17

568 25 3
                                    

“Cutting tayo,”

Halos lumaki ang mata ni Hazel sa narinig nang bigla-bigla ay sinabi 'yan ni Mir. Maski ako ay napataas din ng kilay sa sinabi niya. 

Ano bang nakain nito at gusto pang mag-cutting, eh naghahabol na nga ako ng oras dahil next week ay finals na namin?! Tapos hindi ko pa tapos ang dalawang major subject ko! 

“Mag-cutting ka mag-isa mo!” inis na sabi ko sa kanya at siniko siya dahil naka-akbay na naman siya sa 'kin. Andito kami sa parking lot papunta sa bahay nina Hazel para do'n kumain ng tanghalian tapos balik din sa Academy para maghabol ulit ng requirements.

“Pass ako d'yan Mir, alam niyo naman na scholar lang ako,” sabi naman ni Hazel at inayos ang kanyang mga libro.

“Duh! As if naman matatanggal ka kung kasama mo naman ako, daddy ko kaya ang sponsor mo!” mataray na sabi ko at natawa naman si Mir. “but as if I’m going to cut, naghahabol ako ng oras sa pagpasa, magcu-cutting pa ako? No way!”

“YES WAY!” energetic naman na sabi ni Mir at binigyan  ko siya ng masamang tingin

“Yes way babe, kaya nga tayo magcuc-cutting para makopya mo na 'yong sa accounting.” taas baba ang kilay na sabi ni Mir at lumaki naman ang mata ko. Seryoso siya?

“Really?!” hindi mapagkakailang nasiyahan ako sa sinabi niya pero bigla ay siniko ko rin siya. “Siguraduhin mo na balance 'yan at tama ang account titles!” sigaw ko at natawa naman siya.

“Ako pa! Lahat ng Assets nasa Credit at lahat ng Liabilities nasa Debit, Babe!” Pagmamayabang niya kaya dahil naka-akbay parin siya sa 'kin at nakayuko pa ng kunti dahil mas matangkad sya sa akin, mas expose ang batok niya kaya binatukan ko na!

“Letse! Sa 'yo na 'yan! Naghahabol ako pero ayoko parin ma-zero!” sigaw ko at natawa na naman siya. This time, si Hazel naman ang inakbayan niya at namula pa ng kaunti si Hazel, hindi inaasahan na aakbayan siya ni Mir.

“Ahh babe, 'yong withdrawals din nasa Credit." nakangising sabi niya.

“Fuck you!” sigaw ko at pumasok na sa kotse ko.

Rinig ko pa ang tawa niya bago pumasok sa kotse at tumabi sa akin.

Ginalaw pa niya ang rearview mirror sa harapan at nagsalamin.

“Kaya naman pala ang daming nagmamahal sa akin, bukod sa gwapo, hot at mabait, matalino pa, 'di ba babe?”

Napa-irap na lamang ako sa kayabangan niya bago pinaharorot ang sasakyan nang nakasakay na din si Hazel.

“Ewan ko sa 'yo, hindi ka naman gwapo, hindi ka rin hot dahil wala kang abs at mas lalong hindi ka matalino!” sabi ko habang nakatutok ang paningin sa daan.

“Babe naman! Crush nga ako ni Hanzel eh! 'di ba Hanzel?” 

Sa sinabing iyon ni Mir ay lumaki ang mata ni Hazel at namula pa ang pisngi.

“H-Huh?” nauutal na sabi niya at napangisi naman ako.

“See? Hindi nga makapaniwala si Hazel sa kayabangan mo,” sabi ko at bumulong bulong naman si Mir.

“May abs ako, babe! Gusto mo pakita ko pa sa inyo?” pamimilit ulit ni Mir pero nginisian ko na lang. Meron naman talaga siyang abs, nakita ko na iyon noong minsan pumunta kami sa gym, hindi ko pa nakilala noon si Hazel.

“Huwag na kay Hazel na lang,” sabi ko at natawa naman si Mir.

Somehow, nakaka-relax na kasama ko sila. Hindi ko naiisip ang problema ko sa bahay at sa pamilya. I really want to ask Aki lalo na at nakasabay ko pa ang kotse niya palabas ng Village pero hindi na rin. Kung ayaw niya akong makielam, edi hindi. Hihintayin ko na lang siyang kusang lumapit sa akin.

Chasing A Trap (De Villa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon