33

714 18 0
                                    

“What the fuck!”

Inis ko siyang tinulak nang matauhan ako na nakalapat na ang labi namin sa isa’t-isa.

Nanginginig ang tuhod ko at gusto na lamang umupo sa sahig dahil sa panlalambot nito. Ang puso ko, I can already hear my heart beat, I held my chest just to calm myself pero mas lalo lamang na bumilis ito.

I bite my lips because of what I am feeling pero tinanggal ko rin nang maisip na dumampi sa labi ko ang malambot niyang labi!

Yes! I am dreaming to kiss him but not in this situation! May girlfriend siya at pinsan ko pa! tama na ang minsang panglandi ko sa kanya! Before I had an excuse! Hindi ko alam na merong sila, but this time? Aware na aware na ako!

“Nayumi,"

Agad akong lumunok ng laway at binigyan sya ng masamang tingin.

“I told you to stay away from me,” madiin na sabi ko at agad naman siyang nag-iwas  ng tingin.

“I… I can’t----“DAMN RYDER! NASA LANGIT LANG ANG GIRLFRIEND MO! NASA EROPLANO! IT DOESN’T MEAN NA KAPAG WALA SIYA, LALANDIIN MO AKO!” inis na sigaw ko at napasabunot naman siya ng buhok at ako naman ay nagsimula ng manginig ang kamaong kinuyom ko.

Tinignan niya ako habang ang kamay ay nasa buhok niya at ang mata ay nagsimula ng pumula at kumislap dahil sa nagbabadyang luha.

Why he keeps on crying when I am shouting at him? He should not care! Damn it!

Hinakbang niya ang kanyang mga paa papalapit sa akin pero agad naman akong umatras. Huminga siya ng malalim at kinagat ang nanginginig niyang labi.

“Nayumi…. Please, please just this one, let me explain,” gumagaralgal ang kanyang labi pero mas pinatatag ko ang sarili ko.

This is a trap; this is a fuckin’ trap, Vionice!

Marahas akong umiling at agad na tinulak siya nang makalapit siya sa akin. 

Kulang na lang ay lumuhod siya sa harapan ko dahil sa kagustuhan niyang makausap ako pero iniwas ko lang ang tingin ko at lumunok.

“You don’t need to explain, I fuckin’ know you fooled me,” madiin na sabi ko at sakto naman na bumukas na ang elevator at iniwan ko siya doon na nakatingin sa parte kung saan ako kanina nakatayo.

Agad akong nagtungo sa opisina ko at linock iyon.

Sumandal ako sa pinto at agad na hinawakan ang dibdib. Malakas parin ang tibok nito at kailangan ko itong pakalmahin.

Napaupo ako sa sahig habang nakahawak sa dibdib ko at unti-unti ay napahawak sa labi ko at tumulo na ang luha.

“Why? B-bakit ang hirap mong kalimutan?” mahinang sabi ko at nagtuloy-tuloy na ang luha ko. 

Sakto pa na napatingin ako sa nakasabit na painting ng buwan sa dingding at mas lalo lang akong napaiyak.

“I want you to be my Moon but you already have the whole galaxy, with Aki, you will find peace,” nanginginig ang labing sabi ko at napaob-ob na lamang ako sa aking tuhod.

Ang sakit, ang sakit isipin na ang taong mahal ko ay may mahal na iba, may kasintahan na. Gusto ko siyang agawin dahil sa pinapakita niya sa akin but damn! Aki is still my cousin and I still love her.

Nanatili akong ganoon sa loob ng limang minuto bago nagpasyang patahanin na ang sarili at kailangan ko ng bumalik sa restaurant at ibuhos na lang doon ang oras ko kaysa sa isipin ang nangyari kanina.

Pero kahit gaano ako naging ka-busy sa restaurant, sa tuwing nakikita ko ang labi ko ay naalala ko kung paano naglapat ang labi namin.

That was just a smack, if you called it that one since I pushed him after, but the effect to me is like we kiss in a torrid way or what!

Chasing A Trap (De Villa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon