35

744 20 0
                                    

"Talk, I want to hear your side."

Madiin na sabi ko habang nakatingin sa kanya at hinawakan ang pisngi kong sinampal nya at hinimas iyon ng kunti.

Si Mir naman ay unti-unti nang tinanggal ang pagkakahawak sa palapulsuhan ni Aki at bumuntong hininga.

"Kazea, I think I should give the both of you a privacy. Sa loob lang ako ng kotse." Sabi niya at tumango naman ako, nanatili ang tingin kay Akira na nakatingin sa akin at mukhang hindi makapaniwalang pakikinggan ko na siya ngayon, after 6 years, ngayon ko lang siya sinabing mag-explain.

"Why did you fool me? Why did you put me in trap? Why Aki?" sunod sunod na tanong ko nang wala na sa tabi namin si Mir at napalunok naman siya.

Pinigilan ko ang sarili na umiyak at dahil na rin siguro sa alak na nasa sistema ko, mas naging matapang ako at hindi basta bastang magbre-breakdown.

"I'm sorry," mahinang sabi nya at napaiwas naman ako ng tingin.

"I want explanation, not your apology," sabi ko at napayuko naman sya.

"Ryder and I, we're no longer together." Natigilan ako sa sinabi nya at napatingin sa kanya. "We've never been together, Kazea. Hindi naging kami." Tuloy niya at inangat ang tingin at nagtama ang mga mata namin.

Naguguluhan ako, hindi naging sila? Putangina! Rinig na rinig ko iyong sinabi nila Calla, 'yong pagmamaka-awa niya kay Daddy at ang pagsampal pa nga ng sarili nyang kapatid! What the fuck!

I push my tongue inside my right cheek at napatawa ng kunti.

"I want the fuckin' truth, Akira! Bakit nagsisinungaling ka pa---"I'M NOT! I'm not lying, Kazea." Sigaw niya para putulin ang sasabihin ko at unti-unti ring kumalma ang boses.

"Rinig ko ang lahat Aki! Nagmaka-awa ka pa nga kay Daddy, 'di ba? Mahal mo si Ryder! Naging kayo!" inis na sigaw ko at napakagat naman siya sa labi.

"Yes, I loved him, minahal ko siya Kazea, but... but believe me Kaz, our relationship was fake."

Doon ako mas natigilan. Fake? As in Fake relationship?

"It was elementary days when Tito Blue approached me, sinabi niyang kaibiganin ko ang isang batang lalaki, which is si Ice. I don't know why but I did it because he promised me to protect me from Dad. Alam mo naman na si Calla ang paborito niya, 'di ba? I am longing for Dad's love and I found it to Tito." Sabi nya at napaiwas pa ng tingin, wari'y andoon sa gilid namin ang nakaraan.

Kita ko ang pagkislap ng mata nya dahil sa luhang nagbabadya. Kita ko dahil sa liwanag na galing sa ilaw ng kotse nya.

"That's why I treated you as my sister, because I felt like tito is my Dad, Kazea." Sabi nya at tumulo na ang luha nya. Pinunasan nya iyon bago tumawa ng kunti.

"Ice and I became friend, sobrang close," tumingin pa sya sa akin at napalunok naman ako. "Then I am graduating in Senior High when I knew everything. Ang Aiden na pinakilalang fiancé mo ay ang bestfriend ko. I asked tito if what I knew was true and Tito told me yes, na ako, ako ang magiging tulay para magkakilala kayo, dahil ikaw pala ang kabayaran, Kazea. I knew I love him, pero noong nalaman ko na fiancé mo sya, pinigilan ko Kaz." Sabi nya at pinigilang humikbi.

Ako naman ay lumunok at pinigilang umiyak.

"Aki,"

"Then first year college, second year na sya noon, noong nalaman niya ang mission ko, na ako magpapalapit sa inyong dalawa, na pinsan kita. Ang sakit kasi pinagtabuyan na ako ng taong mahal ko, that I am putting him in that trap too. Ayaw niyang matali sa iyo, kagaya ng ayaw mong makita sya," sabi nya at pinunasan muli ang luhang tumulo sa kanyang pisngi.

Chasing A Trap (De Villa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon