13

542 41 4
                                    

"Naranasan mo na bang magmahal?"

Dahil sa biglaang tanong ko ay nabitawan tuloy ni Hazel ang kanyang hawak-hawak na libro. Nandito kasi kami ngayon sa hallway at may balak na tumambay sana sa student's park dahil hindi kami pinagbuksan ni Ryder sa mini house niya!

Nakapasok na kami kanina pero umalis din kami dahil sabi niya ay may bisita siya at hindi kami makakapag-review ng maayos. Nakakainis talaga ang lalaking iyon!

Pinulot naman agad ni Hazel ang kanyang nahulog na libro at gulat na tinignan ako. Lumaki pa ang mga mata niyang kasing hawig ng akin at pagkatapos ay lumunok.

"Hala ka! Nai-inlove ka na kay Ryder?" pabulong na sabi niya kaya inirapan ko sya. Kingina, wala pa akong sinasabing tao eh!

"No! I mea---"Aysus! Talo ka na sa pustahan niyo noong Aki?" Hindi makapaniwalang sabi niya at napa-iwas naman ako ng tingin.

"I still don't know if this is love, Hazel." wala sa sariling sabi ko at napatili na lamang nang bigla na lamang niyang kinuha ang palapulsuhan ko at kinaladkad.

"Hindi ko alam kung kelan mo masasabing mahal mo na ang isang tao, Kazea, dahil pati ako ay hindi ko rin alam dahil hindi pa ako nagmamahal. Itatanong nalang natin iyan kay nanay." tuloy-tuloy na sabi niya habang ako naman ay lumaki na ang mata.

Am I meeting the mother of my alalay? Damn!

Anong sasabihin ko roon? Na ako ang amo ng anak niya dahil tinakot ko siyang matatanggal ang scholar nito dahil sa simpleng banggaan namin sa hallway?!

No way!

Gusto ko sanang pumalag sa sinasabi niya pero may part sa akin na gusto rin makita ang Mommy niya. I want to see kung magkaparehas din kami ng mata.

Nang nasa parking lot na kami at nasa tapat na ng kotse ko ay tinitigan niya ako.

"Hindi ko alam kung ano ang ending ng nararamdaman mo, Kazea, pero masaya ako ngayon para sa iyo." Sabi niya habang tipid na ngumiti sa 'kin. Umiwas na lamang ako ng tingin at pumasok na sa kotse ko.

Nang nasa loob na kaming dalawa ay pinaandar ko na ang kotse at namuo ang katahimikan sa amin hanggang sa ako na ang bumasag.

"Mali 'to Hazel, mali 'tong nararamdaman ko para sa kanya."

Napatingin siya sa 'kin at kinunotan ako ng noo. Marahil hindi alam kung bakit ko sinabing mali itong nararamdaman ko.

"Hindi ako pwedeng magmahal, maling mali sa akin ang magmahal," hindi ko na nakayanan at uminit na ang gilid ng aking mga mata, senyales na paiyak na ako. Agad kong pinark sa gilid ang kotse ko at mapait na tinignan ang nasa labas habang siya naman ay nakatitig lang sa 'kin, hindi alam ang sasabihin. "Nabuhay ako sa mundong ito na hindi ko hawak ang buhay ko, wala akong kalayaan. Hindi ko 'to ginusto pero bakit sa 'kin pa? Bakit kailangan kong makulong sa sarili kong pamilya?"

"Kazea,"

"I am engaged, Hazel, nakatali ako sa taong hindi ko kilala, nakatali ako sa lalaking hindi ko mahal. Kaya natatakot ako, natatakot ako na sa oras na ito, natatakot ako na baka kaya kong suwayin ang utos ni Daddy, natatakot ako, Hazel."

Tinignan ko siya habang tumutulo ang luha ko at pinigilang humagolgol kaya kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"E-engaged ka? Bakit hindi mo sabihin na ayaw mo?"

Napailing agad ako sa suggestion niya at mapait na ngumiti.

"My dad will surely get mad at me at hindi mo alam kung pa'no sya magalit. Nasasakal na ako pero hindi ako pwedeng magreklamo." Nalalasahan ko na rin ang luha ko dahil sa hindi matigil-tigil na luha. Hindi ko na kaya, gusto ko na lang maglaho. Bakit ko hinayaan ang sarili na mahulog sa sarili kong patibong?

Chasing A Trap (De Villa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon