15

581 32 2
                                    

“Kazea! Hoy naman! Sayang 'tong cellphone mo!”

Sigaw sa akin ni Mir habang pinupulot ang cellphone ko sa sahig.

Nakatingin lang ako sa kawalan at unti-unti nang tumulo ang luha ko. Tangina! This isn’t real, right?

Ando'n lang siya kanina sa bahay, nagsisigawan lang sila, nasa bahay lang si Mommy. Hindi siya naaksidente, 'di ba? 

Gulong-gulo na ako tapos heto pa ang bungad sa 'kin?

“Ay gagu! Bakit ka umiiyak? Nasasayangan ka sa cellphone mo, 'no?! oh heto! Hindi pa naman sira, may crack lang,” pagpapagaan pa ng loob sa 'kin ni Mir at binigay sa akin ang phone ko. 

I bite my lips so that I can stop it from trembling. Nahihilo na ako sa nangyayari. Hindi ko na alam ang uunahin.

“Mir…” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagtuloy-tuloy na ang luha ko. Kingina! Ayokong maging mahina sa harapan nila pero hindi ko na kaya, gusto ko na lamang magpakalayo para maiyak ito lahat at babalik na parang walang nangyari, sasabihing matapang parin ako.

“Pwede bang sabihin mo sa lahat ng Prof natin ngayon na hindi ako makakapasok dahil may emergency akong pupuntahan?” Paki-usap ko at tumango naman siya. Tinatanya ako. Alam ko, wala siyang masyadong alam sa nangyayari pero 'tsaka ko na lamang sasabihin sa kanila ni Hazel.

Agad kong pinunasan ang luha ko at nginitian sya ng tipid.

“Salamat.” 

Pagkasabi ko nito ay umalis na ako sa harapan niya at tumakbo papuntang parking lot. Nasa hallway pa lamang ako nang nakita ko si Hazel at hinarangan ang daan ko.

“Kaze-“Not now please.” Pagod na sabi ko at pinipigilan ang luha ko. Agad ko siyang linampasan at tinungo agad ang kotse ko.

Pagkapasok ko sa kotse ay agad ko itong pinaharorot at nagtungo sa De Villa Hospital. Ang hospital nila Madge.

Ilang minuto lamang ay nakarating na ako ro'n. Agad kong linock ang kotse at patakbong pumasok sa hospital.

Nakatingin pa silang lahat sa akin nang nakita ako pero wala akong pakielam sa kanila! Kung dati, kapag pumapasok ako dito, lahat namamangha dahil sa lakad at postura ko. Pero this time? Wala akong pakielam kung nakikita nila akong natataranta at paiyak na.

My Mommy is here for pete’s sake! Fighting for her life!

“Where’s my Mom?” natatarantang tanong ko sa nurse na nakita ko at agad naman siyang napalunok at mukhang hindi pa makapaniwalang kinakausap ko sya! Fvck! Wala akong pakielam kung namamangha silang kinakausap sila ng isang De Villa! I need to see my mom! 

“ARE YOU DEAF? I SAID WHERE IS MY MOM?! WHERE IS ASHLEY MARIE DE VILLA?!!” sigaw ko at napatalon naman siya sa gulat.

“N-nasa O-perating Room po, Ms. D-De Vi-Villa.” nauutal na sabi niya at agad naman akong tumakbo papunta sa sinabi niya.

Fvck! 

I want her to live, I want her to fight! Ayoko siyang mawala sa 'kin. I may not be the daughter who always show how much I love her but God knows I am. I love my Mom. 

I appreciate how she fight for my rights to Daddy, fighting for my freedom and pinagsisihan ko na hindi ko man lang nasabi sa kanya that I appreciate all of it. 

“Mom, please fight for me.” Bulong ko habang tumatakbo at nagiging blurred na rin ang paningin ko dahil sa luhang gusto ng kumawala. 

I wipe my tears and continue running.

Pagkapasok ko sa labas ng operating room, nakita ko si Daddy, naka-upo sa gilid, nakayuko at linalaro ang kanyang mga daliri. 

“Dad,” 

Chasing A Trap (De Villa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon