32

708 18 0
                                    

“Hala sorry, Ma’am! Sorry Engineer Buenavista! Yong debri po kasi, matatamaan si Ma’am.” 

Kita ko ang takot ni Engineer Gonzaga habang inaalis ang pagkakadagan sa akin at pagkakayakap. Tumayo siya at kita ko ang gasgas sa siko niya pero nanatili parin akong nakatulala at iniisip na nahalikan namin ang isa’t-isa!

Damn!

“Go back to work,” madiin na sabi ni Ryder at agad naman na tumingin sa akin si Engineer Gonzaga.

“Sorry Ma’am, hindi ko po sinasadya na mahali---“I SAID GO BACK TO YOUR WORK!” 

Natataranta naman na umalis si Engineer Gonzaga sa harapan ko at nagpatuloy na sa trabaho.

Ako naman ay agad ng napalunok at napakurap-kurap pa bago tumayo at dali-daling pinampag ang aking pwetan.

Hindi pa ako as in nakakaget-over sa nangyari ay agad nang may nanghila sa braso ko at agad na hinatak.

“What the fuck!” Malakas na sigaw ko nang hinila ako ni Ryder habang alam niyang mabato ang daan at mukhang na-sprain ang ankle ko dahil sa biglaang pagkatulak sa akin! kahit sabihin na natin naka shoes ako ngayon! Damn!

Gusto ko mang sabihin sa kanya na masakit ang paa ko ay mukhang hindi nya ako magawang pakinggan dahil sa nag-iigting niyang panga at ang talim ng titig nya sa daan.

Wala akong magawa kundi ang ilakad ang kanang paa kahit sobrang sakit na at feeling ko namamaga na! Kinagat ko na lang ang aking pang ibabang labi at pinigilang huwag maiyak sa sakit.

Marahas niyang binuksan ang opisina niya dito sa site at agad na napatingin sa amin iyong engineer na babaeng nakita kong kasama niya sa bar.

“Hala Ryder! Anong nangyare? Bakit sya paiyak?” natatarantang sabi niya at tinuro pa ako.

“Leave us alone, Jemina.” Madiin na sabi niya at natataranta namang kinuha ng Jemina na iyon ang nakarolyong papel na sa tingin ko ay blue print bago tipid na ngumiti sa kanya at sa akin naman ay mukhang naawa.

Nang nakaalis na ito ay agad niya akong hinila muli para makapasok sa opisina niya at marahas na sinara ang pinto bago ako bitawan.

Napayuko naman ako at tinignan agad ang paa ko. Linuhod ko ang kaliwang paa at tinatanggal ang sintas ng sapatos ko nang marinig ko ang pagsapak ni Ryder sa pader.

Agad akong natigilan at tinignan siya.

“Ano bang problema mo?” inis na sabi ko at agad naman niya akong tinapunan ng masamang tingin.

“You still ask me why the hell I am mad?” madiin na sabi niya at mas lalong nag-igting ang panga niya at ang panginginig ng kamao niya. Napalunok naman ako bago nag-iwas ng tingin.

May alam akong rason kung bakit sya galit, pero sinasantabi ko iyon dahil iniisip ko, may girlfriend siya at hindi ako 'yon.

“I FUCKIN’ WANT TO TASTE YOUR LIPS NAYUMI BUT I NEVER DARED! NOW, I SAW YOU FOR THE NTH TIME KISSING SOMEONE?! WHAT THE FUCK!” sigaw niya at agad na sinapak muli ang pader at kita ko na ang pag-agos ng dugo sa kamao niya pero hindi man lang nya ininda, just like before.

Agad naman akong tumayo at binalewala ang sakit ng paa ko bago siya tinignan ng masama.

“For the nth time? You sound like you saw me kissing lots of guy-----“Bakit hindi ba?” madiin na sabi nya at napa-iwas naman ako ng tingin.

I know for the past 6 years, madami akong dinate, madami akong hinalikan pero hindi ko aakalain na alam nya ito.

“Are you stalking me?” madiin na sabi ko at siya naman ang nag-iwas ng tingin. Napatawa tuloy ako ng pagak bago lumapit sa kanya at masama syang tinignan.

Chasing A Trap (De Villa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon