36

735 20 0
                                    

“Tapos na ba kayo? Pwede maki-group hug?”

Napakalas ako sa yakap namin ni Aki dahil sa biglaang pagtapik ni Mir sa braso ko.

Agad ko siyang sinamaan ng tingin at napakamot naman siya sa ulo.

“Babe, late na, baka pwedeng sa condo mo na lang ako matutu---“Hindi pwede,” putol agad ni Aki at napangiti ako ng tipid.

She’s back, Ang ate kong sobrang strikto.

“Yes way!” sigaw naman ni Mir at sinamaan agad siya ng tingin ni Aki.

“Look lalake ka at bakit mo tinatawag na babe si Kaz, aber?” mataray niyang sabi at napalunok naman si Mir.

“May lalaki naman siyang kasama sa Condo Aki, tsaka andoon si Nanay Flora, pwede siya doon," pagpapaliwanag ko pa at wala na man siyang nagawa kundi ang magbuntong hininga at tumango.

“Pero bakit ka nya tinatawag na babe? Eto ba yong sinasabi ni Ice na---“Gwapo niyang jowa? Ekis pre! Gwapong kaibigan lang,” putol ni Mir at kinindatan pa si Aki pero noong nagtama ang mga mata namin ay napalunok naman sya. “Loyal parin ako,” sabi nya at napairap na lamang ako.

“Pumasok ka na lang, hindi ko iyon linock," sabi ko at tumango naman siya bago naglakad na palayo pero natigil din.

“Kahit sana okay na kayo, huwag mong kakalimutan na kaibigan mo parin kami at kapatid mo si Hazel,” pagtatampo pa niya at napairap na humarap ako sa kanya.

“Hindi ko nakakalimutan na kapatid ko si Hazel, pero ikaw! Simula bukas hindi na kita kilala,” pang-iinis ko sa kanya at sinapo nya naman ang kanyang dibdib at para na talagang paiyak.

“Mir…”

“Masaya ako na unti-unti ng nagiging okay ang lahat sa 'yo Kazea, masaya ako at malapit na kitang makitang masaya.” Ngiti niya at hindi ko na kinayanan at tinakbo ko ang pagitan naming dalawa at yinakap siya.

All these time, si Mir ang naging sandalan ko. Noong College, siya ang taga gawa ng requirements ko kasi tutunganga na naman ako sa gilid, iniisip ang ginawa ng pamilya ko. Siya ang nagpapa-alala sa akin na kakain na ako, na may quiz kami, siya ang naging kuya ko, kaya nagpapasalamat ako sa kanya.

“I don’t know if I already told you this, but thank you for existing, thank you for being my brother and my shoulder to cry on. Thank you Mir, thank you for staying and being loyal to our friendship,” sabi ko at nagsimula ng humikbi.

He was a player, sinampal pa nga ako minsan ng babae nya eh, he was, because the moment that he saw me tearing apart, he stopped. He focused on cheering me up and he focused on taking care of me and Hazel. He became one of my source to stand up. I never treat him as a friend, because I treat him as my brother and I do everything to save him too, that’s why I accept being trap again because I want to save him and his bank. 

“I wish you happiness and I wish you let your heart beats again without any hesitation,” sabi nya at sinuklian ang yakap ko. Mas lalo akong napaiyak sa sinabi nya at mas hinigpitan ko ang yakap namin.

Dahil sa matangkad siya, sa dibdib nya ako mas dumiin at basa na ata ang damit nya.

Nakayuko sya sa akin at sinandal ang baba sa balikat ko at marahang hinaplos ang buhok ko.

I know noon pa lamang, alam ko na gusto lang nya akong maging maligaya, sila ni Hazel at alam ko na kaya nilang ibuwis ang buhay nila just to save me, napatunayan ko iyon noong naholdap kami at nabaril si Hazel at sya ay nahampas ng baril.

“Please take care of Hazel too. I wish happiness to the both of you,” mahinang sabi ko at natatawa naman siyang kumalas sa yakap namin.

“Natural! Mag-iipon na lang ako, papakasalan ko na iyang kapatid mo.”

Chasing A Trap (De Villa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon