4

714 57 20
                                    

“I’m coming!”

May bahid na galak ang boses ko habang sinasabi ito bago ko pinatay ang tawag. Who wouldn’t? Kung it’s Friday night out at pwede akong maglasing! Well, atleast meron sina kuya Vaughn para buhatin ako kapag naging wasted ako later.

Ibubuhos ko lang ang inis ko sa alak! Like come on! Nakakainis 'yong Ryder na iyon! He told me it’s okay to flirt with him pero tangina! Pagkatapos nang nangyari na ginamot n'ya ang pasang natamo ko, mawawala na s'ya na parang bula! Like how can I flirt with him kung wala naman s'ya? Psh.

Nakarating din naman ako sa Heaven Bar at agad na pumasok sa loob dahil kilala na nila ako dito, well ang alam ko pag-aari ito ng mga kaibigan ng De Villa, I don’t care though, basta may alak, G ako! at sinong hindi kami makikilala kung dala namin ang apelyidong De Villa at idagdag pa na lagi kami dito every Friday? Well, except sa mga pinsan kong lalaki, syempre pumupunta sila dito kung kelan nila gustong mamingwit! Sadly, every Friday kami ang date ng mga ungas!

Sumalubong sa'kin ang disco light at ang malakas na tugtog. Agad akong nagtungo sa pwesto namin dahil for sure andoon naman na ang mga pinsan ko, well technically, dahil tinawagan nila ako at ang sabi mabagal ako, so I assume nandito na sila.

“What the fuck! San Mig? Seriously, Aki?” pang-iinis ko habang umupo sa tabi nya at tinawanan na s'ya.

“Hoy prinsesang unggoy! Kararating mo palang nambubully ka na d'yan!” Sigaw ni Kuya Yazid dahil malakas nga ang tugtog. Napairap naman ako.

“Hanapin mo pake ko” sigaw ko rin at agad ng kinuha ang tequila at inisang lagok 'yon bago kinuha ang lemon.

“Wooah! Halatang namiss magwalwal ah!” Sigaw ni Kuya Vaughn at napangisi naman ako. Tsk. Kung alam lang nito kung bakit gusto ko maglasing ngayon. Ayokong matalo sa pustahan!

“Where’s kuya Kenzo?” tanong ko habang binababa na ang baso at nanguha ng pulutan.

“Ayon! Namingwit ng chix!” Sigaw n'ya pabalik at napataas naman ako ng kilay.

“What?! Hindi ba at cousin’s day ngayon?!” Tanong ko at halatang naiinis na. Nagkibit balikat naman sya at linagok ang alak na nasa harapan n'ya.

Arghh! That playboy man! Damn!

“Anyways, Aki,” seryosong sabi ko sa babaeng katabi ko na parang malalim ang iniisip at seryosong uminom sa San Mig n'ya. “Saan mo nakilala si Ryder?” tanong ko at nasamid naman s'ya at naubo. Napataas tuloy ang kilay ko.

“What do you mean?” tanong n'ya at linagok na ang iniinom. Parang kinakabahan na ewan…

“I don’t know that Ryder is existing not until that day you introduced him to me.” Seryosong sabi ko at napakamot naman sya sa batok.

“Wow! I don’t know if you’re too busy in your acads or too busy thinking how to play your boys heart Kaz, seriously? Ryder is pretty famous in school, aside from Buenavista s'ya ay naging sikat din sya sa cold and rough personality niya. Dagdag mo na rin ang looks at ang pagiging bully or should I say he is manipulative man” simpleng sabi niya at napanganga naman ako saglit. So he’s famous ah!

May fangirl. Tsk.

“Tell me more about him” seryosong sabi ko at kumuha na rin ng San Mig at hinarap s'ya. Well, walang makakarinig sa amin dahil seryoso rin ang mga pinsan ko at may kanya-kanyang mundo.

“Don’t tell me you----“Shut up. You know I don’t fall in love.” irap ko. “I just want to know him so that I know how to make him fall” ngisi ko at napaiwas naman s'ya ng tingin.

“You don’t fall in love because they told you, you shouldn’t.” seryosong sabi nya at natigilan naman ako do'n. Well hindi ako papalag dahil alam ko na totoo iyon.

Chasing A Trap (De Villa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon