6

604 54 16
                                    

“Aki, nakakainis talaga s'ya! Pinahiya niya ako sa harap ng madaming tao”

Pagsusumbong ko kay Aki habang andito s'ya ngayon sa kwarto ko dahil pagkatapos nang nangyari kanina sa parking lot ay umuwi na ako at agad syang tinawagan. Agad naman s'yang pumunta dito dahil hapon pa lang naman at dito na lang s'ya magme-meryenda.

Nakaupo lang naman s'ya sa harapan ko at nakikinig sa'kin, kinwento ko lahat ng ginawa sa akin ng kumag na iyon! 

“Ayos ka lang ba? Masakit ba ang pwet mo?” nag-aalalang tanong niya pero umiling lang ako at pinipigilang umiyak nang maisip ko na naman ang pagtataboy sa akin ng Ryder na iyon! 

Pucha ang saket! Naapakan nya ego ko! Lahat nakukuha ko without rejection at s'ya palang ang kauna-unahang tao na kaya akong ipahiya sa maraming tao at sabihin pang layuan ko sya! Right! De Villa na nga lumalapit sa kumag na iyon eh!

Lahat ng tao rito, alam na nakukuha ko lahat ng gusto ko, tapos harap-harapan n'ya akong sabihan na hindi n'ya ako type at itulak pa talaga sa harap ng maraming tao?! Nakakatangina siya!

“Mas masakit 'to” turo ko sa'king puso at agad naman na namula ang pisngi n'ya at hindi na makatingin sa akin. “Pucha ang sakit, Aki! Kumikirot 'to no'ng sinabi nya sa akin na layuan ko sya! Ngayon ko lang naramdaman 'to! Ngayon lang ako na-reject” Inis na sabi ko at sinuntok ang kama, pero bumaon lang ang kamao ko dahil sa malambot ang kama ko.

“Kaze---“

“Ngayon lang ako napahiya, ngayon lang naapakan ang pride ko, ngayon lang ako naging kawawa sa harapan ng iba,Aki.” hindi ko na napigilan ang luha ko at agad na silang nagsi-unahan. Pilit ko naman pinunasan iyon at yumuko na lang. “Ngayon lang ako nasagot-sagot ng ganoon Aki, alam mo 'yon. Sa unang pagkikita pa lang namin, pinakita na n'ya sa akin na wala s'yang paki-elam kung De Villa ako, tapos ngayon naman, heto s'ya't tinutulak ako palayo at pinahiya pa! Ano bang trip n'ya?”

“Ganyan kasi talaga s'ya, Kazea eh, kaya alam ko na mahihirapan ka sa lalaking 'yan” seryosong sabi n'ya at napailing naman ako.

“Wala syang karapatan na pahiyain ako, Aki! De Villa ako! Buenavista lang s'ya!” sabi ko at mas lalong umiyak nang maisip ko ulit kung paano ako tinawanan ng mga tao, telling that I am confident enough at hindi alam na si Ryder na ang kausap ko!

“Kaz, 'yon na nga eh! Buenavista s'ya. Kapantay natin sya sa lipunan, kaya kayang-kaya ka n'yang banggain.” sabi n'ya at napatawa naman ako ng mapakla. So, hindi ko nga talaga alam ang pinasok ko. All I thought is De Villa lang ang kinakatakutan, pati pala ang apelyido ng gagu!

“Pero kingina parin nya Aki, ang sakit.” wala sa sariling sabi ko, bumalik sa aking ala-ala kung gaano n'ya ako ka-gustong layuan s'ya. Pucha! Mas tumulo 'yong luha ko, ang lakas ng loob na i-reject ako ng Buenavista na iyon! 

Okay naman siya do'n sa mini house niya sa likod ng building nila ah! S'ya pa nga 'tong gumamot sa pisngi ko na nasampal! Tapos nakipagdeal pa s'ya sa'kin! pero tama nga naman s'ya, pumayag s'ya na kapag mapapalambot ko ang puso niya ay nanalo ako, pero hindi nya nga naman sinabi na magiging mabait s'ya sa'kin, so kung ganoon, pinapahirapan n'ya ako dahil ayaw n'yang matalo in the end.

“Suko ka na? Talo ka na sa pustahan?”

Tanong ni Aki, agad naman akong umiling. Sinabi ko sa kanya na hindi ako titigil sa kakahabol sa kanya.

Sisiguraduhin ko na sa paghahabol ko sa kanya, mahuhuli ko rin s'ya. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko napapalambot ang puso ng gago!

“Sa tingin mo susuko ako? Hindi Aki, ipapamukha ko sa kinginang lalaki na 'yan na pagkatapos ng paghahabol ko, s'ya naman ang hahabol sa'kin. Anong akala nya sa akin? I will never give up, unless…..”

Chasing A Trap (De Villa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon