27

655 15 0
                                    

"Now tell me, gusto mo pa bang maglasing?"

Napairap na lamang ako sa bungad sa akin ni Hazel nang nagising na ako. Parang tinatambol ang ulo ko at parang gusto ko pa magsuka. Damn!

Kahit naman ganoon ako kalasing kagabi, alam ko parin na hindi ako nananaginip noong nag-usap kami ni Ryder. Like fuck! Alam ko kung paano nya sinabing naghihiganti ako sa mga pinsan ko!

I never even think of that for fuck's sake! And he really think that I have a thing with Mir? Kadiri!

"You know what? I don't need your rants for now, Hazel. May hangover ako baka hindi ka aware?" inis na sabi ko at minasahe ang sentido.

Pucha! Kung gaano kasarap uminom ng alak, binabawi naman kinabukasan! Gosh!

"Inumin mo na 'yang gamot na nasa tabi ng study table mo, may ginawa ring soup si Nanay." Sabi niya at umalis na sa kwarto ko.

"Akala mo naman hindi ka rin lasing kagabi," sabi ko at natawa naman siya bago na nya naisara ang pintuan.

"Pucha! Ang sarap tanggalin ng ulo ko!"

Isang linggo, isang linggo akong walang ginawa at taga hatid na lamang kay Hazel sa tuwing may flight sya. Wala eh, isang linggo na akong hindi pumasok sa bangko, in short, isang linggo na akong walang trabaho at nakakabagot na sya!

Tinulongan ko na si Nanay sa paglilinis ng condo, taga-grocery at tagalaba na rin pero I really felt empty. I want to work! Mas gusto ko pang makita ang mga reports ng bangko, ang mga papeles at transaction ng bangko o 'di kaya naman ay makipag-meet sa mga investors, than this! Mamamatay ako sa pagkakabored!

"Nay! Aalis po ako mamaya," pagpapaalam ko kay Nanay Flora habang siya ay nagtatahi ng damit nya. Natigil naman siya sa ginagawa at tinignan ako.

"Saan ka pupunta iha?" tanong nya at napakamot naman ako ng ulo bago tumabi sa tabi nya at bumuntong hininga.

"God Nay! I already did everything just to entertain myself and accept that I am un-employed but dang! Hinahanap po ng kamay ko 'yong mga papeles sa bangko. So to make myself calm again, magjo-jogging na lang po ako mamaya." Sabi ko at natawa naman si Nanay.

"Naku, ikaw talagang bata ka. Oh sya! pero mamaya ka na pupunta, masyado pang mataas ang araw at mainit pa sa labas, baka ma-heatstroke ka." Paalala nya at ngumiti naman ako bago tumango.

Tinignan ko ang orasan at alas tres pa lang at tama si Nanay, masyado pang mainit sa labas.

"Nay, you think Dad will stop pestering the bank?" tanong ko at bumuntong hininga.

Kamusta na kaya ang bangko? Hindi naman na siguro ginagalaw ni Daddy ang bangko, hindi ba? Nagresign na ako do'n. Maybe, okay na. Sana.

"Hindi ko alam Kazea, ano ba ang napag-usapan niyo ng Daddy mo?" tanong nya at napakagat labi naman ako.

"He told me to resign and accept his offer," mahinang sabi ko at napakagat labi. Nakita ko namang binaba na ni Nanay ang sinulid na hawak at ang damit, bago ako hinarap at hinawakan sa braso.

"Pumayag ka ba sa offer nya?" tanong nya at napailing ako.

"Nag-resign lang ako Nay pero hindi ko sinabing ako ang mamahala sa condominium nya. Nag-resign ako para hindi na iyon ang pag-iinitan ni Daddy," paliwanag ko pero may parte sa akin na kinakabahan dahil kilala ko si Daddy, may pagkatuso na siya. Kahit sabihin ko na nag-resign ako pero hindi ko naman inaccept ang offer nya, damn!

"If I accept his offer, ikukulong ko lang ulit ang sarili ko, Nay. Hindi ko kayang makipagtrabaho sa kanila. I don't want to see Ryder for a whole year or kung kelan ang estimate ng pinapagawa ni Daddy. I also don't like to see Daddy, alam ko na papakielaman nya na naman ako." Sabi ko at napakagat sa labi dahil sa nararamdamang inis.

Chasing A Trap (De Villa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon