or I'll just pretend that the kiss didn't happened?


Agad naman akong lumabas ng room para tignan kung nandoon nga siya. Yeah, I'm a bit excited to see him. Just a bit. Pero kumunot ang noo ko dahil wala naman akong Drexel na nakikita. Ano 'to? Niloloko niya ba ako?


I hissed. "Ang lakas ng loob nitong lokohin ako, nawala tuloy 'yong excitement ko," naiinis kong sinabi sa sarili ko.


Pero nagulat ako nang may biglang humawak ng kamay ko.


"W-What are you doing?" Naiilang kong sinabi.


"Binabalik ang excitement mo," natatawa niyang sinabi. Napamura naman ako sa isip ko dahil lumabas na naman ang dimple niya.


Namula naman ako dahil sa paghawak niya ng kamay ko. Babawiin ko sana ito pero mas lalo lamang niya itong hinigpitan. Mabuti na lang at wala ng gaanong tao ngayon dahil halos 'yong iba umuuwi na o kaya naman ay nasa kanya-kanyang room nila.


"Drexel.." mahina kong sinabi.


"Hmm?" Then, he turned to me.


Tinuro ko naman ang aking kamay pero nag pout lang siya at saka umiling.


"Matagal ko ng gustong gawin ito, Florence. Huwag mo ng ipagkait sa akin," he said looking all sad. Damn you, Drexel! Ang cute mong walang hiya ka.


Naramdaman ko na lamang na mas lalo akong namula. Matagal ko na rin naman gustong hawakan ang kamay mo, Drexel, but... not today. Other people might get hurt kahit na wala naman kaming relasyon ni Drexel. Wala man naging malinaw kung ano kami, but he likes me and I like him, too. So, that makes us what?


A Way To Your World Where stories live. Discover now