40

954 18 1
                                    

"Sigurado ka bang mabait 'yang Mommy mo?"

Nanginginig ang tuhod ko habang nakatingin sa main door nila, this is the first time that I will meet his Mom personally. Kilala ko naman na sya dahil sa litrato na binigay ni Aki, but still! Hindi ko pa naman alam ugali nya.

Sa loob kasi ng 3 years- no, almost 4 years namin na naging magjowa, hindi ko pa name-meet ang parents nya dahil sa kaliwa't kanan na trabaho ko. I can't even have time to relax within that years!

Ikaw ba naman nag-handle ng lahat ng business niyo dahil sa hindi pwede si Dad. Now, I am admiring Daddy because for almost how many decades, he handled our businesses very well!

"Relax love, remember the time I told you that Mom likes you for me? Ano pa kaya ngayon na malalaman nya na isang buwan na lamang ay magiging kapamilya ka na talaga nya," sabi nya at mas hinigpitan ang yakap sa bewang ko.

But it's because of the engagement, hindi pa nya ako kilala ng lubos!

Iniling ko na lang ang naiisip ko na 'yon.

Huminga nalang ako ng malalim bago pilit na ngumiti.

Grabe talaga ang kabog ng dibdib ko pero noong hinawakan na ni Ryder ang kamay ko at tinaas iyon habang nakatingin sa akin bago hinalikan ang singsing na nasa daliri ko ay hindi ko mapigilang ngumiti at magkaroon ng kunting lakas.

Nasa ganoon kaming posisyon nang biglang bumukas ang pintuan at linuwa noon ang isang babae na siguro ay nasa 18 anyos pa lamang.

"I knew it! Mom! Dad! Andito na si Ate Nayumi!" malakas na sigaw nya habang nakaturo sa amin.

Kita sa mata niya ang saya, ang ganda nya. She is tall and maputi sya kagaya ni Ryder. I think bagay sya magmodelo dahil sa perpektong hugis ng katawan nya, ang hinaharap ay hindi ganoon kalaki pero sakto lang. Kapag ngumiti sya ay naghuhugis puso at kitang kita ang mga ngipin nya, dagdag mo pa ang pisngi nyang natural na ata na mamula-mula dahil sa labis na kaputian.

Nahiya naman ako, I mean, maputi ako pero kapag tumabi siguro ako ay mas lalo syang puputi. Gosh! Tapos naka black off shoulder pa sya at mini skirt, kaya mas naging maputi sya sa paningin ko.

So this is Frea, kapatid ni Ryder.

"NAYUMI!"

Nabalik lang ako sa huwisyo nang may babaeng kaedad lang ni Mommy ang patakbong pumunta sa gawi namin ni Ryder at alam ko na kung saan nagmana ang dalawang magkapatid na ito. Sobrang ganda ng Mommy nila, Gosh! Bakit hindi ito nagustuhan ni Daddy?

I mean maganda si Mommy but Tita is also beautiful! Maganda na sya sa picture pero mas maganda sa personal!

Pero buti na rin, baka hindi ako nag-exist kung sila ang nagkatuluyan.

Yinakap nya ako ng mahigpit at napayakap narin ako at kitang-kita ko ang paglaki ng mata ni Frea, habang tinuro ang diamond ring sa daliri ko na nakabalandra sa kanya dahil sa pagyakap ko kay Tita heaven.

"Oh my Gosh, Mommy!" sigaw ni Frea at nagbalik balik ang tingin nya sa singsing at sa akin. Inakbayan naman sya ni Ryder at sinabing huwag maingay, para naman syang tanga na tango na lang ng tango habang paulit-ulit na sinasambit ang "oh my gosh" ng walang tinig.

Kumalas sa yakap si Tita Heaven at nakangiti sa akin.

"Finally you are here! I waited for how many years," lumabi pa sya at napangiti naman ako bago kinagat ang labi. "Oh by the way, come inside! Nagluto ako ng mga pwede nating mameryenda dahil maaga pa, hintayin pa natin si Hermes dahil nasa kwarto pa iyon, nagpapagwapo," sabi nya at giniya ako papasok sa bahay nila.

Chasing A Trap (De Villa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon