21

666 23 4
                                    

“I am not doing this because of the past, Nayumi.”

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman, matatawa kasi nagmumukha siyang tanga dahil alam ko naman na iyon talaga ang rason niya and he sounds very defensive! O maiinis kasi nagsisinungaling na naman siya sa akin.

Tinignan ko si Ryder or Aiden? I don’t know how to call him. I don’t want to call him Ryder dahil iyon ang pangalang linaro ako at nahulog sa sarili kong patibong. I don’t want to call him Aiden too, dahil iyon ang fiancé ko. Oh wait! Hindi ko na siya fiancé because I don’t accept him in my life. NEVER.

“Mr. Buenavista, I may sound rude but if I build my business, hindi ikaw ang kukunin kong Engineer. I don’t even know you, who knows, marupok ang pundasyon na ibi-build mo?” seryosong sabi ko at sinalubong ang mata niyang gaya ng dati ay parang walang pakielam at singlamig ng yelo. Matang minsan ko ng nakakitaan ng pag-alala at kinang pero pawang mga kasinungalingan. He never considered my feelings and my cousin’s feelings.

“Nayumi,"

Matigas na tawag sa akin ni Dad kaya tinignan ko siya.

“Vionice. I am no longer Nayumi, Daddy,” pinantayan ko ang boses niyang seryoso at pinakitang hindi na ako kagaya noon na isang sabi niya lang ay agad akong sumusunod. I am no longer that 18 years old Nayumi. 

I already learned how to live by myself, I already have job and I can feed my self without asking their financial supports.

“I want you to handle my new business, Nag-iisa kitang anak Nayumi, and ikaw ang magmama---“Really? Nag-iisang anak?” May bahid ng pang-uuyam ang boses ko.

“I want a firm daddy, I am earning to build my firm and handling condominium business is not in my plan. Pahawak mo na lang d'yan kay Engineer Buenavista total may tiwala ka naman sa isang 'yan, 'di ba?” madiin na sabi ko at nakita ko naman ang pagkuyom ng kamao ni Ryder at napairap na lang ako.

It’s been 5 or 6 years and sa tingin nila mauuto pa nila ako? Hindi na ako kasing tanga ng dati! I am now a Certified Public Accountant! May lisensya na at lahat lahat! I am no longer a baby!

“You said it’s not all about the past, really? You negotiated to Buenavista’s Construction Group just to build your fuckin’ business when in fact, we have also a construction group? Bakit hindi nalang sina Architect Yazid ang kinuha mong Architect and also si Engineer Jacob, hindi ba? You cannot fool me. Never again.”

Pagkasabi ko nito ay tinalikuran ko na sila at naglakad patungo sa pintuan ng opisina niya pero hindi ko pa napipihit ang seradura ay nagsalita na si Daddy.

“Accept this offer Nayumi, o pababagsakin ko ang bangkong pinagtra-trabahoan mo.”

Natigil ako roon at napasinghap. How could he?! Business nila Mir iyon! Bangko nila iyon and he said what?! 

Agad akong humarap sa kanilang dalawa. Si Ryder na nakatingin lang kay Daddy habang si daddy naman ay seryosong nakatingin sa akin.

“Huh! Six years, wala ka pa ring pinagbago, Daddy. Now you’re black mailing me because you know how much that bank means to my friend!” sigaw ko at muling lumapit sa kanila.

Tumigil lang ako nang nasa tabi na ako ni Ryder at tinuro siya.

“This guy! Gagawin mo iyon para sa lalaking 'to?! Putangina! Six years Daddy! Hindi mo pa ba napapasok d'yan sa kokote mo na kailanman hindi magiging kami! Fuck!” malutong na mura ko bago binigyan si Daddy ng masamang tingin.

“Huwag na huwag mong gagalawin ang bangko nina Mir Daddy o mas lalo kang magsisi na tuluyan ka ng mawawalan ng anak.”

Pagkasabi ko nito ay agad akong pumanhik at malakas pang sinara ang pintuan ng opisina nya bago lumabas sa kompanya.

Chasing A Trap (De Villa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon