10

655 41 13
                                    

“Give me the number at exactly 8 o’clock in the morning.”

Napatango naman si Hazel habang ngumunguya, habang si Mir naman ay tinatawanan siya. Hindi kasi siya marunong mag-chopstick kaya ang gagu, feeling niya mas matalino na at may karapatan ng tawanan ang isang 'to.

Nandito kasi kami ngayon sa Korean Restaurant at hindi ko naman na tinanong ang isang ito kung alam niya mag-chopstick, sasabihin ko sanang magtinidor na siya pero dahil binu-bully siya ni Mir kaya ang isang 'to ay pinapakita kay Mir na kaya niyang mag-chopstick kahit hindi naman niya alam talaga.

“Hindi kasi ganyan, jusko mapapanot ako sa 'yo ng wala sa oras, eh!” natatawang sabi ni Mir kaya napairap na lamang ako.

“Bilisan niyo d'yan, bibili pa ako ng worksheet ko," simpleng sabi ko habang umiinom na ng tubig at napatingin naman silang dalawa sa akin.

“Huh? di ko pa tapos kumain,”

“pero…”

“Duh! Of course hindi kayo matatapos dahil ang isa d'yan busy katatawa sa babaeng pinapakitang kunware alam mag-chopstick! Jusko Hazel! Te-take out’n na lang kita sa fast food. Tara na!” 

Agad naman silang tumayo nang tumayo na ako at tinanguan ko lang 'yong waiter, kilala naman nila ako dito eh and I don’t need to pay, alam ko naman na bayad na ito kaninang tinext ko na sa kanila na rito kami kakain.

Nang nakalabas kami sa Restaurant ay agad kaming pumasok sa kotse ko at si Mir ang driver namin.

“Grabe! Wala talaga tatabi sa 'kin sa inyong dalawa? Nagmumukha akong driver eh!” reklamo niya at inirapan ko lang siya habang si Hazel naman ay nginitian lang siya ng tipid at tumingin sa akin, alam ko na ibig sabihin no'n.

“No, hayaan mo siyang magmukhang driver because in the first place driver lang talaga 'yan” seryosong sabi ko at nagreklamo na agad ang kumag.

“Hoy! Aba! Baka isampal ko sa 'yo mga credit card ko Nayumi Kaze---“

“Shut up! Stop calling me with my whole name! nakakairita!” inis na sabi ko at agad nang tumingin sa labas at rinig ko parin ang mga reklamo niya pero natigil din nang tinignan ko na siya ng masama.

Nang nakarating kami sa mall ay agad ko ng hinatak si Hazel at iniwan si Mir doon at alam ko na magrereklamo na naman ang kumag but since lalaki siya, malalaki naman ang bias niya kaya madali niya lang kaming maabutan.

At kagaya nga ng sabi ko, nasa likuran na namin siya at nagrereklamo.

“Grabe! Iniiwan niyo ang isang kagaya ko? Sino ba sa amin ang kaibigan mo talaga? Ako o etong Guzman na ito?”  reklamo niya at napatingin naman ako kay Hazel nang nakita kong napayuko siya at parang nasaktan sa sinabi ni Mir kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. “Oy Guzman Joke lang iyon! Alam mo, parehas tayong kaibigan dito and alalay---“

“Shut up! Walang alalay sa inyo ngayon, okay?” pataray na sabi ko at inirapan si Hazel nang nagtama ang mata namin.

“So, kaibigan mo kami ngayon?” natatawang sabi ni Mir kaya napairap na lang ako at nauna ng naglakad. Sakit sa ulo ang lalaking iyon! Kaya kami siguro magkaibigan dahil bungangangero at Chismoso!

Pumasok ako sa loob ng National Bookstore para bumili ng worksheet ko at bumili na rin ng mga highlighter and a new diary dahil naubos na 'yong pahina ng diary ko.

Yes, I have diary at doon ko sinusulat lahat ng mga gusto kong sabihin. And this time, I want to write  how I met Ryder. Silly, but I have this feeling na kailangan ko siyang isulat, kailangan may tinta ang bawat pag-uusap namin.

Chasing A Trap (De Villa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon