25

647 17 0
                                    

"Ma'am, heto po pala ang mga naging transaction ng bangko this past month,"

Bungad sa akin ng kasamahan ko sa Finance Team pagkapasok ko pa lamang sa opisina. Tumango naman ako at tinuro ang lamesa ko para doon na niya ilagay. Agad naman siyang tumalima.

I am the finance Manager dito sa bangko at ang dami kong ginagawa, lalo na last week.

"Isha," tawag ko sa kasamahan ko at natigil naman siya sa pagtipa sa computer na nasa harapan at tinignan ako.

"Yes po?" sabi nya at inayos pa ang kanyang salamin.

"Ready na ba ang report na pinapagawa ko sa 'yo?" tanong ko at umiling naman siya kaya napakunot ang noo ko but I just sigh and calm myself. "Give it to me before 3 o'clock, I need to review that before I present it to the board of directors."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya dahil maiinis lang ulit ako. Gosh! Ibinigay ko sa kanya ang task na iyon noong nakaraang linggo pa.

Agad akong umupo sa swivel chair ko at hinilot ang sentido dahil sa dami ng ginagawa ko.

Isang linggo na rin na hindi ko nakita si Daddy at Ryder and I think that is my best week ever! Kahit sabihin nating busy ako sa bangko.

Agad kong kinuha ang folder na kabibigay sa akin at iniscan ko iyon bago ireview na ng todo.

Walang umimik sa amin at busy sa kanya-kanyang trabaho hanggang sa lunch na at nagsimula ng mag-aya ang mga ka-team ko.

"Ma'am De Villa, lunch na po! Baka gusto niyong sumama sa 'min?"

Aya pa nila sa akin but I just shook my head and smiled to them.

"Thanks for the offer pero may pupuntahan ako eh," tipid na sabi ko at tumango naman sila.

"Naku! Date Ma'am?" ngising aso pang sabi ng lalaking kasamahan ko at nagsimula na silang tuksuhin ako.

Naiiling na lang ako hanggang sa bumukas ang pintuan ng opisina at bungad noon ay si Mir na nakatuxedo pa. Agad naman na ngumisi ang mga kasamahan ko at napairap na ako.

Gosh! Hindi ko papatulan 'yang lalaking 'yan, 'no.

"Good afternoon, sir!" masiglang bati nila at tinanguan lang naman sila ni Mir. Napairap tuloy ako dahil kunwari strikto ang isang 'to pero isip bata naman talaga!

"May date kayo, sir?"

Hindi ko alam kung matatawa ako nang muntikan pang matisod si Mir sa biglaang tanong ni Isha, pero agad din na nakatayo ng tuwid at inayos pa ang neck tie nya at nagseryoso ulit.

Tinignan nya si Isha at tinaasan ng kilay, agad naman na napalunok si Isha at nag-iwas tingin. Ang mga iba naman ay palihim na kinukurot ang isa't-isa at nagsesenyasan kung paano makaalis sa senaryo.

Ayan kasi! Ang dadaldal niyo!

"Kaninong ponsyo pilato mo naman nabalitaan 'yan?" seryosong sabi niya at ang kasamahan namin ni Isha ay sabay-sabay na tumingin sa akin at parang nagmamaka-awa na sagipin ko sila pero iba ang pagkaka-interpret ni Mir doon!

"Pucha! Ikaw nagsabi, babe?" hindi makapaniwalang sabi niya at agad na lumaki ang mata nilang lahat at alam ko na issue na ito! Putspang bibig iyan Mir!

"Ihhh! Kilig ako!"

"Sir! Ma'am! Una na po kami! Enjoy sa date!"

May kilig sa mga mukha nila nang umalis sila sa opisina at naiinis na ako dahil alam ko na tutuksuhin na nila ako magmula sa araw na ito. I mean, lagi naman nilang sinasabi na may something sa amin ni Mir but now that they heard Mir calling me babe worsen the situation!

Chasing A Trap (De Villa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon