29

644 17 0
                                    

“Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote mo at nakipagdeal ka sa ama mo, Kazea!”

Napapikit na lamang ako dahil sinesermunan ako ni Mir habang nasa backseat si Hazel at natutulog. Kakasundo lang namin sa kanya sa airport galing sa byahe.

Ngayon lamang kami nagka-usap ni Mir dahil nga sinundo namin ang kapatid ko at alam ko na busy siya sa bangko dahil sa ginawa ng magaling kong ama. 

Isang linggo na rin magmula ng nakipagdeal ako kay Daddy at dalawang linggo na akong wala sa bangko!

Ilang araw na rin na tumatawag si Dad at sinasabi na may meeting bukas at kailangan kong pumunta sa kompanya niya. Tsk.

“I resigned because I want to save the bank and knowing that he did not stop, you think I will just watch it fall? No Mir,” mahinang sabi ko pero may diin dahil natatakot ako na baka magising si Hazel, makaistorbo pa ako.

“But... I can handle it Kazea”, madiin din na sabi nya habang nagmamaneho at mahigpit ang kapit sa manibela.

“Really? De Villa, De Villa ang kalaban mo Mir, tangina! He will use his connection and surname just to make me deal with him!” inis na sabi ko at napakapit sa seatbelt ko.

“He is just trapping yo---“Yeah right! Trap again. Sanay na ako,” malamig na sabi ko at bumuntong hininga bago tinignan siya.

“I may be working with Ryder but trust me, hindi ko na sya pagkakatiwalaan pang muli,” seryosong sabi ko at napangiwi naman siya.

“Tell me that kung may naging jowa ka na sa mga rinereto namin ni Hazel sa 'yo.” Sabi nya at napa-iwas naman ako ng tingin.

Madami nga naman silang rinereto sa akin, pero ni isa sa kanila ay wala pang nakapagpabilis ng puso ko. I even try to kiss few of them just to make my heart beats fast like how Ryder makes my heart beat in its not normal pace, but I failed. The kiss is empty, wala akong maramdaman na kahit ano at iniisip na lamang na sana si Ryder iyon. I still don’t know kung soft ba ang lips nya but I want to taste it with his piercing in his lips, kagaya noong college kami.

ASA! 

Hindi kailanman dadampi ang labi niya sa labi ko! That asshole!

“Ewan ko sa inyo! Tara inom!” yaya ko at lumaki naman ang mata nya.

“Gago ka ba? May meeting na kayo bukas!” sabi niya at napataas naman ang kilay ko.

“So? As if I care. Ginawa ko lang iyon para ma-save ang bangko. Papasok ako kung kelan ko gusto,” sabi ko at napangiwi naman siya. 

Totoo naman ah, napipilitan lang naman akong tanggapin iyon, pwede naman siguro nila iyong simulan ng wala ako, 'di ba? Tsk.

“Ewan ko sa iyo, pero kunti lang ah,” sabi niya at napangisi naman ako.

“If you say so,”

Ilang minuto lamang ay nasa tapat na kami ng Condo at lumabas na ako ng kotse.

Kinuha ko ang maleta ni Hazel at tinignan si Mir na nakatingin lang sa akin.

“Oh ano pa bang ginagawa mo d'yan? Huwag mo ng gisingin 'yan, mabibigo ka lang, buhatin mo.” Sabi ko at nagsimula ng maglakad papunta sa condo namin na may ngisi sa labi.

Hazel should thank me tomorrow.

Nang nasa loob na ako ng Condo ay binuksan ko na ito gamit ang spare key ko at tumingin sa likod ko habang buhat ni Mir si Hazel. Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan sila. What a great scene.

“Hoy! You invade our privacy!” sabi sa akin ni Mir at nginisian ko lang siya bago pumasok sa loob.

“Don’t worry, Airdrop ko sa iyo gusto mo?” ngisi ko at hinarap pa sya bago naglakad ulit papunta sa kwarto ni Hazel at binitawan na ang maleta niya sa tabi ng kama niya.

Chasing A Trap (De Villa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon