7

597 51 16
                                    

“Ang sabi ko magkakape rin ako! Ano ba!” 

Inis na sinigawan ko ang gagung Ryder na ito nang imbes na kape ang inorder sa'kin ay tubig ang binigay.

Ako na nga 'tong linibre s'ya sa gas dahil nakasakay s'ya sa kotse ko dahil hindi n'ya man lang ako pinayagan na magdrive, like haler! Hindi na ako lasing! Aba sinong hindi mababalik sa huwisyo kapag nakita mo na ang inis sa mata n'ya na dati ay parang walang pakielam at hindi alam ang salitang emosyon? Kaloka!

“Nagsuka ka kanina—“and so?”” tinaasan ko sya ng kilay pero tinaasan n'ya rin ako ng kilay! Aba’t!

“Nawalan ka ng fluid sa katawan mo dahil sa alak tapos nagsuka ka pa, ibig sabihin no'n na mas kailangan mo uminom ng tubig.” mahabang paliwanag n'ya habang ako naman ay tinago ang pagkamangha sa kanya, para s'yang tatay ko ngayon na tinuturuan ako ng tungkol sa katawan ng tao.

“Whatever” irap ko at kinuha na lang sa kanya ang isang bottled water at agad na binuksan 'yon at uminom. Siya naman ay agad nang inistart ang engine ng kotse, habang ang kanang kamay ay nakahawak sa manibela at ang kaliwang kamay ay nakahawak sa kape n'ya na binili pa sa starbucks, ang siko ay nakasandal sa bintana ng kotse.

Parang isang modelo ng kape ang isang 'to.

Nakakahiya naman at nasukahan ko pa s'ya. Buti na lang at may extra t-shirt siya at ang gagu! Linagay na sa basurahan ang damit n'yang sinukahan ko!

Iniwas ko na lang ang tingin sa kanya bago pa n'ya maramdaman na nakatitig ako, baka sabihin pa na may gusto ako sa kanya. Like duh!

“Saan tayo pupunta? 10 o’clock na ng gabi ah” sabi ko habang tinignan ang cellphone ko, na sa awa ng diyos ay hindi nasira at nakuha ko pa do'n sa tatlong lalaki, tangina, wala pala silang kambal.

Napansin ko kasi na hindi ito ang daan papunta sa De Villa Village kaya tinanong ko na s'ya.

“Somewhere where you can use your goddamn mouth.” malamig na sabi n'ya habang pokus na pokus sa daan. Ako naman ay napatakip sa bibig ko at sinamaan s'ya ng tingin.

“Punyeta! Baka nakakalimutan mo na kotse ko ito at pwede kitang pababain sa gitna ng daan!” inis na sabi ko at nakita ko naman ang pagngisi nya.

“Hawak ko ang manibela, remember?” nakangising sabi n'ya at tinignan ako ng isang segundo bago tumingin ulit sa daan. Nakakainggit na ang daan ah!

Pucha! Pinag-iisip ko?!

“Saan nga kasi? Nang masabi ko sa bahay na—“may date ka?”” pagsingit n'ya sa'kin at nainis naman ako doon, kung hindi lang sya nagmamaneho, tangina! Kanina ko pa s'ya sinapak!

“Ang kapal ng mukha! Ang kapal!” inis na sabi ko at nginisian lang n'ya ako.

“Talo ka na sa pustahan.”

Natigil ako sa sinabi nya at napakurap. Teka? Alam ba n'ya na may pustahan kami ni Aki? Like How?

“H-huh?”

“I’m thinking now you really need to stop this and stay away from me.” seryosong sabi n'ya at heto na naman ang kinginang puso ko! Hindi na naman nya tanggap ang rejection!

“Try harder. Hindi ako lalayo sa'yo.” seryosong sabi ko at tinignan na lang ang bintana, kahit puro mga ilaw lang iyon ng mga bahay ay na-aappreciate ko na.

Mukhang papalayo na kami sa syudad.

Narinig ko naman na nagbuntong hininga s'ya pero hindi ko na lang pinansin, agad akong uminom sa tubig na bigay n'ya. Putangina! Nakakalito s'ya! Gusto n'ya akong lumayo pero heto s'ya at dadalhin pa ako sa kung saang lupalop ng mundo!

Chasing A Trap (De Villa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon