39

814 17 7
                                    

"It's just three days, love."

Pagpapagaan ko sa loob ni Ryder na nakayakap sa likod ko habang nag-e-empake ako ng damit dahil pupunta ako sa Ilocos Sur mamayang gabi dahil sa nandoon si Mr. Si, ang liniligawan ng kompanya ngayon para mag-invest.

Dapat sa susunod na araw pa iyon pero gusto ko rin maglibot sa Ilocos kaya magbabakasyon na din ako.

It's been three-no, almost four years already that I am handling our businesses at ni minsan ay hindi ko nagawang magbakasyon dahil sa subsob ako sa trabaho.

And in that years, okay kami ni Ryder, okay na kaming lahat. I am busy handling our business pero tumulong na rin si Mommy, hinandle na nya 'yong restaurant nya at ang condominium naman na pinatayo ni Dad ay malapit ng matapos, thanks to my handsome engineer.

Nakakapagsalita na ng maayos si Dad but it's just that iyong lakad niya ay medyo hindi pa, he can walk pero kailangan pa niya ng tungkod dahil sa hindi pa gaanong straight ang kanyang lakad.

I also found out that he is just doing all of those things dahil binantaan si Dad na gagalawin kami ng mga Guerero kung hindi matutupad ang napag-usapan. Pinaperma si Daddy at ganoon din ang mommy ni Ryder.

He is just protecting me and nagawa na niyang kontrolin ang mga kapatid niya dahil sa takot na mawala kami sa kanya. He also hide Hazel dahil natatakot siya na baka pati ito ay madawit sa pamilya namin.

He is just protecting us and I felt bad for hating him and slapping him before.

"That investor, bakit kasi sa Ilocos pa?" mas humigpit ang yakap nya sa likod ko at natawa na lamang ako.

It's already 5:30 in the afternoon at 7:30 ang flight ko papuntang Ilocos. Mas mabilis kapag sa himpapawid at mas madami akong magiging tulog kapag ganoon, mas hassle pa kapag nagkotse ako papunta doon, I will deal with the traffic.

Binitawan ko ang hawak kong pantalon at hinarap sya. Nakayakap parin siya sa akin at ako naman ay pinulupot ko ang kamay ko sa batok nya at ngumiti.

"Ayaw mo no'n? May bakasyon ako?" napalabi pa ako at napaiwas naman sya ng tingin.

"Oh please, don't pout love," sabi nya habang nakatingin na sa kurtina ng kwarto ko, andito pala ako ngayon sa kwarto ko dito sa mansion namin, nandito ako sa De Villa Village. Nasa sala panigurado sina Daddy at Mommy, inaalalayan na naman si Dad para maexercise nya ang paa.

"Why? Do you want to kiss me?" nakangising sabi ko at agad naman na napatingin sa akin si Ryder. Natawa na lamang ako at pinalo ang balikat nya.

"Gosh! You already kissed me three times in the span of 30 minutes that we are here in my room!" natatawang sabi ko at ngumisi naman sya bago hinapit ang bewang ko at pinalapit sa kanya lalo.

"You should be lucky, kiss lang ginawa ko sa iyo. I can lock the door and---"Oh shut up! Umalis ka na nga!" sabi ko at sya naman ang natawa ngayon pero tumigil din nang masama ko syang tinignan.

"Here comes the dagger look again," sabi nya at natatawang hinihipan ang mata ko kaya napapikit ako pero nagulat din nang naramdaman na lumapit na naman ang malambot nyang labi sa labi ko, tutugunan ko na sana iyon nang kinagat nya ang pang-ibabang labi ko bago lumayo at ngumisi sa akin. "Silly, you want to deepen the kiss, huh?" pang-aasar niya kaya agad ko na syang tinulak palayo at tumalikod para itago ang namumula kong pisngi.

Gosh! Parang uhaw ka lagi sa labi nya Vionice!

Pinulot ko ulit ang pantalon na tinupi ko kanina at pinasok sa maleta ko.

"I will miss you love, huwag ka na lang kaya pumunta?" suggest pa nya bago umupo sa gilid ng kama ko at agad ko naman syang sinamaan ng tingin.

"Sige, ikaw ang mag-iinvest ng ilang milyon," sabi ko at ngumisi naman sya.

Chasing A Trap (De Villa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon