12

557 38 3
                                    

“Okay na ako.”

Mahinang sambit ko at hindi makatingin sa mata niya habang nandito siya sa harapan ko, ang isang tuhod ay nakayuko at matamang tinititigan ako. 

Andito kami ngayon sa mini house niya, sa likod ng building nila. Kasama ko si Hazel pero inutusan siya ni Ryder na kumuha ng ice kaya andoon siya sa kusina.

Nakakainis, ako dapat ang sinunod ng isang 'yon pero parang si Ryder pa ang master nya kesa sa akin!

“Bakit ka ba kasi nandoon sa building namin?” inis na tanong niya at napairap naman ako.

“Eh bakit ka nakikipagrambulan?” balik na tanong ko at siya naman ang nag-iwas tingin. “See? Alam mo kunti na lang talaga maiisip ko ng gangster ka! Akalain mo 'yon?! Lagi kang nakikipagbasag ulo, sa loob man 'yan ng paaralan o sa labas! Pasalamat pa ata ako na sa loob ka ng paaralan ngayon, e'. Baka kapag sa labas, ako pa ang nasaksak mo!” inis na sigaw ko at nakita ko naman na kinagat niya ang labi niya at pinipigilan ang kanyang ngiti. “Anong nakakatawa?! Letse! Umalis ka na nga! Kaya ko ang sarili ko!”

“Okay ka na nga, ang daldal mo na.”

Agad ko siyang binigyan ng masamang tingin dahil sa sinabi niya pero ang gago nginisian lang ako.

Dinala niya kami ni Hazel dito sa mini house niya dahil ayoko sa clinic! Malalaman pa nina Kuya Yazid! Ayokong mag-alala pa sila lalo na at malapit na ang finals, graduating pa naman si Kuya Grei.

“May klase ka ngayon, 'di ba? Umalis ka na, late ka na ng 10 minutes,” pagtataray ko sa kanya pero tinignan niya lang ako habang nakataas ang kilay. Damn this guy!

“Alam mo ang schedule ko?”

“Duh hin---“Opo! Binigay ko kay Kazea 'yong schedule mo pati narin cellphone number mo kasi pinapakuha niya sa akin.”

Napatampal na lang ako sa noo ko nang sumingit sa usapan si Hazel at binuko pa ako! Tangina!

“Really, huh?”

Nakangising sabi niya kaya inirapan ko na lang at hindi pinakita na nahihiya na ako.

“Yes I did that! Duh! Dapat alam ko kung ano ang schedule mo para alam ko kung kailan ako susulpot at lalandiin ka! Pero heto?!” tinuro ko ang balakang ko na masakit parin bago tinignan siya “Wala sa plano ko na madaganan ng upuan, letse! Landi ang gusto ko hindi pasa!” sigaw ko at napatawa naman si Hazel habang si Ryder ay nag-iwas ng tingin at tumayo na.

“I…I realize I have a class to attend so, I need to go.” sabi niya at kinuha na ang bag niya at sinakbit sa kanang balikat.

“Make sure na gagamutin mo 'yang amo mo bago kayo umalis dito.” bilin pa niya kay Hazel at tumango lang naman ito.

Pinanood ko sya sa paglalakad hanggang sa pipihitin na niya ang seradura kaso natigil at may pahabol pa pala sa akin.

“If you want to flirt with me, just go here, De Villa. Don’t you ever enter that damn building again.”

Para akong nawalan ng hangin pagkasabi nya iyon at hindi ko narin napansin na wala na siya rito pero ako ay nakatingin parin sa harap ng pintuan. Nabalik lang ako sa huwisyo nang nasa harapan ko na si Hazel at winawagayway sa harapan ko ang kamay niya kaya tinaasan ko na siya ng kilay.

“Uso pumikit Madam, wala na sya, oh!” nakangising sabi niya kaya inirapan ko na lang habang siya naman ay tumatawa na. “Grabe! Makwento nga ito kay Mir!” tawa pa niya kaya binatukan ko na at binigyan ng masamang tingin, “Sabi ko nga po gagamutin ko na 'yang balakang mo.”

Pagkatapos naman niya akong gamutin ay umalis na kami do'n sa mini house ni Ryder at nagtungo sa klase namin.

Natapos ang araw na iyon na iniinda ko parin ang sakit sa balakang ko at napansin pa iyon ni Mir at tinawanan pa ako dahil signs of aging na daw! Ang gago, ang sarap pakainin ng ledger!

Chasing A Trap (De Villa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon