Epilogue

0 0 0
                                    

Drexel's POV



"How often do you say when you feel like your chest is hurting?" I asked her.


"Kapag nakikita kong mas may oras pa siya roon sa babae niya kaysa sa akin, lalo na kapag mas sweet pa siya sa kanya. Iyong feeling na naninikip na ang dibdib ko at halos 'di na ako makahinga, sobrang hirap at sakit sa pakiramdam, Dr. Allerro. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko," aniya at napayuko bago nagsimulang humikbi.


Napamaang naman ako sa kanyang sinabi at napahilamos sandali ng mukha. Kinuha ko naman ang box ng tissue at saka inabot sa kanya.


"Miss Jill, I'm a cardiologist not a love guru." Napabuntong hininga ako.


Napahinto naman siya at nag-angat ng tingin sa akin. "'Di ba parehong usapan sa puso  naman iyon? Dr. Allerro, baka may maitulong ka naman sa akin," desperada niyang sinabi.


"I treat my patients heart, Miss Jill, I do not deal with emotional problems. Iba ang treatment na ginagawa namin sa puso at sa... problema mo." Naiiling na lamang ako at parang gusto na siyang sukuan. "I'm not an expert when it comes to love, but trying asking someone close to you that can give you real advice. Iyon lang mapapayo ko," I said.


"Gano'n ba, Dr. Allerro? Pasensya na sa maling pag-akala ko. Salamat din sa munting payo," aniya at suminghot pa bago tumayo.


Narinig ko naman na may kumatok sa pinto ng opisina ko kaya sinabihan kong pumasok na ito dahil mukhang tapos na kami ng... pasiyente ko.


"You're welcome, Miss Jill. I just do hope that if you schedule an appointment here, it should be regarding about literal heart problems, not emotional ones, okay?" I said that slightly made her laugh.


Saktong pumasok naman si Dr. Silverio at napatingin sa pasiyente ko.


"Yes, Dr. Allerro. Kung wala ka rin gagawin mamaya, pwede kitang i-treat sa labas. Pwede mo nang tawaging date!" Nahihiya pang sinabi nito na ikinakamot ko sa batok ko.


Another one of my patients.


"I'm sorry, but I have to decline. I'm a busy person you see, Miss Jill. Try fixing your situation with your... guy, than treating me instead," I politely rejected her.


Napanguso ito at saka lumabas na ng opisina ko. Napahawak na lamang ako sa sentido ko at narinig ko ang munting pagtawa ni Dr. Silverio dahil sa nangyari. Kinuha ko naman ang telepono para matawagan ang sekretarya ko.


"The schedule of my patients appointment for tomorrow, kindly refer them to Dra. Corie. Nakausap ko naman na siya tungkol dito. I'll be leaving for Manila later at night, so I'll be back the day after tomorrow. Tawagan niyo na lang ako kapag may problema," I said which she obliged.


"Looks like another one of the patients excuses for seeing you, Dr. Allerro," natatawang sinabi ni Dr. Silverio at naupo sa sofa ko.


Napailing-iling na lamang ako at dumiretso sa lamesa ko.


"Tuloy ang pagbili mo ng condo unit sa Maynila?" He asked.


"Yeah, may napili naman na ako. At saka sasabay din naman sa akin sina Mama papuntang Maynila kaya may kasama ako sa pagdedesisyon," I said and sat down on my swivel chair.


Nakita ko naman ang sandaling pagkunot noo niya at mataman akong tinignan. "So, why are you coming back the day after tomorrow if that's the case? Based on what've you said, mukhang hindi ka naman matatagalan sa pagkuha ng condo unit... unless you have other agendas there."


A Way To Your World Where stories live. Discover now